Chapter XV

47 1 0
                                    

(JEFFREY's POV)

Nakatingin sa labas ng bintana ng room nya si Ezra. Pinagmamasdan ko ito nang bigla nya akong yayayain. 

"Poy halika tignan mo yung view dito. Ang ganda." yaya nito sa akin.

Naglakad ako papalapit sa kanya. Bigl itong humarap at natalisod ako at naout of balance ako. Wala akong makapitan at di ko nabawi balanse ko. I felt a sharp pain in my forehead. Tumama ata ako sa coffee table. I reached for my head and felt something sticky and warm and fell into darkness. The last thing I heard was Ezra's voice.

"Poy!!" tinig ni Ezra

Hindi ko alam kung nasaan ako. Nasa field ako malapit sa bahay namin. Si Mamang nakikta ko nakaupo sa may damuhan kasama si Lola at isa pang babae. Payat ito pero makikita mo ang ganda nito sa kanyang mga mukha. Ako naman tumatakbo takbo. May tinig akong narinig na kasabay ko ring tumatakbo.

"Ang sarap sa feeling di ba Poy? Para kang lumilipad." sabi nito.

"Mas mabilis pa rin ako sayo." sabi ko.

"Tignan natin kung mas mabilis ka ngang tumakbo sakin." sabi nito sabay lagpas nito sa akin.

Hinabol ko sya. Ang gaan ng pakiramdamm ko. Yung sayang matagal ko ng hindi nararamdaman. Wala akong iniisip na problema at sakit na iniinda. Bigla na lang akong nadapa.

"Poy!" sigaw nung batang lalaki na kasama ko.

Pinilit kong tumayo pero hindi ko kaya dahil sa impact ng pagkakadapa ko. Tinigna ko ang tuhod ko na ngayo'y nagdurugo. 

"Di ka kasi nagiingat Poy eh. Ang lampa mo talaga. Hihihihi." sabi nito na nakangiti.

Usually pag inaasar akong lampa naiinis ako. Pero pag sya yung nagsasabi ay balewala sa akin ito.

"Akin na nga patingin. Masakit ba?" tanong nito.

Tumango lang ako. 

"Gagamutin natin yan. Di ba kwento ko sayo may special powers ako?" sabi nito.

"Paano ka nagkaroon ng special powers eh hindi ka naman superhero." sabi ko.

"Panoorin mo to." sabi nya.

Hinihipan hipan nya yung sugat ko. Hindi ko mawari yung pakiramdam ko noon. Alam ko namumula ako sa tagpong iyon. Biglang nabalot ng isang malamlam na init ang buo kong katawan. Narinig ko na lang sya na may binubulong.

"Dear guardian angel, pagalingin mo ang sugat ng kaibigan ko. Mabait syang bata. Sabi mo sa akin pag mabait na bata dapat tinutulungan di ba? Tulungan mo ako pagalingin ang sugat nya." bulong nito sabay halik sa sugat ko.

Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko. Mahihiya ba ako? Matataranta? Itutulak sya palayo. Pero nakita ko sa dalawang mga mata ko na naglaho ang sugat at sakit sa tuhod ko. 

"Paano mo ginawa yun?" tangi kong nasabi.

"Sabi ko sayo may special powers ako eh. Kasi sabi sakin ni mama..." sabi nito.

Hindi nya naexplain ng buo dahil may tumawag dito.

"Rael!" sabi ng tinig.

Paglingon ko ay yung magandang babae na kasama nila Lola.

"Rael di ba sinabi ko na sayo wag mong ipapakita kung sasaan yang kakayahan mo? Gusto mo bang kunin ka nila sa akin?" sabi nito.

Ang tinig nya ay hindi galit bagkus ay punong puno ng pagaalala. Niyakap nito ang bata.

"Wag mo na uulitin yun ha. Unless it is an emergency." sabi nito.

"Opo mama. Sorry po." sagot ni Rael.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 31, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

In the Arms of an AngelWhere stories live. Discover now