Chapter 29

131 9 0
                                    

Chapter 29

Nasa sasakyan na kami ni Zaison at nakakabadtrip dahil ang bagal nyang mag-maneho. Mas mabilis pa yung bike kesa sa amin na naka-kotse.

“Bilisan mo nga!” singhal ko sa katabi ko na tumingin sa ‘kin saglit at nagmaneho ulit.

“I’m just protecting you and our baby.” aniya.

Dumukwang ako para mahalikan sya saglit sa pisngi at tumingin sa labas. Everytime I heard our baby” on his lips, I can't help to kissed him.

“I love you Zaison...”

“I love you more baby... I love you more...”

Nang makarating kami sa bahay ay sinalubong ako ni Mama Sha at Daddy Xiin at niyakap nila ako ng mahigpit.

Si Daddy ay mangiyak-ngiyak habang yakap yakap nila ako ni Mama. Si Mama Sha naman ay umiiyak at hawak hawak ang pisngi ko. I looked at Zaison’s direction and he’s looking at me with a wide smiled. He's happy for me.

Nakaupo ako sa gitna ni Daddy at Mama na nakatingin sa'kin pareho.

“Hindi ako makapaniwala na anak kita... I mean, may nararamdaman akong iba... Kaya pala gustong gusto kitang makasama, kaya pala sobra ang sayang nararamdaman ko makita lang kitang masaya because you are my child..” umiiyak na namang sabi ni Mama at hinawakan ang kamay ko. Naramdaman ko ring hinawakan ni Daddy ang isa ko pang kamay at ngumiti sa'kin. “I’m sorry... Galit ka ba sa'kin dahil ako ang naging Ina--”

I cut her off before I smiled. “I’m not really mad.” putol ko sa kanyang sasabihin at tumingin kay Zaison na abala sa kanyang phone. “I’m just not still ready to face you... Nahihiya ako... I can’t explain it.”

Daddy sighed. “Gwyn and I are friends before. I really like her as my sister, that’s all. But one day, she confessed that she do have feelings for me. That she fell in love with me but that time in my eyes... In my heart, si Sintia Shannon lang... Sya lang. My Dad... Ang Lolo mo ay pinarrange marriage ako kay Gwyn kaya nakipag hiwalay ako kay Sintia at nagpakasal kay Gwyn. Hindi ko alam na mahuhulog ako kay Gwyn pero isang araw ginawang maid ni Gwyn si Sintia. Noong akala ko na wala na akong nararamdaman sa kanya, meron pa pala. Akala ko na hindi ko na sya mahal, mahal ko pa rin pala. Akala ko limot na ako sa kanya pero nong bumalik sya, bumalik din lahat... Bumalik din lahat ng nararamdaman ko.” malungkot na paliwanag ni Daddy habang hawak hawak ang kamay ko at isinandal ang kanyang ulo sa aking balikat at naramdaman ko na lang na basa ang damit ko dahil sa kanyang mga luha. “Nagsisisi ako na gano’n ang pinaramdam ko kay Gwyn... At nawalan pa ako ng anak. I’m the worst.” galit na sabi nito sa kanya sarili.

Tumingin ako kay Mama Sha ng bumitaw ito sa pagkakahawak sa kamay ko at lumapit sa tabi ni Daddy at binatukan ito sa ulo.

“Aray!”

“Napaka-drama mo.”

Pigil ang aking tawa na nakatingin sa parent ko na nagbabangayan sa harap ko. Habang pinapanood sila ay hindi ko maiwasan na maiyak. Hindi mawala ang ngiti sa aking labi habang hawak hawak ko ang aking tyan at umiiyak. They’re so cute couple kahit ang tatanda na nila. Ngayon ko masasabi na may magulang ako, buong pamilya.

“Are you okay?” tumingin ako kay Zaison ng lumapit ito sa'kin at nag-aalala. “Are you hurt?” saad nito at hinawakan ang aking tyan. “Keith... Baby are you okay?”

“Keith?”

“Yes. She’s pregnant.” sagot ni Zaison sa tanong ni Mama na nakatingin sa kamay ni Zaison na nasa kamay ko.

Nagulat na lang ako na may lumipad na base sa direksyon ni Zaison. Mabilis naman na tumakbo si Zaison sa likod ng couch at do’n nag tago.

Akmang tatayo na ako ako ng hawakan ako ni Mama sa braso at inilalayan. “Don’t stress yourself. Hayaan mo sila. Hindi ‘yan papatayin ng Daddy mo dahil lung papatayin nya ang ama ng apo nya at asawa ng anak nya ay mapapatay ko rin sya. Kaya hayaan mo sila at kwentohan mo ‘ko.” sabi nito habang inaalalayan ako papunta sa kusina.

Mavel Morris (Bar Series #1)Where stories live. Discover now