Chapter 8: When It comes to Lying

126 13 0
                                    

Chapter 8 - When It comes to Lying

"Paano mangyayari iyun at ako ang naging killer, Miss Leanna," sabi ni Ms. Killer. Yes, hindi si Miguel ang killer.

"Simple, dahil dito, Angela," At tinaas ang hawak ko.

Isang plastig bag iyun. Sa loob, may crumpled paper iyun at isang maliit na photo album na puno ng mga larawan ni Richelle and Miguel mula noong kabataan nila hanggang sa present.

"Binasa ko ang script, at nakita ko ang mga lapses. First, bakit nawawala ang scene kung saan mag-aaminan ang dalawang magkasintahan? Bilang isang director, hahayaan mo lang bang may kulang sa scene ng dinidirek mo?




Second, may nawawalang page sa dulo script. And you know what it is? It is nothing but the dedication page," paglalahad ko sabay dukot doon sa crumpled paper.

Binasa ni Segeir ang laman noon.

"Dear Sir Migs,


Ang corny corny ko talaga. Sa script ko pa dinaan ang love story niyo ni Richelle. I'm a big fan of her, actually. Pero dahil nakilala kita, ako ay nagkamali. Nahulog ako sa isang taong lubos na minamahal ang idolo ko.


Masakit siya. Napakasakit. Pero, wala akong magaagwa eh. Kayo talaga ang nararapat sa isa't-isa. Oo, alam ko ang sikreto niyo. Kakatuwa nga at hindi niyo masabi-sabi sa lahat ang tungkol dito. Sa bagay, alam ko kung bakit – ayaw niyong masaktan si Angela tungkol dito.


But, damn. I love you so much Miguel. Ikaw lang at wala nang iba. Napakasakit kasi siya pinili mo. Si Richelle pa...


Nakakahiya akong fangirl no? Idol ko si Richelle, ikaw naman ang mahal ko. Kinukwestsyon ko ang relationship niyo. Masakit isipin – pero mas maganda kung ako na lang ang nawala sa picture. Photobomb lang ako eh. Pangit na photobomber.


Tingnan mo yang pic na nakasingit diyan. Nakakakilig kayo no? At nakakadurog-puso naman ang bagay na iyun.


Nakikita mo ba yang babae sa likod niyo? Ako yan. Stalker ang peg ko. Si Richelle pa lang ang kilala ko sa inyo. Pero nung naging close ako sa inyo, naging stalker mo naman ako. Nakakairita. Nagpaka-obsessed ako sa wala.


Sana ako na alng ang nauna mong nakilala para tayo ang nagkatuluyan. Pero, siguro kahit ganun, kay Richelle ka mapupunta. Na sa kaniya ang lahat. Lahat-lahat. Walang natira para sa akin.


Kaya may tanong sa iyo, sa tingin mo, sino sa amin ni Richelle ang dapat mabuhay? Ako o siya?


Kung ano ang desisiyon mo, HINDI KO ITO RERESPETUHIN.



Yours ONLY,

Kathrina"



Maraming singhap ang narinig sa paligid.

Diary Secrets [COMPLETED || UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon