20 | Intervention

Magsimula sa umpisa
                                    

Binago ko ang tono ko at pasungit na sinabi..

"Pagbawalan ko kaya si Haniel na tawagin kang Achim.."

Nagtataka naman niya akong sinulyapan. Iniisip siguro kung bakit.

"Para Achim ka na lang." sabay ngiting pacute ko.

Nang hindi niya na napigilan ang sarili, nakita ko ang takas niyang ngiti sa labi. Mas lalo naman akong ginanahan sa mga kalokohan ko.

Handa na sana akong bumanat pa ng ilang pick-up lines nang may humarang sa amin. Agad akong napasimangot sa kaboteng nasa harap namin.

Panira.

"Joachim, nandito ka rin pala!" masayang sabi ni higad.

Ay hindi, wala. Look-alike lang 'yang nakikita mo. Napairap na lang ako sa presensya niya.

"Yeah. Sino kasama mo?" tanong ni Achi.

Lumingon sa likod si higad at tinuro ang isang may edad na babae na may hawak ng cart. "I'm with mommy, tara magpakita ka sa kaniya." sabi niya sabay hatak kay Achi papalapit doon.

Isang malupet na irap ang ginawa ko. Sa sobrang lupet halos lumabas na yung eyeballs ko. Ganon ako hindi natutuwa sa nangyayari.

Mabigat ang loob kong sumunod sa kanila.

"Uy, iho. Sino kasama mo?" tanong nito nang nakalapit na sila.

"Ako lang po mag-isa, tita." magalang na sabi ni Achi.

"Ganon ba? Tapos ka na bang mamili?"

"Uh, I think so?" sabay tingin ni Achi sa mga pinagkukuha niya.

"Then, if you don't have anything else to do, how about you join us for dinner?" nakangiting alok nito.

Say no. Say no.

"No, it's okay, tita. I don't want to bother your time with Viy." magalang pa rin nitong pagtanggi.

"No, no. I insist! Ang tagal na nung huling nagpunta kayo sa bahay namin. Tsaka, para na rin makapagkwentuhan kayo nitong si Viy." sabi pa nito.

Hello? Mawalang galang lang po, baka nakakalimutan niyong magkakasama sila kahapon.

Sabay silang nagpuntang counter at doon na nagbayad. Walang nagawa si Achi kundi sumama sa kanila habang ako ay nagmukmok na lang sa tabi niya.

Mag-ina nga talaga ang dalawang iyon. Parehong panira.

Hindi ko maiwasanag hindi makaramdam ng panghihinayang. Hindi ko man lang nasulit ng maayos itong date namin ni Achi.

'Di bale, baka may susunod pa.

With a heavy heart, I sighed. Goodbye to our first date, you will be missed...

And you will be remembered.

❇❇❇❇

Dumating kami sa bahay nila higad at nagmamadaling kumilos ang kaniyang ina para makapagluto. Samantalang awkward lang na nakaupo sa aking tabi si Achi dito sa kanilang sala habang hinihintay si higad na agad umakyat para makapagpalit ng damit.

Loving Her Soul [Book 1 of Loving Her Trilogy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon