KABANATA 11

38.2K 1K 105
                                    

"Anong tinitingin-tingin mo d'yan?!" Bulyaw ni Nathaniel sa akin.

Nahuli kasi nito akong nakatitig sa kanya, habang tinatanaw nito ang pag-alis ng kanyang Mama.

Napahiya ako, kaya yumuko ako. Bukod sa, hindi ko talaga matagalan ang talim ng kanyang titig ng pagkamuhi sa akin.

"Kasalanan mong lahat 'to." Nanginginig na panunumbat nito sa akin. "Kung hindi dahil sa 'yo, hindi magkakaganito ang pamilya ko! Kung hindi dahil sa 'yo, hindi masisira ang buhay na nakagisnan ko!" Nararamdaman ko ang pagpipigil n'ya sa pagtangis. "Kung bakit ba naman kasi, patay ka na nga, kailangan ka pang buhayin ng mga demonyong 'yon!"

Napatingin na ako sa kanya. "Bakit ako?" Napapaluha na ako, pinipigilan ko lang. "Anong kasalanan ko ro'n?"

"'Yun na nga ang masaklap dun eh. Wala kang kasalanan." Dinuro ako nito. Muli akong napayuko. "Pero maraming buhay ang nasisira nang dahil sa 'yo! Nawala rin ang masayang pamilyang nakagisnan ko nang dahil din 'yo. Kaya nga hindi ko alam kung pa'no kita sisingilin sa lahat ng pagkakautang mo! At alam mo ba ang masaklap pa ro'n?" Nagbabadya na rin ang pagtulo ng luha nito. "Ang masaklap pa ro'n, kailangang bantayan pa kita! Putang ina!" Napaiktad ako sa pabigla nitong pagmumura; tuluyan na akong napaiyak. "Ilang buhay pa kaya ang mamalasin nang dahil sa 'yo?!"

"Bakit hindi mo na lang ako patayin kung ganun?!" Hindi ko mapigilan ang paghikbi ko. "Malas pala ako eh. Salot at hindi dapat mabuhay sa mundo. Kung binuhay ako ng masasamang tao, 'di ba't mas makabubuting kitlin mo na lang buhay ko para matapos na ang mga paghihirap mo?!" Maya't-maya ang pagpunas ko sa mga luha ko.

Sa muling pagsulyap ko sa kanyang mukha,  unti-unti namang humuhupa na ang galit na nababakas kanyang mukha. Hindi na ito nakatitig sa akin, sa halip, nakatingin na lang ito sa kawalan na tila pinakikinggan ang lahat ng mga sinasabi ko.

"Ayos lang naman 'yun sa akin, kung 'yun ang mas makabubuti sa lahat." Dugtong ko. "Wala na naman akong pamilyang mauuwian eh. Kung meron man, wala na rin naman silang pakialam sa 'kin. Hindi ko na rin naman gusto ang nangyayari sa buhay ko. Sirang-sira na rin naman ako para kakitaan pa ng pag-asa." Tumatahan na ako; mas nagiging kalmado. "Ayoko na rin namang mabuhay, dahil ako mismo,  nandidiri at namumuhi na ako sa sarili ko! Mas gusto ko rin talaga na mawala na lang. Ang hindi na huminga pa. Ang hindi na magising pa isang umaga."

Natahimik ito; hindi kumikibo.

Dali-dali akong lumabas sa kanilang mansyon. Halos madapa ako sa mabilis na pagtakbo sa kung saan man ako dalahin ng aking mga paa.

Ilang beses ako lumingon; mukhang hindi naman nito ako hinabol. Gayunpaman, hindi ako huminto. Tumakbo pa rin ako nang mabilis sa abot ng aking makakaya.

Ang laki ng kanilang Hacienda. Hindi na ako nagtataka na kahit halos maubos na ang aking hininga, nasa tantya kong, hindi pa rin ako umaabot sa ika siyam na bahagi ng kanilang lupain. Hindi ko na inalintana kung saan man ako mapadpad, hanggang sa mapahinto ako, matapos kong makatanaw ng isang talampas na may malalim bangin sa dulo nito. Malalaki at matatalim ang bato sa ilalim ng banging iyon. 'Tamang-tama,' sabi ko sa sarili ko. 'Milagro na lang kung mabubuhay pa 'ko kung tatalon ako at babagsak ako ro'n.'

