Chapter VI

37 2 1
                                    

XL Its all been settled

 
 "Carla, anak puwede bang pumasok?", mahinang paghingi ng permiso ni mama sa akin. Hindi ako sumagot kaya, siya na lang ang pumasok.
 "Anak...pwede ba kitang makausap?", mahinahong wika niya.
 "Alam ko...hindi mo siguro ako mapapatawad kong sabihin ko sa iyong... I also know the truth", bulgar na dagdag ni mama.
 "Hindi mo naman ako masisisi kong gusto kitang protektahan..", dagdag pa niya.
 "Siguro nga ma, gusto niyo akong protektahan...kaso sa ginawa niyong lahat lalo akong nasaktan, nagmukha akong tanga", hikbi kong katwiran.
 "Im sorry", wika ni mama sabay yakap sa akin, dumating at yumakap na rin si Tito Gel.
 Noong mga oras na iyon, doon ko lang narealize, na marami sa aking nagmamahal dahil gusto nila akong protektahan ang masakit nga lang sa katotohanan na ito. Sa loob ng apat na buwang mahigit ako na lang pala ang hindi nakakaalam. Ang laki kong tanga, nakakaramdam na rin ako noon pero binabalewala ko, matalino ka nga talaga Carla.
 "Pupunta kaming ospital, Carla...nilipat na raw sa ibang kwarto si Kier, sasama ka?", mahinahong tanong ni Tito. Isang mapait at malungkot na ngiti at tango na lang ang isinagot ko kasi kahit unti-unti ng lumiliwanag ang lahat, may kirot pa rin.
 Pagdating namin sa harapan ng kwarto ni Kier. Nandoon pa rin ang malulungkot na mukha nina Mike, Yana, Aiken, Bianca, Shiela at Justine.
 "Ma, mauna na po kayong pumasok sa loob...", wika ko sa kanila. Sumang-ayon naman sila.
 "Yans..", hinahon kong untag sa kanya.
 "Carla...", wika niyang iyak. "I'm sorry, we're very sorry na hindi namin sinabi sa iyo....ayaw ka lang namin masaktan, pero kabaligtaran pala...wala naman kaming magagawa kasi iyon din ang gusto ni Kier", sumbong niyang iyak. Ganun pala ang naging plano mo.
 "Its..its ok. Huwag na kayong umiyak. Alam ko naman ang rason kung bakit niyo ginawa iyon and I'm sorry,too", wika ko. Makalipas ang ilang minuto, lumabas na rin si mama at tito mula sa kwarto.
 "Anak, its time", panatag na wika ni mama sa akin. Tumango ako at nilakasan ang loob ko.
 Pagpasok ko ng kuwarto, naabutan ko roon ang mama at papa ni Kier, pati si Honey. Sinalubong ako ng yakap ng mga magulang niya at lumabas aila ng kwarto. Kitang-kita ko ang pamamaga ng mata ni Honey. Rehistro ang kalungkutan sa mukha nito. Nabigla ako sa ginawa ni Honey, niyakap niya ako ng mahigpit sabay hingi ng paumanhin.
 "I guess, this is it. You need to know the truth, Carla", wika niya sabay abot ng isang manipis na notebook sa akin.
 "Kier, had written all this things for you", wika niya sa sabay tingin sa mahimbing na natutulog na si Kier.
 "Read it. Spend this night with him, hindi na masabi ng doktor kung kelan siya gigising...", lungkot na wika niya sabay alis.
 Tinititigan ko lang at hawak ng mahigpit ang notebook na iyon. Ni hindi ko magawang buksan at basahin. Tinabihan ko na lang siya at tinitigan.
 "Hold, on Kier. You will live longer. Diba sabi mo, pagkatapos ng isang linggo, kalimutan na kita. Magagawa ko na iyon, kaso ang daya mo naman eh. Ikaw naman ang gumagawa ng paraan para ako ang kalimutan mo. Lagi naman ikaw ang nanalo, this time ikaw naman ang magpatalo, gumising ka na", wika ko.
 "Itong notebook na ito, tsaka ko lang ito bubuksan pag nagising ka na, para sabay nating basahin tapos dadagukan pa kita sa mga pinaggagawa mo sa buhay mo at sa pagpaparusa mo sa akin", pilit kong tawa sa harapan niya. Hinawakan ko ng mahigpit iyong kamay niya at sinamahan ko siyang matulog. 
 "Iha...", untag na marahan na wika ng mommy ni Kier.
 "Sa couch ka na matulog...sige na...I'll just wake up you, pag nagising na si Kier", dagdag niya. Pumayag naman ako. Pagtingin ko sa orasan, 12:37 na ng hatinggabi.


 2:03, nagising ako sa tila ba kaingayan ng paligid. Si Kier, pilit na lumalaban pa sa kanyang natitirang buhay. Pinalabas kami ng mga doktor, ang mama at papa lang niya ang naiwan sa loob. Hindi ko namalayan ang sarili ko...
 "Carla...", pigil ni mama sa akin habang umiiyak ako palayo sa kwarto ni Kier. Ayoko kasing nakikita siya sa kalagayan niyang ganoon.


XLI The Untold Story

 Namalayan ko ang sarili kong nakarating at umiiyak sa exit stairway ng ospital. Noong araw na iyon, hinihintay ko ang sagot ng Diyos kung bakit pinahantong niya pa kami sa ganito. Yakap-yakap ko ang notebook na binigay ni Honey sa akin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 22, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bakit Walang ForeverWhere stories live. Discover now