Chapter XI

26 1 0
                                    

(EZRA'S POV)

"Good morning Lola. Kamusta naman po ang tulog niyo?" bati ko kay Lola.

"Ayos naman ako apo. Ikaw ba? Mukhang kulang ka sa pahinga ah." sabi naman nito.

"Medyo napuyat lang po ako Lola. Malapit na kasi yung birthday ng ambassador. Kailangan maayos ang lahat para hindi mapahiya si Papa. Alam ko kasi kung gaano kahalaga sa kanya ang event na ito." sagot ko naman.

"Wag mo namang pababayaan ang sarili mo apo. May mga pwede namang tumulong sayo. Hindi mo kailangang akuiin ang lahat." pagpapaalala nito.

"Opo Lola. Kain na po tayo Lola at kailangan niyo na ring uminom ng gamot." paalala ko.

Pinaghanda ko na ng makakain si Lola pati na rin si Dani at Papa. Matapos kong tugtugan si Lola ay nagprepare na ako para pumunta sa resto. Mauna na lang daw ako sabi ni Papa dahil may kakausapin pa raw ito. Nasanay na rin ako sa routine ko araw araw. Pero kahit paulit ulit ay naeexcite pa rin ako gawin ang mga bagay na ito.

"Goodmorning Kuya Benjo." bati ko sa guard.

"Good morning Ezra. Di mo kasabay si Boss?" tanong nito.

"May kakausapin pa raw po kasi si Papa." sabi ko naman.

"Ah ganun ba. Oh Sige enjoy ka sa work mo today." palala ni kuya.

"Salamat Kuya Benjo. Ikaw rin wag ka masyado magpakapagod." sagot ko.

Dumiretso ako sa office ni Papa to do some bookkeeping. Pagkatapos ko dun ay pumunta na ako sa kitchen at chineck kung ok ang lahat ng ingredients pati na rin ang sanitation. Nagtart na rin ako tumulong magluto dahil medyo dumarami na ang tao sa resto and natatambakan na ng orders. 

"Ezra iconfirm ko lang yung delivery natin for the party sa Sunday. Medyo may delay daw dun sa isa sa mga ingredients natin. Shall I cancel na lang ba or shall we wait?" tanong sakin ni Miss Chandra na manager ng resto.

"Kelan daw ang ETA Miss Chandra?" tanong ko.

"Bukas daw ng hapon." sagot nito.

"That's ok Miss Chandra. At least fresh pa rin sya kinabukasan pag ginamit na natin." sagot ko.

"Ok thank you. I'll just inform them na lang bukas na ideliver." sabay alis ni Miss Chandra.

So busy kame ng staff sa kitchen dahil it's almost lunchtime. Dumarami na ang tao. Then suddenly I got this weird feeling inside my chest. Ang bilis na tibok ng puso ko. Para bang hinihila ako nito palabas ng Kitchen. The next thing I knew ay nakasilip na ako sa labas. 

"Si Zeke yun ah. Sino yung kasama niya?" tanong ko sa sarili ko.

Then may nagflash na naman sa memory ko. 

Dalawang batang naglalaro. Masayang masaya silang dalawa naglalaro ng baseball. Medyo napalakas yung palo nung isang bata kaya tumilapon ang bola sa bandang daan. Hinabol nung isang bata yung bola sa daan. Ngunit di nito nakita ang parating na sasakyan. Tatakbuhin ko sana para iligtas ang bata ngunit itinulak na sya ng kalaro nito palayo sa daan ng paparating na sasakyan kung kaya't ito ang nahagip. Sumakit bigla ang puso ko. And just like that, nasa resto na ulit ako. Hindi ko na naman matandaan yung mga nagflash sa utak ko. 

"Ano bang nagyayari sa akin?" tanong ko sa sarili ko.

Lalabas sana ako para batiin si Zeke at ang kasama nya. Im really curious kung sino sya. Para kaing familiar sya na matagal ko na syang kilala. Ang lakas pa rin ng kabog ng dibdib ko nang makarinig ako ng kaguluhan sa kitchen.

"Ate Lita anong nangyari?" tanong ko sa isa sa mga staff.

"Si Sally po kasi bigla na lang nahilo. Nagaalala kami kasi 3 buwan syang butis. Medyo delikado po kasi yung lagay ng pagbubuntis nya. Sinabihan naman na po kasi namain sya na wa pumasok pero kelangan daw po kasi nya magtrabaho dahil sa mga gastusin." tugon ni Ate Lita.

In the Arms of an AngelWhere stories live. Discover now