Chapter IV

71 1 0
                                    

XXIX Love Fever


 Sa buong buwan ng Agosto pinagsasabay ko ang try-outs, pag-aaral at pag-eensayo sa production number ng mga aspiring dance troupe members sa welcoming ceremony ng Intramurals namin, sumabay pa ang first periodical exam namin sa second week ng buwan na ito, kaya ito medyo stress na ako nagayon kasi kailangan kong i-maintain ang academic ratings ko. Ganun din si Kier bihira ko na rin siya makita ulit especially nung mga first week, paano busy rin sa pag-aaral at extra curricular activities.
 Dumating ang welcoming ceremony namin, kaming mga new members ang naatasan na magkaroon ng prod to welcome the ocassion, ayun nga kami na ang sasayaw...kita ko mula sa malayo si Kier, Honey, Mike at Bianca...hay! Pagkatapos ng sayaw, hinatak agad ako ni Yana at ni Aiken sa puwesto nila malapit kela Kier.
 "Oh, bestie... you drink this, I know you're tired", wika niya sabay abot ng energy drink.
 "Salamat...", wika ko sabay inom.
 "Carla, alam mo ang galing mo pa lang sumayaw, nasa iyo na ang lahat matalino, mabait, maganda, athletic, talented...ano pa ang hahanapin sa iyo, nako kung hindi lang kita kaibigan...liligawan na kita...ang kaso..." saad niya.
 "Ang kaso mas maganda ka pa sa akin", mahina kong wika sa sarili ko, sabay palihim na ngiti. Tumawa naman ng matiim si Yana.
 "Ha, ano? Oh whats funny?", taka niyang sagot.
 "Ah wala, Ken...thanks for the compliment", sagot ko.
 "Teka nga...Carl, bakit hindi ka pala sumali ng Ms. Intramurals for sure mananalo ka diyan  at ng para may makapansin naman sa beauty mo, nang hindi ka naiinggit kina Honey at Bianca, neh" tuyang wika ni Aiken.
 "Wala nga bang nanliligaw sa iyo, haynaku tatanda kang matanda niyan", dagdag pa niyang asar sa akin.
 Naririnig ko ang mga sinasabi ni Aiken pero tila iba ang iniisip sa mga oras na iyon , ni hindi nga ako makaimik. Bakit nga ba?
 "Hoy! Ken...ano ka ba, are you thinking?!" galit na baling ni Yana kay Aiken, mukhang napansin ni Yana na medyo nasaktan ako sa mga sinabi ni Ken. Mukhang napansin din iyon ni Ken.
 "Ah, ah eh...hmm...may ipapabili kayo, punta lang ako cr..hmm tapos bibili ako sa canteen", utal na palihis na singit ni Ken.
 "No, you stay here with Yllana, ako na bibili", wika ko sabay alis.
 Pagpunta ko ng canteen, nabigla ako ng marinig ko ang boses ni Kier mula sa stage. Malakas ang hiyawan na narinig ko, pero boses lang niya ang nangigibabaw para sa akin.
 "Ikaw... kung nasaan ka man, my beautiful angel, who's always there for me, waiting for me, this is for you", wika niya sabay kanta ng Sa'yo ng Silent Sanctuary.
 Ang saya sa pakiramdam na naririnig ko iyong boses niya para bang ako ang kinakausap niya, ang kaso nang bumababa na siya bigla niyang hinarana si Honey at dinala sa stage. 