Unti-unti ako lumakad patungo sa pinakgilid ng bangin. Nanginginig man,  buong tapang kong kinumbinsi ang aking sarili na ito talaga ang gusto ko. Kung ang mga demonyo lang naman pala ang makikinabang sa isinalbang buhay ko, maiintindihan naman siguro ng langit kung ako na mismo ang magsuko nito.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.

Hindi ako mabuting tao. Pero ayokong ding may mapahamak pa nang dahil sa 'kin. Isang pagkakamali ang nabuhay ako sa mundo, kaya mas makabubuti pang wala nang iba pang madamay sa sumpang kaakibat ng pagkatao ko. Patawarin sana ako ng Diyos--kung totoo man s'ya, at kung wala mang kapatawaran ang gagawin ko...mauunawaan ko.

Wala akong karapatang humiling.

Wala akong karapatang umasa sa kanyang awa.

Kahit sabihin pang...may gatiting akong pananampalataya.

Halos tumiklop ang tuhod ko sa pagtingin ko sa ibaba ng bangin. Sobrang tarik. Nakakatakot. Pero desidido na akong gawin ito. Buo na ang loob kong tumalon, kaya ipinikit ko na lang ang mga mata ko, habang inilalawit ko na ang isa sa dalawang paa ko.

Ihahakbang ko na ang aking kanang paa nang maramdaman kong may humablot sa aking baywang. Isinampay ako nito nang patuwad sa kanang balikat nito, habang mabilis na itinatakbo ako nito papalayo sa bangin.

Iminulat ko ang mga mata ko, ngunit ang puwitan at likuran ng mga paa lamang ng may bitbit sa akin ang naabot ng paningin ko. Sa kabila no'n, nakilala ko pa rin naman kung sinong may bitbit sa 'kin.

Si Nathaniel.

"Bakit mo pa ako iniligtas?!" Umiiyak ako habang ibinababa ako nito sa gilid ng isang matandang puno. "Pinabayaan mo na lang sana ako!" Hagulhol ko. "Parang awa mo na Nathaniel," na sinundan ng bahagyang pagsalya nito ng likuran ko sa matandang puno. "Ayoko na talag--ummh!" biglang hinalikan ako nito nang mariin sa labi.

Nagulat ako, kaya dilat na dilat ang mga mata kong pinagmasdan ang kanyang nakapikit na mga mata. Hindi rin ako makagalaw, kaya dinama ko na lang ang tila nanggigigil na pagsakop nito sa aking bibig.

"Patawarin mo ako Victoria..." Nanginginig na bulong n'ya. Tinataniman na ako nito ng mga halik ang aking kanang panga. "Hindi ko sinasadya..." Muli n'yang sinakop ang aking mga labi.

Matagal, mariin at maiinit ang kanyang mga yakap at halik. Nagustuhan ko, kaya ginantihan ko na lang ito nang maglaon.

"Mas makabubuti kung mawawala na ako, Nathaniel." Nakapikit kong bulong; dinadama rin ang hagod ng kanyang mga halik sa aking magkabilang leeg. " Para hindi mo na ako kailangang bantayan. Para maayos mo na ang buhay mo." Napakagat ako nang pinisil nito ang aking magkabilang burol--sa labas ng bestida ko. "N-Nathaniel, pakiusap." Bahagya ko itong itinulak, bagama't hindi ito natinag. Mas lalo lamang na tila gutom na sawang nilingkis nito ang aking kabuuan. "Alang-alang na lang sa natitira mo pang mahal sa buhay."

Hinagod nito ng kanang kamay ang gitna ng aking mga hita. Bagama't wala pang dalawang segundo, bigla itong kumalas, isinuntok ang inihipong kamay sa matandang punong kinasasandalan ko, at saka ito tumalikod at nagmura.

"Bumalik na tayo sa bahay." Humihingal nitong sambit; nakatalikod pa rin ito sa akin.

"Pero Nathaniel. Desidido na ako." Nanginginig na sagot ko. "Kailangang mawala na ako, alang-alang na rin sa kinabukasan mo."

Natagalan bago ito muling nakapagsalita. "Kung gagawin mo ang gusto mo. Lalo mo lang sisirain ang kinabukasan ko." Anito; nakatingin ng patagilid sa akin.

"Bakit?" Tanong ko, "Bakit mo naman nasabi 'yun?"

"Dahil--" Matama itong nakatitig sa akin.

"Dahil?"

"Dahil ikaw lang--"

"Dahil ako lang ang ano?"

"Dahil ikaw lang ang nakikita kong kinabukasan ko." Muli ako nitong sinugod, upang pupugin ng halik.

[Itutuloy]

LagimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon