ARROGANT TATTOO ARTIST 13

1.5K 50 0
                                    

"Ok ka na ba, baby Haine?" tanong ni Mark mula sa labas ng kwarto.

"Yes" sagot ni Lynixie at nagpabango muna. Bago lumabas ng kwarto.

"Wow! ang ganda mo namang chinese" biro ni Mark kay Lynixie. Niyakap niya ito.

"Tara na" sabi ni Lynixie.

Tumango si Mark at hinawakan niya ang kamay ng dalaga. Habang nagbibiyahe sila. Panaka-naka niyang tinitignan si Lynixie.

"Yes?" nakangiti tanong nito at hinaplos nito ang pisnge niya.

"I love you" sabi niya at kinuha ang kamay nito at dinala sa labi.

"I love you too" nakangiti nitong sagot at tumukwang para mahalikan siya sa labi.

Napangiti siya, kahit na medyo disappoint siya na hindi siya nag nakauna sa dalaga. Mas matindi ang pagmamahal niya para hindi ito muling saktan. Kaya pilit niyang kinakalimutan si Ms. Tiger. Saka siya rin naman, hindi naman ang dalaga ang nakauna sa kaniya. Kaya patas lang sila. Wala siyang karapatang magreklamo.

....

Wedding Anthony Wang and Laviana Aquino..

Chinese wedding..

Lahat nang imbitando ay mga kaibigan at pamilya ng ikakasal. Lahat tao ay tahimik na pinapanuod ang pag iisang dibdib ng kinakasal.

"Anong oras ba tapos nito?" Si Lynixie . Medyo na iinip na kasi si Lynixie.

"Mamaya" si Mark at paulit-ulit na hinahalikan ang kamay niya.

Magkatabi sila sa upuan ganon din ang mga ibang kaibigan nila.

"Don't worry Lynixie. Ako ang susundo " si Allen.

"Ah. Si-" naputol ang sasabihin ni Lynixie ng sumingit si Zander.

"Ako na ang susundo. Just give her address " seryusong sabi ni Zander.

"Eh. Tol ngayon siya mag start para maglinis sa condo ko?" Si Allen .

"Sa condo ko siya unang maglilinis" madilim na sabi ni Zander.

"Bago yata iyan bro. Ayaw mo nga pinalilinis sa iba, dahil gusto mo ikaw lang ang gagawa at may karapatang gumalaw sa lugar mo" si Mark at nag smirk.

Habang nakikinig sa pag-uusap ng mga ito. Nahahalata na napipikon ang kaniyang pinsan. Napangiti siya sa idea na baka may gusto ito sa kaibigan niya.

"Mauna na ako-" nahinto sa pagsasalita si Zander ng tumunog ang phone nito. Lumayo si Zander bahagya para marinig ang kausap. Tumambay siya sa Garden.

"Sa Place mo muna paglinisin si Samantha. Ikaw na din ang sumundo may gusto kasing kumausap sa akin" sabi ni Zander halata ang inis. Si Allen ang tinutukoy nito.

"Sige bro" sabi ni Allen. Hindi na sumagot si Zander basta na lang umalis.

"Sino ba nakausap non at parang badtrip?" Si Kiel at uminom ng wine.

"Hindi namin narinig eh. Lumayo kasi siya nung may tumawag" si Mark.

"Ang sabihin ninyo baka bad trip dahil sa place ko mo na maglilinis si Samantha" si Allen at nagsmirk.

"Oo nga lately palaging beastmood si Cous' pagpinag uusapan si Samantha. Bakit ano ba meron?" si Lynixie. Napatingin ang tatlo dito.

"Ano daw meron?" Si Kiel at nakatingin kay Mark.

"Ah. Siya lang naman yung sa-" hindi natuloy yung sasabihin ni Allen ng takpan ang bibig nito ni Mark.

"Hehehe.. Baby Haine, wala naman " ngiwing sabi ni Mark .

Bigla siyang kinabahan sa inakto ng mga ito. Lately parang wala sa sarili ang nobyo niya. Gusto man niya itong tanungin. Ngunit pinipigilan lang niya. Mas pipiliin na lang niya maghintay at ito ang kusang magkwento.

