Chapter 8

203 13 9
                                    

Chapter 8

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako. Pagkababa ko ay nakita kong nakatitig sa'kin si Nanay Sha. Nanay Sha na lang para mas magandang pakinggan.

“Saan ka na naman pupunta Kate?” tanong nya.

Nasanay na rin akong Kate ang tawag nya sa'kin dahil ang ganda lang pakinggan lalo na kapag sya ang tumatawag sa'kin noon.

Yumakap muna ako sa kanya saka umupo sa couch. “Sa BOM Nanay Sha.”

“Araw araw na lang yan Mavel.” sabi ng kung sino nang paglingon ko, si Daddy lang pala.

“Dad.”

Daddy Xiin tsked. “Yeah. Do whatever you want. Mag-iingat ka lang.” mabilis akong tumango saka yumakap kay Nanay Sha at Daddy Xiin.

“Yes, Sir!” sabi ko na may tono ng Catriona na kanta at habang sinasayaw rin ito. Natawa sila Daddy saka tumingin sa likod ko.

“May bisita ka pala. Kanina pa 'yan dito. Iniintay ka.” sabi ni Daddy habang nakatingin sa likod ko kaya humarap ako kung saan nakatingin si Daddy.

Nanlalaki ang mata ko na nakaturo sa kanya. Bakit sya nandito?

“Bakit ka nandito?! Pa'no mo po nalaman bahay namin?”

Tumingin ako kay Daddy. “Bakit nandito sya Daddy?!” tanong ko.

“Kasi Boss mo sya?”

Nagpapapadyak ako sa sahig. “Daddy!”

“What?” natatawang tanong ni Daddy Xiin sa'kin.

“Hindi ko na sya Boss! EB ko na sya!”

Kunot noo akong tinignan ni Daddy. “What EB mo na sya? Is that your endearment to him?”

“What?!” gulat kong tanong.

Narinig kong tumawa ang puñetang lalaking nasa likod ko. “Yes Sir... EB is for BE stands for Be Easy. Oh, no. BE stands for Love. Right Vel?” tanong nito sa'kin.

“No way!” sigaw ko bago humalik kay Daddy sa pisnge na nakatingin sa'min ni Ex Boss habang tumatawa. Tumawang tuwa ka pa. Tatay ba talaga kita?

“I'll go now Dad, Nanay Sha...” paalam mo.

Tumango lang ang mga ito kaya lumabas na ako ng bahay at pumunta sa garahe.

“Bakit ganyan suot mo?” tanong ni Ex Boss sa'kin.

Bakit ba puro Ex Boss ako ng Ex Boss? William na lang dahil hindi nya na ako empleyado.

“Pake mo?”

Akmang papasok na ako sa driver seat nang hawakan nya ako sa braso.

“Ano ba? Bitawan mo nga ako.” inis na sabi ko dito.

Pilit kong inaalis ang kanyang kamay sa aking braso nang nilapit nya ang kanyang mukha sa'kin. “Subukan mong pumalag, hahalikan kita.”

“Bitawan mo 'ko. 'Wag mo akong paulitin kung gusto mo pang mabigyan ng sperm magiging asawa mo.” babala kong saad sa kanya.

Binitawan nya naman ako pero iniharang nya ang kanyang katawan sa pinto ng kotse ko.

Grr. Nakakainis na.

“Ano ba?!” sigaw ko at pilit na inaalis sya sa kotse ko.

“Ang cute mong magalit.”

“Pakeelam ko naman sayo? Umalis ka nga, paharang harang ka.”

Nawala ang emosyon sa kanyang mukha. Ngayon, ako naman ang parang naging masunuring bata. Nakakatakot sya. Puñeta naman.

Mavel Morris (Bar Series #1)Where stories live. Discover now