Chapter 16

134 9 3
                                    

Chapter 16

Nagising ako nang may braso na yumakap sa'kin mula sa likod.

"Baby.."

I smiled and turned around to face him. Damn this man. Hindi ko maiwasan na lalong mahulog sa kanya dahil sa pinapakita nya saking pagmamahal. Araw araw nyang pinaparamdam sa'kin kung gaano nya ako kamahal. And I thank God for having Zaison to my life.

Hinalikan nya ako sa noo saka nya ako niyakap ng mahigpit.

"Alam mo bang napaka swerte ko?"

Umiling ako at ngumiti. "Opo. Na sayo na ang lahat. Gwapo ka, mayaman, matalino at maganda ang pangangatawan. Swerte pa ng magiging girlfriend mo kasi mabait ka." saad ko at niyakap sya ng mahigpit.

Hindi pa officially na mag-on kami. Kaya hindi ko maiwasang mag-isip at ikumpara ang sarili ko sa ibang babae. Alam ko na maganda ako, sexy at matalino pero may mga bagay din ako na hindi kayang gawin na kayang gawin ng ibang babae.

I'm scared.

Natatakot ako na baka may makita syang mas higit sa'kin.

Natatakot ako na mahulog sya sa iba.

"Swerte ka pala sa'kin." sabi nya.

Tumingala ako sa kanya at gulat na tumingin sa kanya. What the fuck?

Girlfriend nya ba ako? Akala ko biro biro lang ang mga sinabing nya noon. Oo, alam ko na mahal nya ako at I feel the same way pero hindi ko akalain na ganito.

"What?"

Kunot noo nya akong tiningnan saka ako pinitik sa noo. "Don't 'what' me. Tayo na."

Gulat akong bumangon sa pag-kakahiga saka sya tiningnan. "What the fuck?!" gulat kong saad.

Yumuko sya. "Hindi ka pa ba ready? I will wait. I promise..." sabi nya sa mababang tono.

Mabilis akong kumandong sa mga hita nya at hinalikan sya sa pisnge, sa noo, sa ilong at sa labi dahil sa labis na saya. Hindi ko alam pero nang sinabi nya na 'I will wait' hindi ko mapigilan ang sarili ko na mahalin sya lalo.

Naguguluhan syang tumingin sa akin pero nakakingiti pa rin.

"I'm officially yours." I said.

Tumingin sya sa mata ko at hinawakan ang aking baba.

"Can we?" ngising sabi nya sa'kin.

Naguguluhan ko syang tinignan. "Can we what?" tanong ko.

Tinulak ko sya pahiga para makahiga ako sa ibabaw nya.

Tumawa sya at hinaplos ang buhok ko saka ako hinalikan sa ibabaw ng ulo ko. Kinahiligan nya ang ganoon kapag humiga na ako sa ibabaw nya.

Hindi ko alam pero gustong gusto ko rin kapag hinahalikan nya ako at hinahaplos ang buhok ko, nakakatulog agad ako. Parang iyun ang pampatulog sa'kin.

"Can we kiss?"

Tumingin ako sa mga mata nya at niyakap sya ng mahigpit. "Ayaw po."

Mavel Morris (Bar Series #1)Where stories live. Discover now