Chapter XIV

21 1 0
                                    

(JEFFREY's POV)

Nakakatuwang isipin na si Lola napakaopen minded. Sabagay, nung bata pa raw kasi ito ay sobrang kinagigiliwan ito ng mga tauhan nila sa hacienda. Hindi kasi ito yung tipikal na mayaman kung umasta. Napakabait daw nito sa mga tauhan ng kanyang pamilya at hindi na iba ang turing sa mga ito. Kaya hindi na rin ako magtataka na napakalawak ng pangunawa ni Lola. Kaya nga sobrang mahal na mahal ko ito.

"Matilde, pinaalalahanan mo na ba yang apo mo para bukas?" tanong ni Lolo habang nagdidinner kame.

"Oo Eduardo, nasabihan ko na sya at sasama daw ito. Sagot naman ni Lola.

"Bakit di na lang kayo ang maagsabi sa akin nyan imbes na ka Lola niyo pinapadaan?" sabat ko.

"Kapag ako ba ang nagsabi sayo makikinig ka?" sagot naman nito.

"Ano ba naman kayong dalawa hindi na kayo nagkasundo. Pati ba naman sa harap ng hapagkainan?" sabi ni Lola.

"Pasensya na Lola. I'll just go up to my room. I lost my appetite." sabi ko.

"Mabuti pa nga at baka ako naman ang mawalan ng gana." sabi ni Lolo.

"Eduardo." saway ni Lola.

Tumayo na ako at paakyat ng kwarto. Nasalubong ko si MOmmy na kararating lang galing na naman ng opisina. Kahit weekends mas gusto niyang nasa opisina kesa kasama ako. Minsan talaga hinihiling ko na hindi na lang nila ako naging pamilya. MAbuti pa kina Tito ROd dama ko na pamilya ang turing sakin.

"OH Jeffrey tapos ka na ba kumain?" tanong ni Mommy.

"NO mom. I just lost my appetite." sagot ko sabay alis.

"Tignan mo nga yan Matilde. Yang ang epekto ng kakaspoil mo sa batang yan." rinig kong sabi ni Lolo.

Pagdating ko ng kwarto ko ay sulampak na lang ako sa sahig at umiyak.Bakit ganun na lang sila sa akin? Lahat naman ng gusto nila sinunod ko. Yung kursong gusto ilang kunin ko kinuha ko. Yung magtrain sa kompanya kahit di ko naman gusto at tutol din naman si Lolo ginawa ko? Ano ba nagawa ko bakit ganito ang trato nila sa akin? Everything na gawin ko will never be good enough. I'm not good enough. I will always be a failure to them. I will never amount to anything. Kahit nung bata pa ako wala akong matandaan na araw na nakipaglaro sa akin si Lolo. Si Mommy the only time na nakakasama ko sya is pag pinipilit nya akong magtake ng kung anu anong lessons. Simula pagkabata ko hindi ko naramdaman ang pagmamahal nila sa akin. Si Lola at Mamang lang kasama ko parati. Pag birthday ko, lagi silang wala. NAgpapadala lang ng regalo. Hindi ko naman kelangan ang mga regalo nila. Oras nila ang kailangan ko. Yung pagmamahal nila.

"Lord sobrang sakit na ng pinagdadaanan ko. I wish you would take all this pain away." dasal ko.

Nabasag ang pagiisip ko nang magring ang cellphone ko. Ayoko sanag sagutin dahil si Bernice ang tumatawag.

"Jeffrey Buenaventura, let me just remind you how lucky you are to have a girlfriend like me." bungad ni Bernice.

"Bernice, hindi na kita girlfriend. I broke up with you remember?" sabi ko.

"You've got to be kidding me. Sa dami ng nanliligaw sa ain ikaw ang sinagot ko. You're lucky that I even gave you the time of the day." sabi nito.

"Wow thank you ha. Nagpapasalamat ako na sinagot mo ako." sarkastiko kong sagot.

"I'm giving you until tomorrow to make it up to me." sabi nito.

"No Bernice. We're done. Pagod na ako sa relasyon natin. Our relationship is getting toxic. Sa ugali mo pa lang hindi ko na kaya. Beside kaya mo lang naman ako sinagot dahil sa pera ng pamilya ko di ba? Don't think I don't know that. A merger between my family and yours can save your family's business. So don't act all high and mighty with me. Alam ko ang totoo mong kulay Bernice. Don't call me anymore." sabi ko sabay baba ng phone.

In the Arms of an AngelWhere stories live. Discover now