Naiiyak man pero pinilit kong tapusin lahat ng gusto kong sabihin. There is no next time, it's either now or never. It's my only chance to prove that I was never asking for too much. To love him this closely.

Kahit naluluha ngumiti ako sa kanila. "Mahal ko siya. Mahal na mahal na siya lang yung tanging lalaking mamahalin ko ng ganito." Yumuko ako. "Gusto ko maiparamdam sa kanya yung pagmamahal na kaya kong ibigay. Gusto kong maiparamdam sa kanya yung love na nandito" Tinuro ko ang parte kung nasaan ang puso ko bago nag-angat ng tingin sa kanila. "Destiny? Fate? Coincidence? whatever names you call it, binigyan na po ako ng pagkakataon makasama siya. It's my only chance. "

Nakita kong naluluha si Mom habang si Dad naman ay naiiling. Even me, I don't know what to do to convince them.

"Mom, Dad, let me prove that my feelings for Vince is never too much for him." Naiiyak man binigyan ko sila ng isang ngiti. "He deserves my love."

"Mom, what do I look?"

Mahinang bulong ko habang naglalakad kami papasok sa isang restaurant. It's 7:30 in the evening but the chandelier makes the whole restaurant lively.

Pinasadahan niya ng tingin ang light blue sweetheart dress na suot ko sabay ayos ng bangs ko bago magsalita, "You are beautiful, sweetie."

Nakahinga ako ng maluwag matapos marinig ang sinabi ni Mom. Pinasadahan ko pa ng kamay ang suot ko bago nakuntento. Kanina pa ako kinakabahan pero nang ngumiti si Mom ay napangiti na lang rin ako.

Nakakapit ako kay Mom habang nakasunod lang kami kay Dad.

Matapos kasi ang dinner namin, kung saan pinagtapat ko sa kanila ang nararamdaman ko, pumayag na silang matuloy ang kasal.

Labis ang sayang maramdaman ko nang mga oras na iyon. Agad ko silang niyakap at naiiyak na pinasalamatan.

Tonight, we are going to meet them!

Tahimik lang ako habang si Mom ay nakahawak lang sa kamay kong nasa braso niya. Hindi ko na magawang lumingon pa sa paligid dahil pakiramdam ko ay lalabas ang puso ko sa sobrang kaba.

Tumigil na si Dad sa paglalakad kaya napatigil rin kmi ni Mom. Napa-angat ako ng tingin nang marinig kong magsalita si Dad.

"Good evening, sorry we're late."

"It's okay, Ched. Kadarating lang din namin." A bubbly voice answered.

Vince's Dad!

He looked same age as Dad. Kahit may edad na masasabi kong matikas at bakas ang pagiging magandang lalaki nito ng kabataan niya. His eyes and nose are the same with Vince.

Agad akong nagmano at humalik sa pisngi ng Daddy ni Vince nang magtama ang aming paningin. Naramdaman ko naman ang kabang kanina ko pa pilit pinapakalma.

"Is this Ellea?" Manghang tanong ng Daddy ni Vince bago tumingin kayla Dad. "Such a lovely lady."

"Of course, it's our Ellea Felicity" Hinawakan ako ni Dad sa balikat at hinarap mabuti kay Tito. "May unica hija, Veni." Maligayang pagmamalaki pa niya. " Ikaw naman ksi, ang tagal mong nawala. Ngayon mo lang tuloy nakita ang pinakamaganda kong prinsesa." Biro ni Dad na ikinatawa ni Tito Veni.

Natatawang nagsalita si Tito, "Pasensya na nga, Ched. Hindi mo pa rin ba ako napapatawad?" Naiiling na dagdag pa ni Tito. "Hindi ba pwedeng naging busy lang?"

"Past is past, Everyone. Move on na." Saway ni Mom sa tabi namin na naiiling pa bago niyakap si Tito. "Kamusta ka na, Veni? It's been a long time."

"Aenie, I'm good. Always good." Sinuklian ni Tito ang yakap ni Mom. "How about you? Lalo kang gumaganda."

Dawning DazedWhere stories live. Discover now