"It's unfair, Maxim!" may inis na sigaw sa kaniya ni Jayden.

"Unfair? What do you mean?" si Trez.

"Weirdos..." pikong bulong ni Zetteki.

They're not weirdos! Biglang pumasok sa isip ko si Jiyuri. Kung sina Maxima at Rousse ay pumapatay... ano pa si Jiyuri? Si Tita Jayura? Ang... ang nanay ko? Anong alam nila na hindi ko alam?

"My real name is Maxim, not Maxima Fontana. Dirk is just Dirk. We don't have surnames," malamig na sabi ni Maxima. Maxim?

"Why did you lie?" kalmadong tanong ni Jozya, nanatili ang mga mata kay Maxim.

"It's hard to explain..." nagbaba ng tingin si Maxim.

"Because you, normal people, can't know their names," si Jayden ang sumagot. Bumaling ang lahat sa kaniya. "The Jayden you've been with is not me."

"What are you saying?" si Quizon, nakakunot ang noo.

"I am the real Jayden Dawn D. Santiago. The woman you've been with ten years is my sister," matapang na sinagot ni Jayden ang tanong ni Quizon.

"What?" hindi makapaniwalang reaksyon ni Trez. "Nagpanggap.. ang kapatid mo na ikaw siya?"

"At paano ka nagkaroon ng kapatid?" hindi makapaniwala si Jozya.

Maski ako. Hindi ako makapaniwalang nagconfess si Jayden! Paano kung magalit si Jiyuri? Paano kung..

"She's my half sister," honest na sagot ni Jayden. Mas lalo akong nagkaroon ng interes na malaman kung anong mayroon kay Jiyuri. Half-sisters...

"Your parents-"

"My parents were dead," pinutol ni Jayden ang tanong sa kaniya ni Zetteki. "They were killed ten years ago," dugtong niya, walang emosyon.

Napaawang ang labi ko. So.. it's just her? The real Jayden is alone... she's now alone? Nalungkot ako para sakaniya. Naramdaman ko ang nararamdaman niya dahil dati ko na ring pinagluksaan ang mga magulang kong buhay pa pala. Masakit.

"What... the... fuck," wala sa sariling sabi ni Zetteki at napatulala naman si Jozya.

"Bakit kinailangan ng kapatid mong magpanggap na ikaw? Kamuhkang kamuhka mo siya..." wala rin sa katinuan si Trez at nalulutang na!

Same reaction, people. Magkamuhkang magkamuhka talaga sila, mata at boses lang ang pinagkaiba. I missed her... Napapikit ako at pilit na inalis siya sa isip ko.

"She thought I was dead," Jayden cleared her throat. "But I was kidnapped...and tortured," dugtong niya, bahagyang nahirapan pa sa huling salita!

Gusto kong maawa sa kaniya nang sobra. Halos parehas silang naghirap ng kapatid niya. Sobrang... sobrang nakakalungkot ang mga nangyari sa pamilya nila. Tapos dumadagdag pa ako sa problema ni Jiyuri. Puta talaga.

"Jayden..." nag-aalalang sambit ni Trez.

"Wag niyo akong kaawaan," matigas na sinabi ni Jayden at tinignan ang bawat isa. "Because my sister suffered the most," nalulungkot niyang dagdag.

"Jayden," sinasaway na ni Maxim si Jayden pero masama lang siya nitong tinignan.

"I have to introduce my sister to them! Nakasama niya ang mga ito for ten years!" hindi na nakapagsalita pa si Maxim at napahilamos sa muhka. Bumaling muli ito sa amin. "Jiyuri Dawnysus... that's her name," nakangiti man siya pero hindi yon umaabot sa mata. Nangilid ang luha niya at yumuko. "She's my human shield... she was used to protect me."

"W-What..." wala sa sariling nagsalita ako! U-Used? Nabanggit niya yon. Pero hindi ko aakalaing malaking bagay na yon sa kanila. Jiyuri loves her sister so much.

"My parents used her to protect me," muli siyang nagsalita. "As you can see, kamuhkang kamuhka ko siya. Dahil nga nag-iisa akong anak, maraming gustong pumatay sa akin dahil ako ang tagapagmana ng parents ko."

"What the actual fuck," komento ni Quizon. Nakaawang ang labi at nakatulala.

"Kaya ginamit nila siya upang pag may papatay sa akin, siya ang mapapatay... at hindi ako," bumagsak ang mga luha niya sa puntong ito. Napaupo siya sa couch at doon sumubsob. Kitang kita ang yugyog ng balikat niya.

"W-Where is she now? Is she safe? Paano kung patayin siya ng mga snipers sa labas?" sunod-sunod na tanong ni Trez.

"She...is busy," sagot ni Maxim upang maiwasan ang tanong na yon.

"Sana..." ako naman ang nagsalita. Napunta sa akin ang mga mata nila. "Sana hindi na muna ito makalabas sa media, hindi magugustuhan ni Jiyuri kung bigla-biglang kakalat 'to..."

"He's right," pagsang-ayon ni Maxim.

"Wait, ikaw," biglang tinuro ni Zetteki si Maxim. "Totoong... pumapatay kayo?"

"Yes," walang alinlangang sagot ni Maxim. "We're born to kill, protect, serve others, Zetteki. Don't question us because we are capable of everything."

Bumalot ang kilabot sa aking katawan. Si Maxim pa lang ang nagsabi niyon pero talagang makapangyarihan na. Paano kung... si Jiyuri pa? Ibig sabihin ay pumapatay din si Jiyuri? Paano niya nagagawa yon? Paano niya... shit.

The Darkest Moon Star [JDDS SERIES #3] (COMPLETED)Where stories live. Discover now