26th Chapter

55 6 0
                                    

Hindi ako, kundi siya.

A month has passed hindi ko sukat akalain ganito ang simula ng taong 2021 ko umasa akong magiging masaya, payapa at magiging maganda ang simula nito pero dahil sa nalaman ko hindi ko alam kung matutuwa ako para kay Nickollo or masasaktan ako kasi hindi ako ang babaeng mahal niya. Simula pa nung una ako yung andito palagi para sakanya akala ko sa mga ways of care niya may nakatagong "Mahal kita higit pa sa pagkakaibigan Izee" pero hindi sa loob ng ilang taon iba pala ang gusto niya hindi ako kung hindi si Tracy. Yun ang sabi sakin ni Nickollo yes nung nakipagkita ako kay Tracy kasama niya si Nickollo and siya ang nagsabi sakin ng lahat.

Buong araw non nasa kwarto lang ako hindi ko alam pero para akong sasabog sa sakit na nararamdaman ko. Ayokong masira yung pagkakaibigan namin pero anong magagawa ko kung talagang si Tracy ang gusto niya kung hindi ako hindi ba? Masakit sobra aaminin ko kasi siyempre napalaking parte ng buhay ko inilaan ko kay Nicko. Kaya pala nung nga nakaraang araw ang weirdo niya kaya pala kapag inaaya ko siya dito sa bahay kung hindi may gagawin, may pupuntahan minsan sasabihin may masakit kaya nung minsan inaalagaan ko pa siya pero wala naman pala talaga siyang sakit akala ko non gusto lang niyang alagaan ko talaga siya pero all this time si Tracy ang gusto niya galing mismo sa kanya yon.

Pumasok akong maga ang mga mata ko buong klase mag-isa lang ako hindi ko pinapansin kahit sino sa Barkada tanging pinupuntahan ko lang yung tambayan namin at ang locker room ko.

Bakit dinadaan niya sa pagsusulat ang feelings niya sakin bakit kaya hindi niya ilabas, kailangan ko ng makakausap ngayon kailangan ko siyang makilala pero paano?

"Oh binibini wari ko ikaw ay may problema
Sana'y iyong makaya
Sakit na iyong nadarama
Dahil ako'y hindi mapakali sinta"

Bakit? Pati ang problema ko alam niya. Minamasdan niya kaya ako lagi. Nasaan siya, bakit di ko siya nakikita paano ko kaya siya makikilala.

Binasa ko ang pang-91 na sulat.

"Huwag mo nang masiyadong dib-dibin
Ngiti na lamang ang iyong gawin
Upang sakit na iyong nadarama'y maibsan
At sana'y iyo nalang kalimutan"

Sana nga ganoon lang kadali makalimutan lahat, lahat ng sakit na aking nararamdaman. Patuloy ang pagluha ko habang binabasa ang iilang mensahe galing kay Nicko. Nagsosorry siya sa text at tumatawag pero hindi ko iyon sinasagot.

"Bakit umiiyak ang prinsesa ko?" si Kent.

Bakit pati dito sa Ice Cream parlor sinusundan niya ko. Anw pumunta kasi ako sa malapit na Shop ng Ice Cream madalas kapag malungkot ako dito ako pumupunta at kumakain ng Vanilla Flavor na Ice Cream dahil dito mas nababawasan ang sakit sakin. Pumupwesto ako sa isang gilid ng book shelves dito sa 2nd Floor kaya okay lang na umiyak iyak ako pero dumating tong mokong na to.

Umupo sa kabilang upuan sa harap ko si Kent at nagcross arms na diretsong tumingin saken. Hindi ko siya tiningnan at tinuloy ko lang ang pagkain ng Ice Cream. Tinakpan ko ng isa kong kamay ang noo ko at gamit ang kabila ay ang pangsubo ng Ice Cream.

"Hanggang ngayon ba ilap ka pa din saken?"

Hindi ko siya kinibo.

"Oyyy"

"Huwag ka nga sumigaw dian"

Kinuha niya kabod ang sinandok kong Ice Cream para sana kainin at agad niyang kinain.

"Ano ka ba! Bumili ka nga ng iyo"

"Gusto ko yung Ice Cream mo e"

Nagmomoment ako dito bigla bigla sumusulpot asar!

Catch me, If I fall (Porcalla Series I)Where stories live. Discover now