ARROGANT TATTOO ARTIST 18

1.5K 51 5
                                    

"So what's the plan ?" Tanong ni Bettie.

Breaktime nila  ngayon and this time is their free time. Itong oras nila naisip para magkita-kita. Nasa garden sila may fountain at may mga vacant seats dito para pwede mag relax ang mga students.

"Wait, wala pa si Sam ?" Sabi ni Lynixie. At nilibot niya ang tingin.

"Nasaan nga pala iyong babaetang empaktang iyon?" Sabi ni Bettie.

"Pupuntahan daw niya si Prof. Soliman " Sabi ni Elosah.

"Soliman? You mean yung heart trapped proffy!!"Si Bettie.

"Yeah, si Allen "sabi ni Lynixie.

" Bakit Allen lang ang tawag mo kay Prof?"Elosah ask to Lynixie.

"Hmm.. Ayaw niya kasi na maging formal ako sa kaniya and since he is my cousin's friend. Kaya mag kaibigan na raw din kami. Kaya wag daw kami maging formal sa isa't isa kahit dito sa school" Lynixie answer Elosah's question.

"Ahh."yon lang na sabi ni Elosah at dumukdok sa lamesa.

"Pero, bakit naman pala pupuntahan ni Samantha si Sir Pogi- este Prof. Soliman?" Si Bettie.

"Dahil I'm Samantha's friend " napalingon sila sa nag salita.

"Goodmorning po Prof." Bati ni Bettie at Elosah. Si Lynixie naman ngumiti lang.

"Sorry natagalan. May pinag usapan pa kasi kami " sabi ni Samantha at tumabi sa kanila ng upo.

"It's alright Sam" sabi ni Lynixie. "Since nandito ka na rin Allen maki-join kana sa Plan namin na Itigil ang kasal ni Bictorio"dugtong pa ni Lynixie. Napakunot noo si Allen.

"Tigal kasal ni Bictorio ?"tanong ni Allen

"Yah.. That's the name of our plan. So let's start" sabi ni Lynixie. She is really excited to do this.

Nagbulungan si Samantha at Bettie. Tanging mga ito lang ang nakakarinig.

"WHAT?? Legit ba iyan ?" Gulat na sabi ni Bettie na kinatingin ng mga tao sa kaniya. "O? Bakit ano problema ninyo? Tusikin ko mata ninyo?"baling ni Bettie sa mga taong tumingin sa kanila.

"Tumigil ka nga bakla. Basta iyon na yon.Mamaya dadaan ako sa apartmert natin para kuhanin ang mga gamit.Pati ikaw mag impaki ka narin" sabi ni Samantha.

"Ehem .. Care to tell us. Ano pinag uusapan ninyong dalawa? " si Lynixie.

"Hehe..Ok sorry na. Game na. So anong plano? " si Bettie.

"Ganto iyan? Kailangan na may mag kagusto kay Elosah at siyempre magustuhan din niya " sabi ni Lynixie at napatingin kay Elosah na natutulog at nakanganga pa. Napangiwi silang lahat.

"Wag mo na natin gisingin mukhang puyat?" Si Samantha.

Napailing siya. Hindi aakalin na anak ito ng isang mayaman.

"Puyat ka diyan kahit nga sa klase tulog iyan " si Bettie at umirap pa.

"So, yon nga para kapag nangyari iyon. Yong boy na mag kakagusto kay Elosah ipaglalaban siya para hindi matuloy ang kasal " patuloy ni Lynixie. Siya talaga nag isip ng plano.

"Tanong diyan? Paano makakahanap ng lalaki na magmamahal at mamahalin niyan?" Sabi ni Bettie at tinuro si Elosah. Muntik pa itong mangudngud sa lupa kung hindi na sapo ni Bettie."Tingin ninyo ba may magkakagusto dito "nakangiwing sabi ni Bettie kay Elosah na nahihirapan siyang iaayos ng upo.

" It's doesn't matter the looks, because if you love someone unconditionally .You will accept him or her personality .Even her/his status "si Allen.

Napapalak silang lahat. Pati si Elosah pumalakpak kahit hindi alam kung bakit ? At balik ulit sa pagkakatulog.

"Ikaw ba iyan Allen ?.. Ang badoy hah!"natatawang sabi ni Lynixie.

" Wala na itong pag asa" naiiling na sabi ni Bettie.

