Chapter III

27 1 0
                                    

XXIII It's not yet Over

 "Hi?!", bati ko sa kanila Justine, Shiela, Mike, Bianca at Kier sa mesa nila sa canteen.
 "Yana...dito tayo sa kanila..., ok lang ba sa inyo?", bigla kong wika sa kanila na nakangiti. Takang-taka sila, nakatingin lang sila sa akin, pati si Yllana nakatayo lang sa harapan ko.
 "Oh, bakit? Ayaw ba ninyo?", taka kong tanong sa kanila.
 "No, its ok Carla...sige", biglang wika ni Justine.
 "Oh thanks...tara Yanna...lika na! Para kang wala sa sarili mo", yaya ko kay Yanna.
 "Yanna join us!", ngiting singit ni Shy.
 "Ah, ano kasi...Carmela..", hindi maipaliwanag na sagot ni Yanna. Natural lang na ganoon ang maging reaksiyon ni Yanna...hindi ko siya masisi kasi noong isang araw ko lang sinabi sa kanya ang nangyari...tapos bigla na lang akong naging ganoon. Halos mamatay ako sa kakaiyak at kakasuntok sa unan ko noong isang araw, ni hindi ko mapapasok si mama sa kwarto ko sa nangyari tapos bigla ko na lang nakalimutan ang lahat. Halos mayupi ko ang rails ng porch ko sa kwarto ko...tapos ganoon lang?!Pero dapat ganoon ang lahat diba? Kung ayaw 'wag ipilit...mabuhay ka na lang ng masaya.
 "Yllana...", hatak ko sa kamay niya sabay ngiti ng matalim sa kanila.
 "Oh...tara let's eat...mukhang masarap ito ah", sabi ko sabay kain.
 "Natural...masarap iyan! Sinabi mo pa e diba paborito mo iyan? Para namang bago sa iyo iyan", banat na wika ni Yana.
 "Hays! Tumigil ka nga...", banat ko rin kay Yana sabay hampas sa isusubo niyang tinapay.
 "Oh....Bakit? May dumi sa mukha ko? Hmmmm...or gumaganda ba ako lalo?...hahaha joke lang", pabiro kong sagot.
 "Carla...anong nangyayari sa iyo?", takang wika ni Justine.
 "Oh, bakit? Wala...hindi ba kayo sanay na madaldal ako? Ooooops! ahaha...pasensya na ha...ganito talaga ako kahit itanong ninyo pa kay Yanna", paliwanag ko.
 "Ah....oo, ganyan talaga siya", mabilis na sagot ni Yanna.
 "Parang may mali kasi...Carmela...no offense ha, ok ka na ba?", biglang alalang tanong ni Shy.
 Ah ako...tinatanong ninyo ako kung ok na ako? Ako ok na ako...tanungin mo iyang katabi mong hindi mo malaman ang mukha kung naiinis o naaawa o nabubuwisit na kanina pang nakatitig sa akin (Si Kier). Hindi ko iyan sinabi sa kanila...bulong ko lang...pero sandali rin akong natahimik at napaisip sa tanong ni Shiela, kaya bigla kong natitigan sina Mike at Kier.
 "Ok saan? I'm always ok...nitong mga sumunod na araw lang naman ako na..nasaktan, pero ok na ako. Siguro kailangan ko lang talaga maranasan iyon para makilala ko kung sino ako", masayang paliwanag ko sa kanila. Naramdaman ko iyon, naramdaman ko ang biglang tahimik at sakit sa mga sinabi ko. Naramdaman ko sila.
 "Oh ano ba kayo..ok na ako....kayo ba?", dagdag kong sagot.
  "Mike is super ok na", singit na sagot ni Bianca sabay tingin kay Mike.
 "I hope he is....and Kier also", sagot ko.
 "Of course", biglang sagot ni Kier.
 "Well then nothing to worry about....were all fine, so friends, again?", masayang tanong ni Justine.
 "Friends!", sagot ko. Sabay hawak sa kamay ni Justine sa mesa na sinundan ni Shy, Bianca, Mike, Yana....at Kier.

XXIV  Heaven for Real?

 "Pwedeng maki-upo?", tanong ko kay Kier sa sulok ng library, dun kasi ang tambayan niya 'pag libre ang oras niya. Pero hindi siya gumagamit ng upuan gusto niya sa sahig lang siya...doon sa dulo kung saan konti lang ang tao na pumupunta roon, alam ko iyon.
 "Ah, ikaw pala, Carla...", gulat niyang sagot.
 "Pwede?", tanong ko uli kasi sa tingin ko hindi niya ako narinig.
 "Ah, ang alin?", wika niya sabay kunwari tawa.
 "Pwede tumabi sabi ko?", ngiti kong sagot.
 "Ah oo naman", bilis niyang sagot.
 Saglit na tahimik kaming dalawa noong oras na iyon. Nagpalinga-linga ako saglit sa paligid, nakikiramdam kung siya ang unang magsasalita o ako.
 "Ang tahimik naman dito", basag ko sa katahimikan.
 "Ah, oo...kaya gusto ko kung maaari palagi ako rito", sagot niya. Tango lang ang naisagot ko sa kanya at pagkatapos noon matahimik na naman, ni pag-unat ng mga laman ko hindi mo maririnig kasi parang nagpapalagayan kami ng loob kung sino ang unang magsasalita. Kung nagtataka kayo kung bakit nandito ako ngayon sa tabi niya iyon ay dahil sa hinanap ko talaga ko siya para maka-usap ng maayos...makausap....oo makausap.Iyon lang.
 "Ok ka na ba talaga, Carla?", gulat niyang tanong sa akin sabay titig sa akin.
 Kier...huwag mo akong titigan...hindi ako makapagsalita. Wait! Naiilang ako. ay este...ay wala. Wala!
 "Hm....ah? Ha e ...oo naman, huwag mo akong alalahanin, ok na ako...tanggap ko na iyon...hahaha ikaw naman!", tawa kong sagot.
 "Sigurado ka? Sabihin mo lang kung...", sabi niyang hawak ang magkabilang balikat ko. Nabigla ako sa ginawa niya.
 "Bakit?....babawiin mo iyong sinabi mo sa akin, noon?", bigla kong wika sabay lapit ang mukha ko sa kanya.
 "Haha...joke lang!...ikaw naman o hindi na mabiro, sinabi ko na kasi inyo I'm really ok na", bigla kong bawi sa kanya sabay batok ng hawak kong libro sa kanya.
 "Aray!o sige na naniniwala na ako sa iyo", sabi niya at kinabig ako sa gilid sabay gulo sa buhok ko.
 "Hays! kainis ka naman...hindi porket close na tayo...ginaganyan mo na ako, a", saad ko.
 "Wala ka na bang pasok?...next class schedule na oh", sabi niya.
 "Last period namin MAPEH, ikaw?", tanong ko sa kanya.
 "Hindi ko na papasukan", saad niya.
 "Bakit naman?", curious kong tanong.
 "Inaantok na ako e", wika niya sabay ngiti.
 "Ano ka ba..last subject na nga eh...hindi mo pa papasukan!", kunwari sermon ko.
 Alam niyo mas ok na ata na talagang magkaibigan na lang kami, mas maganda pa ang relasyon namin pag ganito. Hindi kami nag-aaway. Ang sarap sa puso, hindi ako nasasaktan. Nalalapitan ko siya. Nahahawakan ko siya. Nakakausap ko siya. Sa lahat ng pinagdaanan ko...ito ang pinakamasayang araw ko. Sana hindi na matapos. Hindi na niya ako hinintay matapos magsalita...talagang itinulog na niya. Ang gwapo niya talaga...ang sarap niyang panoorin habang natutulog...o sige ililihim ko na lang sa iyo  ganun pa rin ako.
 "Na....nagdurugo pa rin ang puso ko sa iyo, na hindi pa rin kita malimutan", mahina kong wika sa harap niya.
 "Anong ibinubulong mo diyan?", bigla niyang wika habang napapikit. At ako nataranta aba medyo gising pa pala ito.
 "A wala....sabi ko...dito na lang ako, samahan na lang kita...tapos naman na ako sa Badminton", palusot kong sagot.
 Itinuloy na naman niya ang pagtulog....ako rin hindi ko namalayan...nakatulog ako sa balikat niya...

Bakit Walang ForeverWhere stories live. Discover now