Naalala ko na, alam ko ang senaryo na ito. Ito ang araw na pinamigay ako ni Mommy sa Tiyahin ko dahil may utang siya kay Tiya na hindi niya mabayaran. Nandito si Cosmer at Collin, pero imbes na I-comfort ako ay nang-iinis pa si Collin. High school na kami nang mga panahon na 'to.

Kakaiba na ang treament sa akin ni Collin, he become cold and distant. Para bang may nagawa akong mali sa kaniya kung bakit siya naging ganito sa akin. Dito ko unti-unti napansin na parang may galit sa akin si Collin at naging distant na siya sa amin.

Dumilim ang paligid na ikinatakot ko. Wala akong makita sa sobrang dilim. Hanggang sa naramdaman ko ang malamig na paligid. At unti-unti ay parang may humuhugot sa lakas ko. Naging magulo na sa isip ko ang mga sumunod na nangyari.

NAGISING ako nang maramdaman na parang may nakatingin sa akin. May nakahawak din sa kanang kamay ko at marahang hinahaplos iyon kapag kuwan ay may dumadamping labi. Sino ba ang taong 'to?

Kahit nanghihina ay pinilit kong minulat ang mga mata para tignan kung sino ang taong kasama ko. Malabo iyon nung una dahil sa sikat ng araw. Ilang beses pa akong pumikit bago tuluyang naging malinaw sa paningin ko kung sino ang kasama ko. Si Cosmer pala. Bumungad sa akin ang kalmadong muka nito na parang payapa siyang dahil pinagmamasdan niya ko.

"Cosmer?" naisatinig ko.

Kilala ko siya simula pa noon. Unti-unti ay babalik din ang alaala ko sa kaniya. Ngayon ay nakaramdam ako ng kaunting kasiyahan dahil sa naalala ko at dahil na rin sa narito siya sa tabi ko. Ngayon na may kaunti na akong naalala patungkol sa kaniya mas naging komportable na akong makipag-usap at makipagsagutan sa kaniya.

Kita ko ang gulat sa mga ni Cosmer. Wari ba'y may nasabi akong kinagulat niya gayong pangalan lang naman niya ang binanggit ko. Naiilang na ako sa tingin niya kaya naman nag-iwas ako nang tingin. Napansin ko ang katahimikan ng paligid kaya napakunot ang noo ko. Nang tignan ko ang buong kwarto ay walang kahit na sino ang naroon kundi kaming dalawa lamang. Mukang sinadya nila na iwan ako kay Cosmer.

"Heaven, maayos na ba ang pakiramdam mo? May masakit pa ba sayo?" nag-aalalangang tanong nito.

Bumalik ang tingin ko sa kaniya. Magaan naman ang pakiramdam ko sa kaniya, knowing na kilala ko pala siya noon, na magkaibigan pala kami o mas higit pa. Ngayon mas gusto ko na siya bilang kaibigan pero hindi ko lang talaga gusto ang ideya na kasal ako sa kaniya. Malakas na napabumuntong-hininga ako bago umiling.

"Nagugutom ka na ba?" Nakangiting tanong nito.

Halos magdikit ang dalawang kilay ko sa tanong niya. Bakit parang may kakaibang kahulugan ang tanong niya? Huwag mo sabihin sa akin na iniisip niyang patay-gutom ako?

Masungit na tumangi ako sa tanong niya. Ngayon hindi na ako natutuwa sa kaniya.

"Talaga? Maghapon kang tulog, hindi ka nagutom?" nagtatakang tanong nito ngunit mahahalata ang pang-aasar sa mga mata at tono ng boses niya.

"Ano? Maghapon? Ang tagal naman."

"Hindi mo ba alam? Bukod sa pagkain matakaw ka rin sa tulog." Natatawang sagot nito.

"Ha ha ha, ilang tawa gusto mo?" sarkastikong tanong ko.

"Mga lima."

"Pilosopo ka a!" Naiinis na binawi ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

"Nagtatanong ka e." Nakangiting sagot nito.

Hindi ko alam pero naiinis na ako ngayon sa kaniya. Ang yabang ng dating niya parang si Collin. Sa bagay, magkapatid nga talaga sila. Sumingot na lang ako at piniling manahimik. Feeling close, oo, gwapo siya pero hindi ko type ang ugali niya. Minus points ka sa akin.

She's The Billionaire's Obsession Book 1Where stories live. Discover now