 "Bestie, my goodness...all this time, nandito ka lang pala nagkukulong sa room, kanina ka pa hinahanap ng mga ka-team mo sa volleyball kayo na raw ang susunod sa laban...Carla....Carla, bestie...are you fine, oh my god you're hot, namumutla ka...anong bang nangyari sa iyo. Wait! Dito ka lang ha...tatawag ako ng medic."
 "Carla! Carla..."wika ng pamilyar na boses sa akin. Ngunit sa init ng katawan ko ...halos mainit na rin ang sumisingaw sa mga mata ko.
 "Kier...no, hindi puwede sa iyo ang ganito ngayon, don't dare yourself if you can't", wika ni Honey.
 "Stop it Honey! I can do it...Mike alalayan mo ako sa pagbuhat sa kanya, lets bring her to the clinic", utos niya kay Mike. Kahit sa kawalang malay ko nung araw na iyon..pinipilit kong lumakas para sa kanya.
 "Thanks for the help, I'll call Tita Lia to fetch her, ako na ang magbabantay sa kanya", wika ni Yana. Sumang-ayon sila sa desisyon ni Yana, pero that time dahil Im terribly having a worst fever, mukhang hindi ko ata kaya...kaya bigla ko na lang hinawakan ang kamay ni Kier, para sabihing huwag siyang umalis. Darn that moment, napaiyak pa ako nang mukhang bibitawan niya ang kamay ko...pero mukhang naintindihan ako ni Mike.
 "Bro, for a little while...a little while only...", pagmamakaawa niya.
 "Ok, Honey I know you understand it?", tanong niyang mahinahon kay Honey.
 "Its fine...Ill just stay outside and wait for you...and since wala ka naman gagawin ngayon, sige we'll go ahead", wika ni Honey. Umalis na nga silang dalawa.
 "Uh...sige I'll wait for Tita na lang outside", wika naman ni Yana.
 Umalis na ang lahat, napainom na ako ng gamot pero nakahawak pa rin ako sa kamay ni Kier.  Feeling ko satisfied na ako that day...kahit ito na ang last day ko with him.
 "Salamat", mahinahon kong sabi sa kanya sabay bitaw sa kamay niya.
 "Don't lose my hand, hold it tight, I will be always here for you," wika niya sa akin, sabay hawak sa kamay ko.
 "Salamat...at nandito ka,...naalala mo nung araw na nandito tayo?", tanong ko sa kanya.
 "Yeah...hindi ko makakalimutan iyon kasi inaway mo ako", wika niya.
 "See...your more beautiful when you're smiling", dagdag pa niya.
 "Huwag mo nga akong bolahin...si Honey nasa labas", wika ko sabay tawa, ngunit bigla ring nawala ang ngiti ko.
 "Hindi na kita masasamahan sa Athletic meet, kasi hindi ba by next 2 weeks na iyon, for sure hindi na ako papayagan ni mama kasi sa pinaggagawa ko sa sarili ko para..para masundan ka", wika ko sabay ngiti, uli.
 "The hell you're talking ako pa talaga ang kailangan mong unahin eh nagkakaganyan ka na nga", wika niya.
 "I'm sorry", sagot ko sa kanya. Biglang katahimikan ang maririnig sa paligid, hindi ko maintindihan ang sarili ko that time, feeling ko may mali...may mali na hindi ko kayang ipaliwanag. Nakahawak lang ang kamay ni Kier sa akin, siya ang nakahawak ng mahigpit dahil hindi ko kayang hawakan iyon dahil nanghihina ako para bang may gusto siyang sabihin na hindi niya kayang sabihin.
 "May gusto ka bang sabihin sa akin?", mahinahon kong tanong sa kanya. Hindi siya umiimik, ngunit nasasaktan ako sa nagiging rehistro sa mukha niya.
 "Ha? Magpalakas ka para sa akin...hindi ba ikaw ang stalker ko? Kaya bilang stalker na bestfriend ko magpagaling ka para...payagan ka ni Tita sa athletic meet...", sambit niyang saya ngunit halata naman ang lungkot sa ngiti niya. Bakit kaya? Nagsisisi ba siya na si Honey ang pinili niya. Sana ganoon nga.
 "Oo, naman...hindi ka ba masaya dun kasi ang ganda-ganda ng stalker mo? Kaso...sa tingin ko hanggang doon na lang ako...now I am telling you, I think I'm totally tired...kaya magpapahinga na ako...sige na you can go, and..fetch Honey", wika ko sabay bitaw sa kamay niya at talikod. Sa tingin ko hanggang doon na lang nga, ok na ako, kasi kong ipagpipilitan ko pa ang sarili ko, masyado na akong brutal para hindi isipin ang puso ko. Nang oras na iyon, nakikiramdam ako sa kilos niya...hindi pa siya umaalis.

Bakit Walang ForeverWhere stories live. Discover now