"Ano bang kamay mo na yan ang pait ng lasa?" sabi ni Allen at 'nagpwe ' .Marahas ang pagpunas ng panyo nito sa dila.

"Arte mo naman! Tumae lang naman kasi ako kanina tapos hindi ako nakapagalkohol" sabi ni Mark. Napatingin sa kaniya ang mga kaibigan maging si Lynixie na gulat. Lininga nila ang paningin maging ang ibang kumakain ay napalingon dahil sa lakas ng pagkakasabi ni Mark.

"Wala ka talagang delekadesa" sabi ni Lynixie at kinolurot si Mark sa tagiliran. Yeah ganyan si Mark. Masiyadong bulgar mag salita.

"Kadiri nawalan na tuloy ako ng gana" si Kiel at tudo ngiwi.

"Hay! Ako din, makaalis na nga. Pakisabi na lang kay Anthony mauna na ko at congrats " sabi ni Allen at umalis.

Natawa sila ng umalis si Allen.

"Baby Haine, may gagawin ka ba bukas?" tanong ni Mark.

"Wala, bakit?" tanong ni Lynixie.

"Date tayo bukas" nakangiting sabi ni Mark.

Ngumiti ng hindi abot sa mata si Lynixie. Ilang beses kasi laging hindi na tutuloy, dahil may emergency meeting daw ito kuno.

"S-Sige" sabi niya

"Promise, matutuloy na. Sinigurado ko na walang isturbo" sabi ni Mark.

"Ok" tipid na sabi niya at tinuon ang attention sa dalawang taong kinakasal.

Kailan kaya ang pakakasalan ni Mark...

Alam naman niya na dissapoint si Mark, dahil ng may mangyari sa kanila. Hindi na siya Virgin.

....

Pagtapos ng kasal. Dumiretso kaagad sila sa Condo ni Mark. Nakaligo na sila parehas. Nakasuot ng boxer short si Mark at si Lynixie naman ay nakamalaking t-shirt na puti ni Mark. Manipis ito kaya kita ang panloob ni Lynixie. Naka-underwear kasi siya sa loob.

"Bakit ang tahimik mo ata?" tanong ni Mark at tumabi kay Lynixie.

Nakaupos sila parehas sa kama habang nanunuod.

"Hmm.. Alam ko na iniisip mo kung sino nakauna sa akin" sabi ni Lynixie at hinawakan si Mark sa magkabilang pisnge.

She really love this man. Kahit na nagkamali ito noon sa kaniya. Tinanggap niya muli, dahil sobra niyang mahal si Mark.

"H-Hindi ko kilala, lasing ako noon. Hindi ko nakita ang mukha niya" sabi ni Lynixie at lumuha.  Tahimik lang na nakikinig si Mark.

"Sa Bar?" tanong ni Mark.

Lumunok si Lynixie. Bago nagsalita.

"O-Oo" sabi ni Lynixie at huminga. "Kung makikipaghiwalay ka. Hindi kita pipigilan." dagdag pa ni Lynixie at pinahid ang luha sa pisnge.

Ngumiti si Mark at binuhat siya upang mapaupo sa kandungan nito. Hinaplos nito ang pisnge niya.

"I love you, baby Haine." hinalikan siya nito. "Hindi man ako ang nakauna sa iyo. Tanggap parin kita. Hindi ko naman batayan ang Virginity para sa pagmamahal ko sayo. Kung hindi man ako ang nakauna, ako naman ang huli na sayo" ngumiti ito.

Yumakap sa leeg ni Mark si Lynixie.

"I love you, baby" sabi ni Lynixie.

"Saka baby Haine. Hindi rin naman ikaw ang nakauna sa akin. Ni hindi ka nagtanong sa akin. Tinanggap mo rin ako" sabi ni Mark at hinalikan siya ng matamis.

"Baby, I want you" sabi ni Lynixie at sumubsob sa leeg ni Mark at pinaghahalikan nito ang leeg nito.

......

TATTOO ARTIST : MARK OCAMPOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon