"Bakit 'di mo sinabing may relasyon ka kay Duke?"

Naloko na.

Paano ko sasabihing hindi naman talaga kami magka-relasyon ni Duke, eh si Duke na mismo nagsabing bawal ko sabihin kahit kanino ang totoo naming status.

Isip, Flynn. Isip.

Ah.

"Kasi ano, naisip ko tutal hindi naman ako masyadong nakakalabas, kaya parang wala rin akong jowa. Isa pa, nakalimutan ko. Hehe, sorry."

Pinag-cross naman ni Rome ang kaniyang mga braso tsaka itinaas ang isang kilay habang nakatingin sa akin.

"Parang kelan lang, umiiyak ka dahil kay Vince, tapos ngayon, kasal ka na. Yung totoo, anong nangyayari sa buhay mo?"

I awkwardly laughed at his question. Oo nga naman, isa si Rome sa mga iniiyakan ko everytime na naaalala ko yung Vince na 'yon.

"Tsaka isa pa, hindi ba siya yung inirereklamo mo nitong huli? Yung nakatapon ng kape mo? Parang hindi mo pa nga siya kilala noon, eh."

Nakuwento ko nga pala sa kaniya 'yun. Ewan, bahala na.

"A-ah, oo. S-siya 'yon. Nag-away kasi kami noon. Tapos ayun, medyo stranger-stranger ang peg namin. Natapunan niya kasi ako ng kape, eh. Oo, yun. Hehe."

C'mon Rome, wala na akong maisip na palusot. 'Di gumagana yung utak ko ng tama dahil wala pa akong kain at tulog. Let it slide, bro.

Parang narinig naman ni Rome ang piping hiling ko dahil bumuntong-hininga siya at saka tinanggal ang pagkaka-cross ng mga braso niya.

Tumayo na siya mula sa pagkakaupo at saka kinuha ang phone niya at tumingin sa akin.

"Okay, hindi na kita tatanungin. Alam ko namang magulo talaga ang ikot ng mundo mo kaya ganyan din ang buhay mo, eh. Tara na. Isa pa, mas masakit lang kapag narinig ko pa ang tungkol sa lovelife mo."

Lumabas na rin siya ng opisina habang ako ay nagpo-proseso pa sa sinabi niya. Ipinilig ko ang ulo ko dahil may sinabi na naman siya na hindi ko narinig.

Sumunod na rin ako kaagad sa kaniya at saka siya inakbayan. Nagulat yata si uto dahil bigla siyang napalingon sa akin.

"Ano yung huling sinabi mo?"

"Aling huli?"

Napaisip naman siyang sandali tsaka ako tiningnan.

"Yun bang 'tara na'? Oh, anong problema mo dun?"

Umiling-iling naman ako at saka sinamaan siya ng tingin. Napaisip ulit siya bago niya itinaas ang kilay niya sa akin.

"Wala naman na akong sinabi, eh."

"Meron pa kaya," nakangusong pag-pipilit ko sa kaniya. Meron kasi akong narinig, eh, bakit ba.

"Wala nga."

Umiwas siya ng tingin at saka naunang mag-lakad. I looked at him suspiciously. Meron talaga siyang sinabi, eh.

Dumaan muna kami sa cafeteria para kumuha ng makakain tapos dumiretso na rin kami sa garden. Naabutan namin ang mga janitor at janitress na tumutulong sa pag-ayos ng mga bulaklak.

Umupo na rin kami ni Rome kaagad sa isa sa mga stone chair na nakapaikot sa isang batong table.

"Nagtataka rin ako minsan, eh. Mayaman naman sana ang pamilya ni Doc Clad. Hindi naman ubusan ang bulaklak ngayon, bakit hindi sila mag-tanim ng totoong bulaklak diyan?"

Napalingon ako kay Rome dahil sa tinanong niya. Napatingin naman ako sa bulaklak at nakitang peke nga ang mga ito.

"Hindi naman kasi tumutubo agad 'yung bulaklak. Isa pa, lahat ng tao dito sa hospital, busy. Walang mag-aasikaso sa mga 'yan."

Kiss the WindWhere stories live. Discover now