Chapter V

40 1 0
                                    

XXXV Monday is Forevermore


 Today is the first day, na kami kunwari. That's the big deal, kunwari for 1 week then I'm gone. Its really painful on my part, feeling ko sana after 1 week, magka-amnesia na lang ako, para magkatotoo na ang lahat na I can erase everything.
 Pagkagising ko that day, 15 unread messages.
 The first text was from mama,
 -- Goodmorning, anak. Get up na, its first day of your athletic meet. I'm really sorry, I hope we could talk near soon. Your Tita Lhot is ok now.
 The second text was from Tito Gel,
 -- Hi, baby. I'll be home soon. Mamayang hapon, mauuna na ako sa mama, see you dear.
 Tama, umuwi ka na Tito at dapat may pag-usapan tayo, wika ko sa sarili ko. The rest of the texts were from Yana, Aiken and others reminding me to be early at the school kasi doon kami mag-mimeet papuntang destination of athletic meet. Pagkatapos kong maligo at kumain, nakita ko iyong mga notes ni mama sa ref. Nagbihis na ako kasi 6:30 na , usapan 7 sharp. Kailangan kong pumunta dun ng maaga, strikto si coach at si Bianca. Sakto ng aayusin ko iyong back-pack ko ng mag-ring iyong cellphone ko. Si Kier.
 --hello, sabi ko.
 --hi, bakit wala ka pa dito sa school? We're going. Hinahanap ka ni Coach.
 --A eh, saglit na lang. (Then, biglang may nag-bell sa pintuan) Ah, e wait lang may kumakatok.
 -- Kier? What the...lagi mo talaga akong pinagtritripan, wika ko sabay patay ng cellphone.

 "Ang tagal mo kasi eh, kaya ito sinusundo na kita", wika niya sabay ngiti sa akin. Ako naman nakasimangot lang sa kanya.
 "Halika na...huwag ka ng magalit sa akin, tara na...eto ba iyong gamit mo?", tanong niya sa akin punto niyang iyong backpack. Pero ako, tila kasi binasag niya iyong araw ko, kaya iyon nakahalukipkip lang ako sa gilid at masungit na tinititigan siya.Binalikan niya ako sa kinauupuan ko at hinatak ang kamay ko.
 "Halika na", pilit niya sa akin.
 "Ayoko!", inis kong sagot.
 "Alalahanin mo, I give you only, 1 week", kulit niyang sagot sa akin. Nakakainis ka, Kier isang linggo na nga lang eh pinagtatawanan mo pa ako. May puso ka ba? O wala.
 "Well, then that 1 week is over, hintayin ko na lang si Tito dito. Pumunta ka na dun", inis kong sagot. Sa sinabi kong iyon nawala ang ngiti niya sa labi niya. Lumapit siya at umupo sa tabi ko, tapos hinawakan ang kamay ko.
 "Well...then Ill be here by your side forevermore", wika niya. Ako, kinilabutan sa sinabi niya. Tumingin siya sa mga mata ko.
 "Kung hindi ka pupunta, hindi na rin ako pupunta, sasamahan na lang kita rito", seryoso niyang dagdag. Tapos bigla siyang napaiyak, niyakap niya ako ng mahigpit para hindi ipahalatang umiiyak siya.
 "Kier....", wika ko at napaluha na rin ako.
 "Bakit ka umiiyak?", tanong habang yakap niya ako.
 "Is there something wrong?", dagdag ko pa uli. Hindi siya sumasagot sa mga tanong ko. Kier ano kasing problema. Bakit ayaw mong sabihin sa akin.
 "Sorry...I'm really sorry. I don't want you to get hurt. Kung kaya ko lang, kung kaya ko lang...", iyon lang ang lumabas sa mga bibig niya. Hindi ko maipaliwanag ang mga sinabi niya.
 "What do you mean?", tanong ko sabay tanggal sa pagkakayakap niya. Pero hindi siya umiimik, nakatingin lang siya sa mga kamay ko.
 "Dahil..dahil ba nagtampo ako sa iyo?", tanong ko. Sa tanong kong iyon, bigla siyang naging seryoso...
 "No, ...Carla kasi...", putol niyang sagot nang biglang nag-ring iyong cellphone ko.
 "Ah...sagutin mo na iyan, baka si Tita iyan", lihis niyang sagot.
 "Ah...sige si Yana", sang-ayon kong sagot sa kanya.

