⚜️CHAPTER TWO⚜️

356 112 14
                                    

Chapter 2

Where am I?

Napabangon  ako at napaayos nang pagkakaupo sa kama. Malaki ang espasyo ng silid, halos lahat ng kagamitan ay naglalaro sa abo at itim na kulay lamang. Natatanaw ang malaking bintana sa kanang bahagi ng silid at tumatagos doon ang sinag ng araw. Nahagip ng aking mata ang maliit na orasan sa bedside table. It was already ten o'clock in the morning. Wala akong ibang nagawa kundi ang mahiga ulit sa malambot na kama, habang napapaisip kung ano nga ba ang nangyari at kung paano ako napunta dito. 

Napatingin ako sa bintana at tila napakapayapa ng kapaligiran, napapalibutan ng nagtataasang puno at kabundukan. Sa kabila ng kalmadong kapaligiran ay siya namang bigat ng aking nararamdaman at sinamahan pa ng sakit ng katawan. Napadaing ako ng maramdaman ko ang hapdi sa aking tuhod, gayon rin ang kirot sa aking sikmura.

Biglang may kumatok sa pinto kaya't napukaw ang atensyon ko. Dahan-dahan ang pag bukas nito at pumasok ang taong hindi ko inaasahan.

"Mabuti at gising kana," nakangiting aniya at inilapag sa lamesa ang maliit na tasa. "I brought you tea," dagdag pa n'ya.

"Ms. Temi..." hindi makapaniwalang wika ko.

Mas lalo akong naguluhan at mas lalong hindi makapaniwala ng mapagtantong ngumiti siya sa akin. Nakakapanibago. Hindi ko lubos maisip kung bakit siya ay nasa harapan ko ngayon, lalong lalo na at bago sa paningin ko ang mga gawi ng kilos niya.

Tumango lamang siya at naupo sa gilid ng kama. "Kumusta? May masakit ba sa'yo?" aniya.

Kung ikukumpara siya sa Ms. Temi na aking nakilala sa unibersidad ay para bang ibang tao siya ngayon lalo na sa paningin ko. Wari'y tila nag-aalalang ina sa kaniyang pinakamamahal na anak.

Imbis na sagutin ko ang tanong niya ay nagbalik tanong din ako sa kaniya. "Anong ginagawa ko dito? Nasaan ako?"

Ang hinihintay kong sagot ay hindi ko nakuha. Instead, she handed me the tea at wala akong nagawa kundi ang inumin ito. Natigil lamang ako sa pag higop ng tsaa nang maramdaman kong tumayo siya.

"I want to say something very important, But, I don't know if this the right time," aniya.

May pagtataka ngunit mas lamang ang kaba na aking nararamdaman, "What are you saying Ms.?"

"I'll be back, wait me here," at lumabas siya sa kwarto.

Habang tumatagal ako sa kwartong ito ay mas tumitindi ang pananabik kong malaman kung nasaan nga ba'ko.

Naisip ko na kung ayaw niyang sabihin sa akin ay ako na mismo ang gagawa ng paraan upang alamin kung anong lugar nga ba ito. Kahit na nanghihina pa ang aking katawan ay pinilit kong bumangon at lumabas sa kwartong iyon.

Bumungad sa akin ang napakagandang sala. It was  a comfy living room with white sofas, chairs, a huge flat screen TV, and dining table. It has a perfect mix of art that complements the room's style, along with a healthy dose of minimalist space to give the eye spots to rest.

Napansin ko ka agad ang pigurang papalapit sa akin, malayo pa lamang ay ramdam ko na ang bigat ng presensya niya. Kabado man ay pinilit kong tumayo ng tuwid at inintay ang paglapit niya sa akin.

"How was your sleep?" pagtatanong agad nito.

I didn't get a good look at him, but that voice must have been the owner of this huge house— I must say a mansion.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 01, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MORRISTON The Secret Academy(ON-GOING) Where stories live. Discover now