" Looks? Hindi naman masiyadong problema ni Elosah iyan. She is pretty basta ayusan lang siya "si Lynixie. Magaling siya sa make over chimirot na yan.

" Tama totoo iyan, Lynx "sang ayon ni Samantha.

"So our next operation is Make Elosah  a lady "si Lynixie. At nag appear silang dalawa ni Samantha. Si Bettie naman na pasimangot.

She is imagining what will happen to their operation.

...............

"Oy! tulala ka" sabi ni Kiel.

Sinamaan ito ng tingin ni Mark saka uminom ng alak. Nasa Resort kasi sila ngayon. Inaya siya ni Kiel na mag chill dahil puro na lang daw sila trabaho kuno. Nasa dalampasigan sila. May Kubo  na pahingahan doon at doon sila nag iinuman.

"Pre, hindi ko alam. Kung ano ang nangyayari sa akin" sabi ni Mark.

Ilang gabi na siya hindi pinapatulog. Kakaisip kay Ms. Tiger. May pakiramdam kasi siya na ang babae na nakita niya noong isang araw ay si Ms. Tiger. Hindi niya alam bakit hindi niya nagawang kuhanin ang number nito. Bigla kasi siyang natulala.

"What do you mean?" uminom si Kiel ng alak.

"Kasi hanggang ngayon. Hindi ko makalimutan si Ms. Tiger" sabi ni Mark at napahawak sa noo. Naglagay siya ng alak sa baso at straight na ininom.

"Seriously, Brad?" natawa si Kiel. "Ilang buwan na ang nakalipas ah!" dagdag pa nito.

"I know, pero brad. Yong babae na nakita ko nung isang araw. Pakiramdam ko siya iyon. Pre ang ganda, makalaglag brief" sabi ni Mark.

Sobra talaga siyang tinamaan kay Ms. Tiger. Hindi na nga niya naiisip na may gf siya. Iyon din ang pinuproblema.

"Patay tayo diyan!" sabi ni Kiel at tinapik si Mark. "Wag mong sabihin na na fall out of love ka na kay Lynixie, because of Ms. Tiger. Malaking gulo iyang pinapasok mo? binantaan ka na ni Zander. Alam mo namang hindi nagbibiro iyon" tama ang sinabi ni Kiel.

Zander really love his cousin Lynixie. Kaya binantaan siya nito na pagsinaktan niya ulit si Lynixie. Kalimutan na lang nila ang pagkakaibigan nila. Ayaw naman niya mangyari iyon. Kahit naman seryuso ito at snobber. Maasahan naman ito at totoong kaibigan sa kaniya.

"I know, Pare. Pero nakaka-frustrate lang kasi. Alam ko na mahal ko si Lynixie, pero biglang nahahati ang nararamdaman ko pag naalala ko si Ms. Tiger. She is really a mystery" sabi ni Mark.

"Hindi iyan pwede brad na dalawa ang mahal mo. May mas matimbang iyan sa dalawa. Hindi iyan parang sex lang na pwede threesome or orgy. Isa lang ang puso mo" sabi ni Kiel.

"I know, hindi kasi matahimik ang isip ko. Hanggat hindi ko siya mahanap"sabi ni Mark.

"Kumusta naman kayo ni Lynixie?" tanong ni Mark.

"We're fine. I guess" sabi niya.

"Guess?" napakunot noo si Kiel. "Why? may LQ kayo?" natawa ito.

"Hindi ko alam. Lately kasi naging malamig sa akin" sabi ni Mark.

"Baka naman halata na niya ang kilos mo" sabi ni Kiel.

"Tingin mo, pre?" tanong niya. Bigla siyang kinabahan ng maisip na baka hiwalayan siya ng dalaga.

"Paano pag nakipaghiwalay si Lynixie sayo? kaya mo ba? Tapos magkita kayo ni Ms. Tiger. Susuyuin mo ba siya or mas kikilanin mo na lang si Ms. Tiger"

Nag isip siya. He can't choose.

"Ano sagot?" natatawang sabi ni Kiel at tinuktok ang baso sa table.

"I can't choose" amin niya.

"Tangna mo, Ocampo. Makauwi na nga. Mababaliw ako sayo" natatawang sabi ni Kiel at linayasan siya.

.......
A/N: Napipikon ako kay Mark ahahah.

TATTOO ARTIST : MARK OCAMPOWhere stories live. Discover now