Chapter I

171 6 0
                                    

Angel of God, My Guardian Dear

to whom God's love commits me here.

Ever this day be at my side

to light and guard and rule and guide.

Amen.

"Very Good!"ani Sister Socorro.

"Goodnight Sister" sabi ng batang si Emmanuel

"Goodnight din. Dapat laging ganyan. Magpray bago matulog para bantayan ka ng mga Angels ni God" sabi ni Sister Socorro.

"Opo Sister. Sweetdreams po." Tugon ni Emmanuel.

Kinumutan ni Sister Socorro ang bata bago umalis at patayin ang ilaw.

"Papa Jesus, sana po magkaroon na ako ng pamilya." Huling sinabi ni Emmanuel bago tuluyang makatulog.

(RODRIGO'S POV)

Ako si Rodrigo Gonzales, 40 years old. Nagiisang anak ni Perlita at Amado Gonzales.Lumaki ako sa hirap ngunit nagpursige ako upang maiahon ang pamilya ko sa kahirapan. Namatay ang aking ama nung ako ay High School pa lamang kaya ako na ang tumayong padre de pamilya. Nagsumikap ako kaya ngayon ako ay nagmamayari ng isang restaurant. Pinangalanan ko tong La Cocina de Paradiso.Nagsumikap ako upang patunayan sa lahat na kahit mahirap ang pinanggalingan ko ay kaya kong abutin aking mga pangarap.

Pauwi na ako galing sa isang meeting sa Makati at ginabi na rin ako ng uwi. The meeting went well dahil na rin sa pagrefer sa akin ng isa sa mga kaibigan ko nung college. Excited ako dahil naclose ko ang deal with French Ambassador Francois Deveraux.Malaking break to para sakin at sa restaurant ko. Ako ang napiling magcater ng Ambassador para sa gaganaping birthday party niya. Buti na lang at may interpreter sya dahil hndi ako marunong sa salitang Pranses.

Binuksan ko ang radio sa aking kotse para pampawala ng antok. Mahirap na at baka maaksidente pa ako. Pinihit ko ang tuner para maghanap ng radio station.

Lets Stay Together

By Al Green

I, I'm so in love with you

Whatever you want to do is all right with me

'Cause you make me feel so brand new

And I want to spend my life with you

Let me say that since, baby, since we've been together

Loving you forever is what I need

Oh let me be the one you come running to

I'll never be untrue

Oh let's, let's stay together

Lovin' you whether, whether

Times are good or bad, happy or sad, alright, oh yeah

Whether times are good or bad, happy or sad

Di ko namalayan na tumutulo na pala ang aking mga luha.

"Bakit itong kantang to pa ang aking narinig?" tanong ko sa aking sarili.

Naalala ko ang pinakamamahal kong si Debbie. Pinaghiwalay kami ng kanyang ama dahil hindi raw nababagay ang tulad kong mahirap sa mga tulad nilang mayaman. Simula nun ay hindi ko na muling nakita si Debbie. Ngunit isa lang ang masisiguro ko, sya lang ang una't huling babaeng mamahalin ko.

Dahil ayoko ng maalala ang sakit na dulot ng nakaraan ay naghanap ako ng ibang istasyon. Sa aking paghahanap ay biglang akong nasilaw sa liwanag sa daan. Kinabig ko ang manibela pakanan upang makaiwas sa digrsaya ngunit parang may natamaan akong hindi ko mawari kung hayop o tao.

In the Arms of an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon