Tien's POV
Dalawang buwan... dalawang buwan na noong huling nakausap ko si Kerby.
Dalawang buwan na mula noong nakasalubong ko ang titig niya.
Dalawang buwan na ang nakaraan pero hindi parin natatanggal ang nararamdaman ko sakanya.
Dalawang buwan na ang nakaraan at mas lalong lumalim pa ang pag kagusto ko sakanya.
Dalawang buwan na ang nakaraan at masasabi kong mahal ko na siya. Na imbes na makalimutan ko...mas lumalala pa.
Dalawang buwan na akong nag tatapang tapangan...at kahit anong oras ay bibigay na talaga ako dahil sa nararamdaman ko.
Dalawang buwan na ang nakaraan mula ng nagpalaya ako.
Dalawang buwan na akong nasasaktan ng di niya alam, ng di ni nila alam.
At Dalawang Buwan na ang nakaraan mula noong sinagot ni Shary si Kerby.
"Tien...are you okay?" Tanong sakin ni Gracelyn. Andito kami sa labas ng room at nakatambay lang...pinapanood ang mga studyante na dumadaan. Pinapanood ko sila Kerby at Shary kung pano sila mag lampungan.
No. Sobrang nasasaktan ako. Sobrang sakit pala na makita mo yung mahal mo na hawak ng iba...
"Of course!! Hehe" nakangiti kong sabi kay Gracelyn...
"Parang ang putla mo kasi, teka nga" sabi niya at saka idinampi ang likod ng kamay niya sa noo ko.
"You're hot Tien!" Sabi ni Gracelyn na nag aalala.
"I know! Dati pa HAHAHAHAHA" biro ko sakanya pero pinalo niya lang ako sa balikat.
"Tara sa clinic, pa check up ka" sabi ni Gracelyn at saka naunang nag lakad. Minsan talaga bossy tong kaibigan ko e.
Hindi ko alam kung susunod ako sakanya dahil madadaanan namin sila Kerby kapag nag punta kami ng clinic, pero nang lingonin ako ni Gracelyn... naglakad na ako ng kusa. Mahirap na baka kaladkarin pa ako. Haha.
Inantay niya naman ako at nagkasabay kaming mag lakad.
"Ish stop it" rinig kong sabi ni Shary kay Kerby na natatawa pa. Ni hindi ako lumingon. Ni hindi ako tumigil. Daretyo lang ang tingin ko at lakad ko. Kahit ramdam ko na sinundan ako ng tingin ni Kerby.
Pagkatapos akong resetahan ng gamot ng doctor ay lumabas na kami ng clinic.
Humingi naman ako ng face mask para di ako makapanghawa.
"Bakit tumangi ka noong sinabi na umuwi ka at mag pahinga?" Tanong ni Gracelyn na medyo galit pa.
"Relax...trangkaso lang to. Malayo sa bituka. Isa pa wala naman tayong gagawin kundi umupo at makinig lang sa mga lecturer" sabi ko naman sakanya na saktong dumaan na kami sa gawi nina Kerby. Sakto nung lingunin ko si Gracelyn ay nahagip ng mata kong sinusundan kami ng tingin ni Kerby. Kaya idinaretyo ko nalang ulit tingin ko.
Ongoing ang discussions dito sa room nang makaramdam ako ng panghihina, naramdaman ko rin na nanlalamig ako at parang nawalan ng dugo ang bibig ko.
"Ms. Salvador are you okay?" Tanong ni Mrs. Carry, teacher namin.
"Yes po"sabi ko pero nanghihina ako mag salita kaya parang bulong nalang yung nasabi ko...
"Ms. Salvador..." sabi ulit ni Mrs. Carry kaya tumango nalang ako.
"Tien..." tawag sakin ni Gracelyn pero diko masagot. Nang hihina talaga ako.
"Ma'am, di po siya okay" rinig kong sabi ni Gracelyn pero ibinaba ko ang ulo ko sa arm chair at pumikit. Diko na kaya...
Kerby's POV
Hindi ko na ma alala kung ilang buwan na mula noong nag usap kami ni Snow...dalawang buwan na?? Mahigit na ata.
Hindi ko alam at hindi ko na inalam kung bakit ganoon nalang niya ako iwasan. Hindi ko nga alam kung kaibigan ko pa siya o naging kaibigan ko ba talaga siya.
Kami na rin ni Shary, sinagot niya ako the day after ng pag punta ko sa bahay nina Snow, kaya hindi ko na rin nabigyan ng oras para pag usapan kung bakit niya ako iniiwasan, dahil mula noon ay halos araw araw na kaming mag kasama ni Shary.
Nakaupo kami ni Shary sa may bench kanina sa labas ng room nang dumaan sila ni Gracelyn... hindi man lang talaga siga lumingon, lumabas rin sila ng clinic ng di man lang ulit tumingin sakin. Narinig ko naman ang pinag uusapan nila. May sakit si Snow... pero ayaw niyang umuwi. Tsk. Ganyan siya katigas.
Nagsilingunan kami sa gawi ni Snow nang tawagin siya ni Mrs. Carry.
Tinanong kung okay lang siya pero nagsalita siya nang hindi naman dinig. Halata kasi sa face mask niya na gumalaw lang.
Tumango nalang siya...
At nag salita si Gracelyn na hindi daw siya okay. Nilapitan ni Mrs.Carry si Snow pero nakababa na ang ulo nito sa arm chair at nakapikit...
Niyugyog niya pero di parin nag mumulat ng mata! Damn it! Pinapauwi na kasi kanina di pa sumunod!
"Boys buhatin niyo siya dalhin sa clinic!" Tarantang sabi ni Mrs. Carry. Mabilis pa sa kidlat na tumayo si Darwin at binubat siya...
Kahit hindi na kami nag uusap ni Snow may paki alam parin ako sakanya. Di ako maka concentrate sa mga sinasabi ng mga teacher namin dahil nasa clinic si Snow.
Balak ko sana siyang puntahan sa clinic ng matapos ang klase namin at breaktime na, pero papunta palang ako narinig ko na si Jefferson...
"Nagising na daw kanina si Tien, sinundo na nina tita Jona. Sa bahay nalang daw nila siya mag pahinga. Bisitahin na lang natin mamaya" sabi niya sa kausap niya na si Dante.
Isa na naman to sa ilang pagkakataon na gusto kitang kausapin pero di tumutugma sa panahon...
Tien's POV
Nagising ako na nandito na sa bahay.
"Kamusta pakiramdam mo nak?" Tanong ni mama na nag aalala.
"Hmm better" sabi ko naman sakanya na pinilit ngumiti.
"May masakit ba sayo nak? Tawagin ko ba si Doc. Roel?" Sabi ni mama.
"Wa na po ma, okay naman na po ako" sabi ko na nakangiti.
"Basta sabihin mo lang nak ha? Kung may masakit sayo" sabi ni mama at hinagod ang buhok ko.
"Opo ma" sagot ko naman.
.
.
.
.
"Ano sister? Okay ka na ba talaga? Baka mamaya mawalan ka na naman ng malay mamaya. Dapat di ka muna pumasok" nag aalalang tanong ni Claude.
"Hahaha okay nako. Promise." Sabi kong natawa.
"Ayan ka na naman sa promise mo" sabi ni Gracelyn...
Oo nga okay na ako. Puso ko nalang ang may sakit. Hehehe.
"Oo ok nako. Isa pa malapit na nga graduation...mag aabsent pa ako" sabi ko sakanila.
Dalawang buwan nalang kasi at graduation na namin. Sana makagraduate na rin ang puso ko. Hehehe
"Aga aga nag chichismisan kayo diyan! Oh ano kamusta ka na Tien?" Bungad samin ni Darwin.
"Okay na. Thank you pala kahapon" sabi ko sakanya sabay apir haha.
"Buti nga ang madami akong kinain nung lunch!! Ang bigat mo kaya!" Pang aasar niya.
"Weak ka lang" tipid kong sagot haha.
Dumaan naman si Kerby sa harap namin, tinitigan lang ako saka pumasok sa loob. Ngayon lang ulit nag tama ang tingin namin. Nakaka panghina ng tuhod...
Sana dumating yung time na makalimutan na kita...
Dahil sobrang nasasaktan ako na makita kang masaya ka sa iba.
YOU ARE READING
But...why?
General FictionHanggang saan ang kaya mong gawin para sa salitang pag-ibig? Tunghayan ang kwento ng isang babae na pinag kaitan ng pagkakataon. ************ This story will teach you how to be patient. If you are meant to be...you are meant to be. You don't need t...
