ARROGANT TATTOO ARTIST 23

1.7K 49 6
                                    

Madalas na dinalaw ni Lynixie si Samantha. Simula ng malaman nilang buntis ito. Si Elosah naman biglang nawala. But she know kung sino ang sinamahan nito. Kaya si Bettie tuwang-tuwa dahil natigil na naman ang kasal.

"Alam ninyo na ba ang gender Sam?" Tanong ni Lynixie. She really excited to see her future baby.

"Hmm.. Hindi pa. Ang sabi kasi ng pinsan mo wag na daw namin alamin hanggat hindi pa ako nanganganak para exciting lalo" sagot ni Samantha habang kumakain ng Patani.

"Penge ako Ate Girl" sabi ni Bettie at akamang dudukot ito ngunit tinampal ng kamay ni Samantha ito at inirapan. Natawa si Lynixie.

"Bakla may balita na ba kung saan nagpunta si Elosah?" Tanong ni Samantha.

Lumapit sa kay Sam si Felix. Ang aso ng pinsan niyang si Zander.

"Wala parin sobrang nag aalala na nga yung family niya" malungkot na sabi ni Bettie at hinaplos ang balahibo ni Felix.

"Pero napansin ko bago siya mawala bigla. Lagi siyang tulala as in. Hindi na siya natutulog tulad ng ginagawa niya ." sabi ni Lynixie at uminom ng fruitshake. "Tapos lately laging nagtatanong sa akin si Cousin Axyn about her. Like kung nahanap na raw siya. Minsan weirduhan ako sa kaniya dahil mukha talaga siyang concern " dugtong pa ni Lynixie. Siyempre emerot lang talaga niya yon. Kasi alam naman niya galawan ng pinsan niya.

"Hmm.. Ah-hah!.. Hindi kaya may something sila, kasi kapag pinag uusapan natin si Fafa Axyn lagi siyang namumula at biglang dudukdok " sabi ni Bettie at ngumiti.

"Baka nagkataon lang" sabi ni Samantha at nagpatuloy sa pagkain.

"Pero hindi talaga" sabi ni Bettie. "Ay! Bahala na siya babalik din iyon. Dati kasi bigla din siyang nawala. Tapos parang kabute na malalaman ko na nag aaral siya same as the University na pinag aaralan ko. "dugtong pa nito.

Observant din talaga si Bettie..

"Baka meant to be talaga kayo. Biruin mo naglayas siya tapos magkikita kayo kahit mo siya hinanap. Kaya hindi ako magtataka kung matutuloy ang kasal"nakangiting sabi ni Samantha.

Alam niyang inaasar na naman ni Sam si Bettie. At sana na lang huwag ito ang paglihian.

"Duh! Meant to be? kasuka mas gusto ko siyang maging kaibigan kayasa maging ka-ibigan" sabi ni Bettie at umirap.

"Sam magpababy shower kaya tayo"sabi ni Lynixie.

"Ewan ko lang kung papayag si Zander. Gusto niya kasing suprise"sabi ni Samantha.

"Kailan ba kasi uuwi si Fafa Zander?" Tanong ni Bettie.

"Sabi niya ngayon daw uwi niya. Baka mga gabi pa iyon umuwi " sagot ni Samantha.

Mag one week na kasing nasa ibang bansa si Zander for seminar sa mga doctor kasama si Axyn. And since their famous at may ari pa ng sikat na hospital kaya invited sila sa seminar bilang guess.

"Ilan months na ba ang tiyan mo?" Tanong ni Lynixie.

"Hmm five months na " sagot ni Samantha at hinimas ang tiyan na medyo malaki na. "Naalala ko pa dati nung nagtatanung si Zero kung kailan siya magkakaroon ng kapatid, kasi gusto niya ng kapatid. Kung kailan meron na saka pa siya nawala." dugtong pa nito at napaluha.

Talagang mga buntis ay emosyonal. Kaya expect na rin ni Lynixie na pagnabuntis siya ay ganto.

Wait.. When was my last menstruation?

Bigla siyang napaisip. Hindi naman kasi siya nag take ng pills ng may mangyari sa kanila ni Mark. Bigla tuloy siyang kinabahan.

"Shh.. Wag ka ng umiyak makakaapekto pa iyan sa anak mo " pag aalo ni Bettie.

Naawa siya kay Sam. Dahil hindi naman talaga biro mawalan ng anak. Kahit man siya hindi pa rin maka get over sa pagkamatay ng pamangkin niya.

"Sorry baby, Naalala ko lang kasi si Kuya mo eh" kausap ni Samantha sa tiyan nito.

"Kung nasaan man siya ngayon masaya siya kasi may kapatid na siya" sabi ni Lynixie.

She hope that Zero is in heaven.

"Oo alam ko kung na saan man siya masaya na siya." sabi ni Samantha at napatingin sa picture frame na may picture ni Zero.

Nagring naman bigla ang phone ni Lynixie.

"Wait lang ah. Sasagutin ko lang ito" paalam niya saka nagtungo sa terrace.

"Yes?" tanong niya.

["Tiger, may naglabas kay Ms. Nutella sa Mental Institute"] sabi ni Kenderson.

"Pano? diba sinigurado na hindi basta makakalabas yong baliw na babae na yon" inis na sabi ni Lynixie. Kung hindi lang pinasa sa iba ang mission. Matagal na niya pinatay ang baliw na babae na yon.

["Isang babae ang naglabas dito"]

"Who?"

["France Escobar"]

(A/N: comment kayo kung may nilagay akong apelyido ni France ah para maedit ko agad)

"France?"

["Nag aaral siya sa Muller University ngayon. Maimpluwensiya rin ang Pamilyang Escobar kaya nagawan ng paraan ni Ms. Escobar na palabasin si Ms. Nutella"]sabi ni Kenderson.

"Sige, pagpatuloy mo lang ang pagmanman kung saan siya dadalhin. Saka tayo gagawa ng hakbang" desidido na si Lynixie na sumuway sa kautusan ng organisation para kila Sam. Saka matagal na rin siyang inis kay Nutella.

["Woah! sigurado ka. Baka maaprusahan tayo niyan"]

"Natatakot ka ba? kung gusto mong umatras. Umatras ka na ngayon. Ako na lang gagawa" seryusong sabi ni Lynixie.

["Its actually good sometimes to disobey the rules. Nandito na saka pa ako aatras. Sasamahan na lang din kita pag mapaparusahan na."]

Tumawa si Lynixie.

"Ayieee.. may crush ka siguro sa akin no?" pang-aasar niya.

["Tsk.. Wala. Saka baka nakakalimutan mong may utang ka sa akin. Tapos hanggang ngayon. Pinagbabantaan ako ni Kuya Mark"] sabi ni Kenderson.

"Pinagbabataan na?"

So hanggang ngayon pa rin pala.. mapait siyang napangiti.

["Dahil sa fiancé mo ako kuno sa Ms. Tiger effect mo"] halata sa boses nito ang irita. Kaya natawa siya.

"Hoy! ate Nerd. Kalandian mo na naman. Boyfie mo no? masayang-masaya" sabi ni Bettie. Malayo kasi ang mga ito sa kaniya. Kaya hindi rinig.

"Oo" sagot na lang niya para walang issue.

["Oy! baka ikaw may crush sa akin. Sige ok lang pag iisipan ko pa kung e-crush back kita"]

"Aba't ang yabang mong hudyo ka ha!" sa inis niya pinatayan niya ito.

"Nako LQ" sabi ni Sam.

Umupo siya sa sofa at nakasimangot na kumuha ng patani. Hindi naman nagreklamo si Samantha.

...........

A/N: Hello sorry for late update. Minsan kasi na writer block ako hehe. Kaya pagpasensiyahan nyo na ako.

Be blessed and Enjoy reading

TATTOO ARTIST : MARK OCAMPOWhere stories live. Discover now