*ting
Napatingin ako sa cellphone ko ng marinig ko tong tumunog.
Gracelyn: may audition daw bukas sa sayaw. Sali tayo?
Me: okay.
Gracelyn: sige, see you tom. muuah!
Binaba ko ang cellphone ko at pinagpatuloy ang panood ko... matapos kong mag drama sa pinanood ko ay nagpunta ako sa kusina at nakita ko si mama na nag luluto ng meryenda.
"Oh tapos ka ng manood" tanong niya.
"Hmm. nakakaiyak pero maganda naman yung ending" sagot ko.
"Paniguradong mapapasaya ka netong niluluto ko, umupo ka lang diyan at malapit ng matapos to" sabi niya ulit.
"Okay po" sagot ko.
.
.
.
"Hmmmmm! The best talaga ang Carbonara mo ma" sabi ko habang ngumunguya.
"Alam ko nak, pero lunukin mo muna kinakain mo bago magsalita hahaha" sabi niya at napa ngiti naman ako.
"San pala nag punta si ate ma" tanong ko.
"Nag date yata sila ng boyfriend niya"
"Sana all" nasabi ko nalang.
"Bakit wala ka bang boyfriend? Baka tinatago mo lang samin Tien ha" sabi ni mama.
"Hala wala po, isa pa kayo po unang pagsasabihan ko pag may jowa nako! Hehe ganoon ko po kayo ka love" sabi ko.
"Kababae mong tao ang galing mong mambola" sagot naman niya.
Hahaha.
"Pero seryoso ako mama, kapag may jowa nako ikaw unang makaka alam" sagot ko naman na naka ngiti.
.
.
.
Mabilis lumipas ang oras at madilim na noong napa tingin ako sa labas.
Bumaba ako at nakasalubong ko naman si papa...
"Oh anak tamang tama, pupuntahan sana kita sa kwarto mo e, kakain na daw sabi ni mama mo" si papa.
"Mabilis talaga radar ko pa! Hahahaha"
"Si ate nakauwi na"? tanong ko.
"Oo pero kumain na daw sila sa labas kaya tayo tayo nalang daw muna" sagot naman ni papa. Buti pa yon, may jowa kahit dimunyu. HAHAHAHA.
Habang kumakain kami biglang nagtanong si papa...
"Kamusta naman sa school nak"
"Okay lang naman pa, masaya naman hehe, try po pala naming mag auditon bukas sa sayaw" sagot ko.
"Hmm, okay yan nak, at leat memorable ang last school year mo sa high school" sabi niya.
"Andito lang kami ni mama at ate mo, susuportahan ka namin lagi" dagdag niya.
Napangiti naman ako sa narinig ko.
"Thankyou pa" tipid kong sagot na nakangiti.
*KINABUKASAN*
"Oh my goodness"! Sambit ko na napahawak pa ako sa dibdib ko.
Nagulat kasi ako ng biglang sumulpot si Keeby sa harapan ko noong lumabas ako ng sasakyan.
Magugulatin kasi ako.
"Sorry" bigla niyang sabi at naglakad palayo.
Since di naman kami close kaya hinayaan ko nalang. Mahirap ng kausapin ang dimo kakilala diba.
YOU ARE READING
But...why?
General FictionHanggang saan ang kaya mong gawin para sa salitang pag-ibig? Tunghayan ang kwento ng isang babae na pinag kaitan ng pagkakataon. ************ This story will teach you how to be patient. If you are meant to be...you are meant to be. You don't need t...
