Chapter 25

119 9 0
                                    

Chapter 25

Lumabas ako sa kotse at tiningnan ko ang bahay ni Daddy. Nasa loob sila.

Tumingin ako kay Zara. Lumapit ang lahat sa kanya pati na rin kay Elish. “Ano ang plano? Ayun ba? Wala namang mga nag-babatay ngayon kaya useless kung aakitin ng mga babae ang guards. What’s the plan” tanong ko.

Nagkatinginan si Elish at ang nga kaibigan ni Zara at Damon bago tumingin sa'kin at ngumisi. “Wala.”

Gulat akong tumingin sa kanila at kinunotan ng noo. “What the--”

“Ang plano ay ililigtas si Zaid h‘wag nyong hahayaan ang sarili nyo na masugatan.” pahabol ni Zara at tumingin kay Catryx, Shae, Ann at Lucy. “Kayong apat, dyan lang kayo.” tumango ang apat at pumasok na sa kotse. “Let’s go. Bawiin natin ang jowa ni Inang.” aniya.

Mga walang bantay kaya nakaakyat kami ng maayos sa gate, nong una ay nag-dadalawang isip pa ako dahil ang taas ng gate at babae pa ako.

Mahirap na. Naghiwalay hiwalay kami. Ang kasama ko ay si Zara at Miguel. Hindi ko alam kung nasan na ang iba.

Sumenyas si Zara na lumapit sa'kin. “Come closer.” bulong nya. May ibinigay sya sa'kin earpiece. “Si Scott ang nag-babantay sa'tin at tumitingin kung may mga taong papalapit sa direksyon natin.” tumango na lang ako at sumunod kay Zara at Miguel na kalmadong nag-lalakad papunta sa maraming pintuan. Maraming kwarto.

“5th door. Nandon si Yaya Sintia at Mr. Morris.” narinig kong sabi ni Scott mula sa earpiece ko na suot ko.

Naglakad kami papunta don at nakalock ang pintuan. Tumingin sa'kin si Zara at may kinuha sa buhok, isang clip. Not ordinary clip. Basta, I can’t explain it.

Pagkapasok ko ay nakita ko si Daddy at Nanay Sha na nakatali sa upuan. They looked at me with shock. Mabilis ‘kong tinanggal ang bimpo na nakatakip sa kanilang mga bibig.

Niyakap ko sila at umiiyak habang sila Miguel at Zara ay tintanggal ang pagkakatali sa kanilang mga kamay. “D-daddy...” umiiyak kong sabi habang yakap yakap si Daddy at Nanay Sha. “Daddy, Nanay Sha... What’s going on?”

“Your M-mom...” nauutal na sabi ni Daddy at tumingin sa'kin. “She’s alive...” gulat nyang sabi at binigyan nya ako ng tingin na hindi nya inaasahan iyon.

“Si Zaison? Nakita nyo ba sya? ” tanong ko at tinulungan silang tumayo.

Kahit naguguluhan ay umiling si Daddy at Nanay Sha. “He’s dead, right?” tanong nya.

Umiling ako bilang sagot. Narinig kong nag-salitang muli si Scott galing sa earpiece na gamit ko.

“5 goons, in your direction Zara. They are coming. Goodluck.”

Tumingin ako kay Zara at Miguel at tumango. Inihahanda ko ang sarili ko para sa pag-pasok ng mga goons sa pintuan.

Kinuha ko ang upuan at puwesto sa likod ng pintuan para kapag papasok ang mga goons at mapupokpok sila ng upuan na ihahampas ko.

I don’t know how to fight but I will try just to keep them safe... To keep my family, friends and Zaison safe.

Nang bumakas ang pintuan ay kaagad kong inihampas sa kanya ang upuan at sinipa sa kanyang tyan deretsyo sa kanyang leeg to make him pass out. Sumugod si Zara at Miguel at pinagsususuntok ang mga mga natitirang kalaban.

Lumapit ako kay Daddy at kay Nanay Sha at hinawakan ang kanilang kamay. “I’m so proud that you are my daughter.” sabi ni Daddy. I just smiled to him.

Lumabas na kami dahil mga wala ng malay ang mga alagad ni Mommy. Gusto ko na syang makita at matanong kung bakit nya ba ‘to ginagawa sa'kin.

“Errol’s friend, behind. Ten goons.”  sabi ni Scott. Patuloy pa rin kami sa pag-lalakad at hinahayaan lang namin sya para dalhin kami kay Mommy at kay Zaison. Elish and her friends. Six. Left.” nakikinig lang ako ng marinig kong mag-mura si Scott. “Stupid! Ethan from your back. He have a gun.”

Mavel Morris (Bar Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon