Whoo. Let's do this.

-----

Minasahe ko ang batok ko dahil sumasakit na naman ito. Geez, lagi na lang sumasakit ang batok ko after surgeries.

For the last 28 hours na nandito ako sa hospital, hindi pa ko nakakakatulog.  Nag-sunod sunod kasi ang schedule ng surgeries ni Doc Clad, tapos puro ako pa ang pinag-aassist niya.

Abuso rin sa akin 'yon, eh. 

Dati naman, kahit na medyo close na kami, hindi ako ang nag-aassist sa kaniya. Ewan ko ba kung ano ang nakain noon at ako ang pinupunteriya ngayon.

Sinulit yata niya yung mga araw na ini-leave ko. Kung gaano ako katagal nag-leave, ganoon karami ang ipinatong niyang trabaho sa akin.

Buti na lang talaga, off ko ulit bukas. Sa totoo lang, feeling ko napakarangya ng buwan ko na 'to. Isipin mo, matapos kong mag-leave, off ko kaagad ang kasunod.

Dumiretso na ako sa opisina at sakto nakita ko si Rome. Lumapit ako sa kaniya dahil susubukan kong kausapin ulit siya. Tingnan mo nga naman, akala mo akong nanunuyo.

"Hoy, Rome. Tara kain sa garden, nagugutom na ako."

Tinapik ko pa ang balikat niya para pansinin niya ako, pero si uto, ayun, nagsuot ng earphones. Dedma amp.

"Hoy."

"Hoy, mamansin ka naman."

"Uy, Rome. Wala akong makausap."

"Hoy."

Dahil nakakairita na siya, hinawakan ko ang balikat niya tsaka inalog siya. Aba, bahala na siyang mahilo sa ginagawa ko. Ayaw mamansin, eh.

Padabog niya namang tinanggal ang earphones niya tsaka tumingin ng masama sa akin. Inirapan ko naman siya kaagad nang makita ang pagmumukha niya.

Ako pa talaga ang hindi mo pinansin, ha?

"Ano ba problema mo?"

"Samahan mo kako ako kumain. Mag-iisang linggo ka nang hindi namamansin ah."

Binaba niya ang telepono niya tsaka seryosong tumingin sa akin.

"'Di mo ba kayang kumain mag-isa? Bakit, may kikidnap ba sa'yo 'pag hindi kita sinamahan?"

Napabuntong-hininga na lang ako sa reaksyon niya tsaka napakamot sa ulo. Tingnan mo 'tong lalaking 'to. Daig pa ang babaeng may mense.

"Ano ba kasi pinuputok ng butchi mo? Makapag-salita 'to kala mong hindi tayo mag-kaibigan ah."

"'Yun nga eh, kaibigan na nga lang ang tingin mo sa akin, hindi mo pa nagawang sabihin yung tungkol sa kasal mo."

Sumagot nga si uto, pabulong naman. Para namang maririnig ko siya sa pabulong bulong niya. Siraulo din, eh.

"Ano kamo? Alam mo Rome, kung bubulong bulong ka lang diyan, hindi ko maiintindihan kung bakit asar na asar ka."

"Sabi ko, ikakasal ka na nga lang, hindi ka man lang nang-invite!"

Ah. 'Yun pala.

Oo nga pala, sabi ko nga pala noong huli, kapag nagkaroon ako ng pagkakataon, pag-uusapan namin yung tungkol doon.

"Ah. Yung kasal? Haha. Kanino na nga ako kinasal?"

Awkward kong sabi sa kaniya, with matching awkward na tawa. Sumama naman ang tingin niya sa akin kaya medyo umasim ang mukha ko.

I mentally slapped myself. Oo nga naman, Flynn. Sa dinami-daming maiisip mong sabihin, 'yun pa talaga.

"Ah, ano. Kasi, ano..."

Kiss the WindHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin