Chapter 27: if there is tomorrow

39 9 0
                                    

Chapter 27 - if there is tomorrow



Ano ba ang tamang desisyon? Lumayo sa lahat? Layuan ang lahat?



Iniwaksi ko ang naiisip.



Kung lalayo ako ngayon, siguradong makakalayo ako mula sa tama. Sa kabutihan para sa lahat.



Sumabog ang sinasakyan ni Sir Ethan. Ang masaklap? Malinis ang krimen. Walang ebidensiyang natira. Kahit ang katawan ni Sir dahil ito ay naging abo.



Nagpasya ang pulisya na ilagay ako sa protection program.



Tinawagan nila ang Mama ko pati ang pamilya nila Clyde tungkol dito.



Sa ilalim ng protection program, makakalayo ako mula dito. Sa siyudad.



Pero ito lamang ay isang paraan ko lamang para tumakbo. Para tumakbo.



===========================



Kinabukasan, napagdesisyunan ko na pumunta sa paaralan lalo na't ito na ang huling beses na tutungtong ako dito.



Siya ang una kong hinanap. Nabalitaan ko kasi na ayon kay Segeir, ang tunay na may sala ay si Allen Fajardo. Pero ang sabi niya, napag-utusan siya ng isang black man.



"That black man must be WD. There's no doubt about that," ani Segeir.



Hiniga ko ang ulo sa arm rest matapos ko malaman ang nangyari kahapon. Inabot ko sa kaniya ang phone ko.



"Look at this message," bulong ko. "Iyan ang na-receive namin na text ni Sir Ethan."



"This is insane! We mus-" Patayo si Segeir nang pinigilan ko siya at tinitigan sa mata.



"I think you already know why," ani ko.



Napayuko si Segeir at umupo muli nang maintindihan niya ang sinsabi ko.



"So... This is it. Hanggang dito na lang ang inbestigasyon withput solving anything. No wonder so many cases are still left unresolved," aniya nang iabot muli sa akin ang phone.

Diary Secrets [COMPLETED || UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon