13th Chapter

39 7 0
                                    

I'm sick.

Hindi ko na namalayan ang oras pagkagaling pala namin sa handaan, hinatid ako ni Nickollo at Kent. Ewan ko ba kung bakit sumama pa yon e nagpilit daw sabi ni Nickollo sa akin. Halos paggising ko medyo may hang-over pa ako kahit kaunti lang naman ang ininom ko. Okay lang naman kasi na uminom ako dahil kasama ko naman ang Barkada at di ako lasinggera kapag may gantong mga event lang namin naiisipan mag-inom.

Minsan masarap din gumawa ng bawal dahil wala ka namang ginagawang masama and just to make yourself happy and have a free life kahit papano.

Pumasok akong medyo bangagm Dahil sa pagmamadali ko naiwan ko yung cellphone ko sa bahay. Nako namannnnn.

Pano kapag nagtext si Kuya hays. Makikitext nalang siguro ako kay Nickollo.

Pumunta muna ako ng CR bago pumasok sa room buti nalang mauuna ang Comfort Room bago ang classroom namin. Kaya naisipan ko munang iayos ang sarili ko mamaya mapansin pa nila yung itsura kong ganito.

Tumingin ako ng matagal sa salamin and guess what! Namumula talaga mata ko ngiii naka ilang shot lang naman ako wa. Hayss di nalang sana ako uminom kagabi. Nagulat ako sa biglang pagdating sa pintuan ni Nickollo kaya muntik na ko madulas habang papalabas.

"Oh, bat di ka pa pumapasok?"

Di ako sumagit dahil halatang alam na nitong besplen ko kung bakit.

"Hayss lika, bili tayong malamig na tubig at biogesic?"

Hinawakan niya yung noo ko para tingnan ang temperature ko. May sinat pala ako kaya pala paggising ko ang init ko tas medyo masakit pa ulo ko.

"Inumin mo to, wag ka ng iinom ule ng ganon sa susunod"

Pagbibilin niya, siguro nga totoo yung sinabi ni Tracy at hindi siya nagbibiro na napadami ang inom ko.

Parating si Lester sa gawi ko papunta sa barkada niyang kasection ko. Naalala ko yung paghawak niya sa babae kahapon. Hindi kaya? Kaya ako naglasing dahil nagselos ako? Wao ex naman na ko why do I feel na kami and na parang selos ako.

"Hindi to pwede" napabulong ako sa sarili ko.

"Ha? May sinasabi ka ba?" biglang tumabi ang mokong na si Kent.

"Wala lumayo ka sakin, baka kaya ako nagkasakit kasi may lumalapit na unggoy e".

"May sakit ka?"

Bat ko ba kinakausap kumag na to hayss panira ng araw.

Tatayo na sana ako pero bigla akong natumba ako at napapikit. Nawalan ako ng malay, narinig ko na lamang na nagpapanic ang mga kaklase ko at buhat ako ng isang lalaki ginigising niya ako pero di ko maimulat ng maayos ang sarili ko.

Paggising ko nasa Clinic ako ng School malapit sa Room namin kaya madali akong nadala ni--- wait sinong nagdala sakin dito.

"Okay ka na ba?" si Nickollo at nakita kong nasa kabilang side si Kent sa pintuan nakasandal.

"Medyo--

Dumating ang Nurse para icheck ako, at sinabing...

"Mataas ang init ng katawan mo, kinakailangan mong ipahinga ang sarili mo dahil din iyan sa stress. Kaya magpahinga okay?"

Tumango lamang ako sensyas ng pag-oo ko.

"Kainin mo na to, para mabilis ka gumaling"

Sinubo ko yung soup na pinapakain sakin ni Nickollo, sabi ko ako nalang kaso nagpilit si Nicko na aalagaan niya ko hays.

Nagdala din ng gatorade si Kent atska ng tinapay.

Hingal na hingal papunta dito si Dezie at Samy dahilan para mapukaw ang atensyon naming tatlo nila Kent.

"Pianpatawag ka sa Conference Room Nickollo"

"Bakit daw?" sabi ko.

"Diyan ka na muna, si Kent ang mag-aalaga sayo"

He kissed my fore head before he leave me with this kumag. Nakita kong ngiting ngiti sila Dezie kaya feeling ko set up nanaman to.

Pero bakit pumayag tong si Nickollo ano ba naman yan. Ayokong makasama to dito tapos sa iisang kwarto pa. Panaya ano gawin neto charot ang assuming ko naman para mag-isip ng ganon. Pero kasi siempre nag-iingat lang.. no choice ipinagkatiwala pa ako dito nila Nickollo.

"Bat ka ba kasi uminom kagabi ng ganon?"

"Wala ka na don"

"Ang taray naman?!"

Binantayan lang ako ni Kent hanggang sa pwede na ko umalis at mamahinga nalang sa bahay. Bumalik ang BarDs para samahan ako pero di naman sila lahat is need pa ko ihatid kaya si Nickollo nalang dahil mas malapit siya sa bahay namin. Dahil wala ang service ko at ni Nickollo isinabay nalang kami ni Kent kasi siya ang nakakita sa amin ni Nicko kahit ayaw ko di ko na napigilan dahil naginsist na si Kent na ihatid kami.

"Salamat Kent"

Yun ang binigay kong salita kay Kent, para umalis na din agad medyo naiirita kasi ako lagi sakanya hindi ko alam ndaig ko pa may kaaway. Pero wala lang siguro ako sa mood lalo na kapag naalala ko yung tungkol kay Les.

Ang sakit pala makita yung taong pinaplanuhan mo noon, may iba ng minamahal ngayon?

Hinayaan ko nalang dalawin ako ng antok para gumaling naman ako kaagad dahil bukod sa ang hirap ng ganito. Like di ko magawa yung iba kong gusto gawin. Naging mapait pa ng panlasa ko, kahit gusto ko kumain ang hirap kasi iluluwa ko lang kaya mas okay nalang na matulog ako saka lang ako nakakakain kapag soup na ang inihain ni Mama Mi minsan di ko pa maubos.

Nagring yung cellphone ko.

Nickollo is calling....

I answered his call.

"Hello?" sabi niya

"Hmm?"

"Kamusta ka Ara? Nakainom ka na ng gamot mo?"

"Oo besplen"

Ayon panay pagreremind lang si Nickollo, saglit lang kami nagusap dahil kailangan ko na magpahinga para nay energy na ule ako at maging makakain na ule ng maayos hays.

Grabe nakakaloka, ngayon pa ko tinablan ng ganito. Pero sabagay....

Mas okay nang yung ganitong sakit kesa yung sakit galing sa pag-ibig.

------------------------------------------------------

Vote this part and follow my account mwa!❤

Hope you enjoy reading.

Twitter&ig. @justaqtstranger

Catch me, If I fall (Porcalla Series I)Where stories live. Discover now