Chapter II

102 3 0
                                    

(EZRA’S POV)

Excited na ako umuwi. Sabi ni Papa makikilala ko na si lola Perlita paguwi at yung tagapagalaga nito. Sabi ni papa mabait daw si Danielle at tiyak na makakasundo ko ito dahil mukhang di daw kami nagkakalayo ng edad.

Lumabas si papa para bumili ng pagkain. Napaisip ako kung saan nga ba ako nanggaling, sino nga ba ako at sino ba talaga ang mga magulang ko? Although natutuwa ako na si Mr. Gonzales na ang papa ko ay di ko pa rin maiwasan isipin kung ano ba ang tunay kong pagkatao. Nasa gaoon akong pagmumuni muni nang may maramdaman ako sa aking mga daliri.

I saw a silver ring na hugis feather na nakapalupot sa mga daliri ko. Pinilit ko itong tanggalin ngunit nahihirapan ako. Sinubukan kong hilain ito sa pamamagitan ng bibig ko. Nagulat ako ng biglang may narinig akong tawa sa gilid ko.

Tumingin ako sa direksyon na pinanggalingan ng tawa. Napangiti ako sa nakita ko. Isang batang lalake ang kanina pa pala nanunuod sakin. Nginitian ko sya at ngumiti rin sya sakin.

“Hello po kuya.” Bati nito.

“Hello din. Ano pangalan mo?” tanong ko sa kanya.

“Emmanuel po.” Sagot nito.

“Hello Emmanuel. My name is Ezrael. You can call me Ezra.” Sabi ko sa bata.

“Nice to meet you Kuya Ezra. Emman na lang po tawag niyo sakin.” Sabi nito.

“Nice to meet you too. Ano pala ginagawa mo ditto?” tanong ko.

“Nagpacheck up po kami ni Sister Socorro.” Sagot ni Emman.

“Maysakit ka?” tanong ko.

“Hikain po kasi ako eh. Hehehe.” Sagot nito ng walang bakas ng pagaalala sa mukha niya.

“Ano nangyari sa inyo kuya?” tanong nya.

“Naaksidente kasi ako kaya nandito ako ngayon sa ospital.” Sagot ko.

“Bakit wala po kayong bantay? Sino kasama niyo?” Tanong nya.

Nakakatuwa si Emman dahil sa angkin nitong kabibohan.

“Lumabas kasi si papa para bumili ng pagkain.” Sagot ko.

Biglang lumungkot ang mukha ni Emman. Naramdaman ko ang bigat na dinadala nito.

“Upo ka dito sa tabi ni Kuya.” Sabi ko.

Umupo sa tabi ko si Emman.

“Bakit ka nalungkot bigla?” tanong ko.

“Buti pa kasi kayo may Papa. Ako kasi wala ng papa at mama. Si Sister Socorro na ang nagaalaga sakin. Sabi nya nasa heaven na daw sina mama at papa.” Maluha luha nitong kwento.

“Alam mo Emman kahit nasa heaven na ang mama at papa mo ay lagi ka nilang binabantayan. Wag kang malungkot kasi alam ko magkakaroon ka ulit ng bagong papa at mama. Narinig ko na sinabi ng guardian angel mo.” Sabi ko para mapatahan sya.

“Talaga kuya?” tanong nito.

“Oo. Basta daw ba lagi kang magpapakabait. At lagi ka magpepray. Lagi kang binabantayan ng mga Angel.” Sabi ko.

Pagkasabi ko nito ay bigalang may nagflash sa utak ko.Isang lalaki. Bumilis ang tibok ng puso dahil dito.

“Kuya ok ka lang?” tanong ni Emman.

“Ah o-ok lang ako. Sumakit lang ulo ko bigla.” Sabi ko.

“Tatawag ako ng nurse kuya para icheck ka.” Sabin i emman.

Ngnitan ko sya.

“Ok lang ako. Wag ka magalala. Ang bai bit mo naman at ang cute cute mo pa.” Sabi ko sabay kurot sa pisngi nya.

In the Arms of an AngelWhere stories live. Discover now