Natawa siya. Pagkatapos ay nagulat ako ng hawiin niya ito para tingnan ang peklat na itinatago ko duon. Tinitigan niyang mabuti ang mukha ko habang nakataas ang bangs ko. Marahan akong napapikit nang hinalikan ni Piero ang noo ko. "This is part of Amaryllis, I should love this too..." paos na sabi niya na hindi ko nasundan.

"Ha?" Tanong ko pero inirapan niya lamang ako.

Gumulong siya pahiga sa aking tabi at inayos ng mabuti ang kanyang unan. Ang kaliwa niyang kamay ginawa niya ding unan. Kaya naman kaagad kong itinaasa ang kanan niyang kamay na nagpapahinga sa may kama. Pumasok ako duon at tsaka inunan ang kanyang kanang braso.

Napangisi si Piero dahil sa ginawa ko. Buong akala ko ay magproprotesta siya. Naramdaman ko ang kamay niya sa aking likuran para itulak ako lalo papalapit sa kanya. Hindi na ako nahiya, iniyakap ko sa kanyang bewang ang kanang kamay ko.

"Amputa, tyansing" pangaasar niya sa akin habang nakapikit.

Napanguso ako. Amoy na amoy ko ang kanyang bango na kumapit na sa halos lahat ng kanyang damit. Lalaking lalaki pero masarap sa ilong. "Ayaw ko pang matulog" paggising ko sa kanya. Nanatili siyang nakapikit hindi niya ako pinansin. Ilang minuto pa ang nagtagal hanggang sa naramdaman ko ang mapayapang paghinga ni Piero, nakatulog na siya marahil sa sobrang pagod.

Mas hinigpitan ko ang yakap sa kanya. "May hindi pa ako sinasabi sayo Piero. Sorry..." emosyonal na sabi ko sa kanya.

"Ayokong magsinungaling sayo. Pero ayaw din kitang masaktan" malungkot na sabi ko pa. Tahimik kong dinamdam na magisa iyon hanggang sa dalawin na lamang din ako ng antok.

Nagising ako kinaumagahan na nasa tabi ko pa din si Piero pero hindi kagaya kagabi ay siya na ngayon ang nakayakap sa akin. Nakasuksok ang kanyang mukha sa aking leeg. Ramdam na ramdam ko ang bawat niyang paghinga duon. Hindi ako gumalaw para hindi siya magising. Pero maya maya ay siya din mismong ang gumalaw. Mas lalo siyang nagsumiksik sa leeg ko kaya naman kaagad kong naramdaman ang labi niya sa leeg ko.

"Ang aga mong nagising" paos na sabi niya sa akin. Halos makiliti ako dahil sa pagsasalita niya.

"Nagugutom na ako" nahihiyang sagot ko sa kanya. Napangisi siya at halos mamanhid ang buong katawan ko ng ipasok ni Piero ang kamay niya sa kumot. Mula sa baba ay bahagya niyang itinaas ang suot kong tshirt at malaya niyang hinaplos ang aking tiyan. Ramdam na ramdam ko ang init ng kanyang palad duon.

"Ang lakas lakas mong kumain. Tapos pagtitingnan ka para kang ginugutom" pangaasar niya sa akin.

Hindi ko napigilan ang maliit at mahinang pagungol ng bahagyang gumalaw pataas ang kamay ni Piero. Malapit na malapit na iyon sa aking dibdib. "Gutom ka na?" Paos na tanong niya sa akin na tinanguan ko na lamang.

Napatango din siya bago niya inilabas ang kamay sa loob ng tshirt ko. Magkasabay kaming lumabas ni Piero ng kwarto para dumiretso sa dinning, kagaya ng dati ay muli naming naabutan si Sarah na naghahanda ng pagkain sa may dinning. Nauna ng nakaupo si Lance habang kandong ang kanilang anak na si Larrie. Ngiting aso siyang tumingin kay Piero. Napangisi si Piero bago niya itinaas ang kanyang middle finger kay Lance.

Habang nasa hapagkainan ay nakita kong ayos na sina Sarah at Lance kaya naman gumaan na ang pakiramdam ko. Kain lang ako ng kain, nakita ko ang ilang mga pagsulyap ni Piero habang nakangisi akong pinapanuod. "Dahan dahan. Amputa walang aagaw sa pagkain" suway niya ng muntikan na akong mabulunan.

Kinailangan ulit umalis ni Piero at Lance paluwas ng manila. Nalungkot ako, buong akala ko kasi ay kasama na ako pagbalik nila sa Manila. Hindi naman sa hindi ko gusto dito sa bulacan kasama sila Sarah. Pero gusto ko kasi palaging kasama si Piero.

The Heartless Master (Savage Beast #2)Where stories live. Discover now