Fall Chapter 5

3.9K 206 9
                                    

Dedicated po ito sa mga magugulatin, yung kachat mo kanina eh kachat na ng iba abat nagulat ka pa eh wala naman kayong level oppss sori sori babush:)

*******


"Argh! My head!" nahihirapan na sigaw ko habang pinupukpok ang ulo. Halos matawag ko na lahat ng santo dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. This is the reason why I hate beverage pero wala akong choice kapag si Cyrene na ang nag-aya. She's horrible if you say no. "The heck, I wanna die now."

Nagpagulong-gulong lang ako sa kama habang hawak ko ang ulo ko. Tinawag ko na 'ata lahat ng santo sa bawat pintig ng sentido ko, kahit ang totoo hindi ko saulo lahat ng pangalan na yun. Parang sasabog ang ulo ko sa sakit. Ang lagkit pa ng katawan ko dahil sa pawis. Ang init sobra, nakakairita. Naghalu-halo ang sakit ang emosyon ko.

After a minute pagpasyahan kong maligo para mahimasmasan kahit paano. Kahit may hangover pa at pinilit kong maglakad habang hawak-hawak ko ang ulo ko, pakiramdam ko kasi ay babagsak iyon sa sobrang bigat at madadala ang buong katawan ko. Ayoko na talaga uminom ng alak. Bakit ganoon? Masarap sa una masakit sa huli?

MABILIS akong naligp, wisik-wisik lang basta dumaloy lang ang malamig na tubig sa katawana ko ay ayos na sa akin iyon. When I'm done taking a bath, I wore my home clothe and went to the kitchen. Hinihilot ko pa rin ang sentido ko habang bumababa ng hagdan.

Nasa last step na ako ng hagdan nang may marinig akong boses ng isang lalaki sa loob ng utak ko, parang alaala iyon na pilit pumapasok. Wife I tried to remember where I heard that voice. Kanino boses iyon? Bakit pamilyar? Sandali, sinong naghatid sa akin pauwi ng mansiyon?

Pinilit kong alalahanin ang nangyari kagabi. Bumalik sa isip ko ang alaala nang naduduwal ako at pinilit kong makapunta sa restroom. Hanggang doon lang ang naalala ko. Kasunod niyon ay tanging boses na lang ang naririnig ko, boses ng lalaki. Mas lalo lang sumasakit ang sentido ko kaya nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at binalewa sa isip ang boses ng lalaki na pilit gumulo sa isip ko.

"Manang, fresh milk please po," medyo antok na sabi ko nang makita si Manang sa dining area.

Parang gumagawa ng clubhouse sandwich si Manang. Gusto ko sana itanong kung para kanino ang sandwich na iyon pero dahil masakit ang ulo ko shut up na lang muna ako. Pagod na umupo ako sa dating puwesto at ipinatong ang noo sa mesa. Medyo masakit ang pagkakapatong ng noo ko sa mesa dahil napalakas iyon.

Mayayari ako nito kay Dad pagnalaman niya 'to. Ayaw ni Dad na umiinom ako dahil babae raw ako, dapat maging maingat ang babae, hanggang't maaari sa loob lang ng bahay umiinom, may punto naman si Dad dahil bukod sa nasa bahay ka, ay kilala mo ang mga kasama mo sa bahay, hindi katulad sa bar, kung saan na hindi mo kilala ang mga tao ay wala kang habol.

"Ito, hija. Masakit ba ang ulo mo? Gusto mo ba kumuha ako ng gamot?" nag-aalalang tanong ni Manang bago nilapag ang baso ng fresh milk malapit sa uluhan ko.

Tamad na umiling ako habang nakapatong pa rin ang ulo sa mesa. Mukang okay na si Manang. Naka-recover na sa ginawa ko noong nakaraan. Kinapa ko ang mesa para hanapin ang basa, nahawakan ko naman ito nang hindi natatapon. Gatas lang sapat na. Isang malupet na sekreto. Hindi ako marunong uminom ng tabletas.

"Sigi, ayaw mo nga pala sa mga gamot... Gusto mo ba ng makakain?"

Paano nalaman ni Manang na ayoko sa mga gamot? Nasanay kasi ako syrup ang iniinom ko noong bata ako kaya nadala ko hanggang sa pagtanda ko kaya nga ayokong nagkakasakit dahil tutunawin lahat ng tabletas at ang masama ay sobrang sama ng lasa pero wala naman akong choice.

She's The Billionaire's Obsession Book 1Where stories live. Discover now