 "Anong oras ka ba nagising, Carla...2 minutes before time na lang oh", bungad na reklamo ni Bianca sa akin nung lumapit ako sa kanya.
 "Hm...nalate kasi akong nagising", sagot ko sa kanya habang inaayos ang mga gamit ko sa backpack ko.
 "Ok , pumunta ka na sa bus natin ng makaalis na tayo...", tuyang balik ni Yana.
 "Ok, pasensya na Bianca, ha", dagdag kong paghingi ng paumanhin kay Bianca. Tango na lang ang sinagot ni Bianca sa sinabi ko sa kanya. Pag-akyat ko ng bus, lahat ng volleyball player dun lahat nakasakay. Si Kier nasa pinakalikod ako katabi si Bianca. Sa Mckinley East School Sport Arena, iyong host school, meron itong malawak na field at grandstand at all in facilities sa sports, isa ito sa pinakatanyag na Private School sa bansa, dahil halos lahat mga pulitiko, ambassadors at mga kilalang tao ang pinag-aaral ang mga anak rito, halos 45 minutes rin ang tinakbo ng bus papunta rito. Pagdating namin roon, nagkaroon ng formal opening and ceremony and then nag-start na ang ibat-ibang competition. Kaming mga volleyball players ang first game, ang boys last in the afternoon, ang girls the next day pa. So, ako? Ang gagawin ko manonood, kakain at uupo lang sa grandstand. That morning na first day ng one week ko kay Kier, hindi ko siya mahagilap. Feeling ko, Im totally insane na hindi man siya makita ng isang segundo sa loob ng natitirang isang linggo ko sa kanya, mamatay ako. Nakaupo lang ako sa grandstand, busy hinahagilap si Kier sa malawak na field na iyon sa loob ng isang oras kaso wala akong makitang Kier, nakalimutan na ba niya iyong deal namin? o balewala na talaga ako sa kanya. Akala ko lahat ng tingin at pakiramdam niya magiging akin kahit isang linggo lang, pero hindi pala.
 "Carla, is something wrong?", biglang gulantang na wika ni coach Chuck sa akin mula sa harapan ko.
 "Coah?!...wala po", bilis kong sagot.
 "You sure?", dagdag pa niya.
 "Opo", mabilis kong sagot. Tango na lang ang isinagot niya at tumalikod na siya, saktong papaalis siya ng hinabol ko uli siya ng katanungan.
 "Ah...coach, tanong ko lang po nasan po iyong mga player niyo sa boys?", tanong ko.
 "Are you looking for someone, exactly?", ngiti niyang sagot. Sa sinabi niyang iyon, napahigpit ang hawak ko sa isang bottled water na sa kanya lang dapat.
 "Carla?", wika ni Coach.
 "Po?...", sagot ko.
 "Is it Kier?", seryosong sagot niya. Isang mahinahon at malungkot na tango ang naibigay ko sa kanya. Sa rehistrong galaw ko na iyon biglang humarap si coach ng maayos at seryoso at binitiwan ang mga salitang ito.
 "Hindi mo alam, hindi ba siya nagpaalam sa iyo?", seryosong sagot niya.
 "Eh...ang alin po ba? Wala naman po siyang nababanggit sa akin", wika ko.
 "Kier, left here after the ceremony, nag-excuse siya, i-mimeet daw niya iyong doctor niya", paliwanag niya. Sa sinabi niyang iyon. Kinutuban ako. Parang dumagundong ng mabilis ang tibok ng puso ko, ewan ko ba kung bakit.
 "Dok.. tor po? Bakit daw po?", mabilis kong tanong sa kanya.
 "Ah, Coach...Coach...Coach!", singit na sagot Bianca mula sa malayong pagkakatakbo niya.
 "Oh, Bianca Why?", paharap niyang tanong kay Bianca.
 "Ah....pwede ko po ba kayong makausap saglit?", wika niya. Pagkatapos nun umalis silang bigla. Ako naiwan sa kinauupuan ko, tila natutulala sa kung ano man ang bumamabagabag sa akin. Hawak ko iyong cellphone ko pero, hindi ko magawang tanungin siya kung ano bang nangyari.
 "Hoy! Carla...hindi tatawag or magtetext man si Kier sa iyo, busy iyon for sure", biglang litaw na wika ni Bianca mula sa harapan.
 "Ha? What do you mean...ano bang nangyari?", wika ko. Sabay tungo sa kilos niya paakyat na umupo sa likod ko si Bianca.
 "Uhmmm...ewan ko ba dun, basta nagpaalam lang siya kanina. Ask him tomorrow he will be here", sagot niya.
 "Ganun ba", lungkot kong wika sa kanya.

Bakit Walang ForeverWhere stories live. Discover now