"Problema mo?" Maangas na tanong ni Justin sa lalaki.

Tumaas naman ang dalawang kamay ng lalaki sa ere. Kusa na itong umalis.

Iritadong tumingin saakin si Justin at binukas ang payong na mukhang binili pa niya. "Bakit isa lang?" Tanong ko.

"Hindi na kasiya yung pera ko para bumili pa ng isa." Rason niya.

Hawak niya yung payong sa isang kamay niya habang sa isa naman ay ang mga pinamili namin.

"May boyfriend na, nakikipag usap pa sa iba." Napatigil ako sa pag lalakad dahil doon.

"What did you say?"

He tsked before he continued walking. Sumabay naman ako para hindi ako mabasa ng ulan. "For the record, siya ang lumapit, hindi ako."

"Kinausap mo parin."

"Dapat ba hindi ko pinansin? That's rude, Justin!"

"May boyfriend kana! Sana naman wag ka ng lumandi pa sa iba."

Tila nabingi ako sa sinabi niya. Tagos sa puso. So that's what he thinks of me. Malandi.

"Okay." I said, not wanting to prolong the talk.

Ang sakit. Ang sakit-sakit. Tahimik akong sumakay sa sasakyan. Kahit nang makarating kami sa dorm ay hindi na ako nag salita pang muli.

Nag re-replay sa utak ko ang mga katagang binitawan niya. Parang gusto kong maiyak.

Dahil sa sinabi niya ay parang nawalan ako ng gana na gumawa ng ibang bagay buong araw. Nakahiga lang ako at tahimik na lumuluha. Kahit nang tawagin nila ako para kumain ay hindi ako lumabas.

Nang makapag desisiyon akong matulog nalang ay may kumatok sa pinto ko. Agad akong tumayo para tingnan kung sino, pero pag bukas ko ay isang letter lang ang nadoon.

Pinulot ko ito at binuksan. "What is this?"

Codes.

Tiningnan ko sa cellphone ko kung anong oras na. 9:54pm. Maaga pa naman, ma so-solve ko siguro itong codes na ito in no time. Para na rin makalimutan ko sandali yung sinabi ni Justin.

Ang nakasulat ay,

'yeahw egonn agoup ibiBI

gayko angak

ingpu sosap

agabo tngpa ngora

pdihi hinto handa kongh arapi nangl ahaty'

Mayroong mga naka bold meron din mga hindi. Ilang minuto ko pa itong pinakatitigan bago ko napag pasyahan na mag hanap ng sagot sa internet.

Kung titingnan ng mabuti, lyrics yan ng kanta naming Go Up, pero hindi iyon ang sagot.

Nang mahanap ko ang sagot ay sinimulan ko na itong i-decode. Ang ginawa niya ay hinati niya sa limang letra ang bawat salita, tapos yung mga naka bold na letters ay isang letter from the alphabet. 

yeahw = M

egonn = E

agoup = E

ibibi = T

gayko = M

angak = E

ingpu = A

sosap = T

agabo = T

tngpa = H

ngora = E

pdihi = R

hinto = O

handa = O

kongh = F

arapi = T

nangl = O

ahaty = P

MEET ME AT THE ROOFTOP.

Tiningnan ko ang orasan at nagulat ako nang makita kong mag a-alas dose na. Ibig sabihin, dalawang oras ko itong dini-code?

Kumuha ako ng jacket at tahimik na nag lakad paakyat sa rooftop. Hindi ko man sigurado kung sino ang nag lagag niyon sa pinto ko ay pumunta parin ako.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto papasok sa rooftop. There, I saw someone standing and looking at the view, prolly waiting for me.

"Hey..." tawag ko. Agad itong lumingon saakin at ngumiti.

My heart hammered inside my chest.

"Justin... bakit mo'ko tinawag dito? Kanina kapa ba andito?"

Tumango-tango siya. "Kanina pa kita inaantay. Hindi ko naman alam na matatagalan kang mag decode. Anyway, I called you here to say sorry about earlier. I didn't mean to say that, South. I'm sorry."

Bumuntong hininga ako. Lumapit ako sakaniya at niyakap siya. "Its okay, Justin. Its okay. Sana kinatok mo nalang ako sa kwarto, kesa nag antay ka dito."

I felt him caressing my back kaya mas lalo kong isiniksik ang ulo ko sa dibdib niya.

Mahal kita.

"I'm sorry din, for breaking your heart."

"Its okay. Maybe... we're not meant for each other. Maybe... we're only meant to be friends."

He hugged me back.

I love you.

———————————

A/N : the code is called francis bacon code. if u want to understand it more (kasi di ko ma explain ng mabuti) u can search it on the web.

2 ud's in one day🤯

COMMENTS ARE DEEPLY APPRECIATED!! ILY ALL💗

SB19's New MemberWhere stories live. Discover now