ARROGANT TATTOO ARTIST 27

1.6K 59 5
                                    

Ngayon kasi lalakad ang mga lalaki para iligtas si Zero. Lahat sila hindi mapigilang kabahan. Dito rin niya pinag stay ang mga girls. Mas safe kasi rito.

"Ate Girl, huwag ka ng masiyadong mag alala kay Fafa Zander. Makakasama sa baby mo iyan" sabi ni Bettie at nilapag ang tray na may lamang pagkain para sa kanilang lahat.

"Hindi naman maalis sa akin iyon eh. Siyempre baka pati siya mapahamak" sabi ni Samantha.

"Kaya nila ang sarili nila dahil mga bakulaw na sila" natatawang sabi ni Aina.

"Yeah, I agree with Aina" sabi ni Verry at habang pinapadede ang limang buwan na anak na babae.

"Saka kasama nila ang mga pulis" sabi ni Lynixie.

Pinasunod din niya si Kenderson sa mga ito para may back up.

"Mas maganda magdasal tayo na maging maayos ang lahat" sabi ni Aina.

Nakahanda na silang magdasal ng biglang sumakit ang tiyan ni Samanta. Kabuwanan na kasi niya.

"Ano masakit sayo?" Alalang tanong ni Lynixie.

"Manganganak na yata ako" ngiwing sabi ni Samantha.

"Ahh. Manganganak na pala" sabi ni Bettie na mahinahon. "WHAT!!!"ng ma-realize nito ang sinabi ng bff.

"Tara na isugod na natin siya sa hospital" natatarantang sabi ni Aina at inaalalayan nila ni Lynixie si Samantha.

"May kotse ba silang iniwan?" Tanong ni Verry.

"Nako! Wala lahat dinala nila" sagot ni Lynixie.

"Ganon ba? Bahala na basta importante madala natin siya sa hospital" sabi ni Verry.

Tulong - tulong sila sa pag alalay kay Samantha na humihilab ang tiyan.

"Breath in - Breath out" pagpapakalma kay Samantha.

Nang makarating sila sa labasan. Agad nilang pinara ang dumaan na taxi.

"Manong sa malapit na Hospital " sabi ni Bettie.

"Ano?? Bakit hindi mo pa pinapaandar ang sasakyan? Hindi mo ba nakikitang manganganak na ang kaibigan namin" galit na sabi ni Aina sa driver.

Napansin ni Lynixie ang driver na tinitignan si Samantha.

"Long time no see, Baby Sam" nakasmirk na sabi ni Jirus.

"Jirus?" Sabi ni Samantha halata rito ang gulat.

"Magkakilala kayo?" Tanong ni Aina.

"It's not the right time for chika. And mamang driver bilisan mo ang pagdrive dahila manganganak na ang kaibigan namin" sabi ni Lynixie.

"WAG NINYO AKONG UUTUSAN!" Galit na sigaw ni Jirus. Nagulat silang lahat.

"GET OUT!!"

"Eh! Siraulo pala ito no! Kita mo ngang manganganak na ang kaibigan namin saka mo pa kami papaalisin" sabi ni Aina.

"Bakit? Sinabi ko bang kasama siya? Kayo lang ang umalis." sabi ni Jirus at naglabas ng baril. "Hindi kayo lalabas o gusto ninyong dumanak ang dugo dito "banta nito sa kanila.

"Fafa Jirus, maghulos - dili ka naman. Baka mapahamak pa ang anak ni Samantha"sabi ni Bettie.

Nangmakakuha ng tiyempo si Lynixie. Inagaw niya ang baril. Napatili silang lahat dahil baka maiputok ang baril.

"Lumabas na kayo, dalhin ninyo si Samantha sa hospital" utos ni Lynixie habang nakikipag-agawan sa baril. Dali-daling lumabas ang mga ito. Inalalayan nila si Samantha.

TATTOO ARTIST : MARK OCAMPOWhere stories live. Discover now