ARROGANT TATTOO ARTIST 11

1.5K 41 0
                                    

"Sam!" tili ni Lynixie at tumatakbo papalapit kila Sam. Nakaupo ito sa ilalim ng puno.

Excited kasi siyang sabihin dito na tutulungan ito ng pinsan niya para makakuha ng trabaho.

"Ohh.. Dahan-dahan lang. Mababangasan ang maganda mo'ng mukha" sabi ni Bettie.

Muntik kasing madapa si Lynixie. May pagka clumsy kasi siya minsan. Lalo na pagnagmamadali.

"I have a news. Tutulong daw si Cous' para magkawork ka na?"
Tuwang-tuwa na sabi ni Lynixie.

Siyempre, gusto niyang makatulong sa kaibigan. Dahil gusto niyang gumaling ang anak nito na super cute. Gustong-gusto niya kasi sa mga bata. Pero iba talaga pagdaying sa anak ni Sam, parang may lukso ng dugo.

"Salamat Lynixie" sabi ni Samantha at niyakap ang dalaga.

Hindi niya alam bakit ang gaan ng loob niya kay Samantha. Marahil dahil mabait itong tao. She really deserve the help from her.

"Ay! Kaiingit" nakabusangot na sabi ni Bettie. Natawa sila ni Samantha. Kaya  inaya nila ito na mag group hug sila.

"Anong amoy iyon?" Tanong ni Samantha at naghiwalay na sila sa pagkakayakap.

Ang amoy ay parang kanal na may halong naipon na pupo ng isang buwan. Ew!! Its gross..

"It's disgusting" sabi ni Lynixie habang nakatakip ang ilong ng panyo. Ayaw pa naman niya ng ganong amoy para siyang masusuka.

"Umutot kasi ako hihihi"sabi ni Bettie.

Abay tuwang-tuwa pa ang luka.

Nabatukan ni Samantha ang tumatawang si Bettie. Talagang mag best friend ang dalawa. She is really happy na maging kaibigan ang dalawang ito.

"Bwiset ka! Alam mo namang parang kanal ang utot mo eh"inis na sabi ni Samantha.

"Kadiri ka Bettie" natatawang sabi ni Lynixie.

"Sorry mga best hindi na keri eh. Kaya pinasabog ko na. FYI, isang linggong stuck yan kaya boom! Sobra ang pasabog. It's killing you sofly" joke na sabi ni Bettie.

Si Samantha at Lynixie ay tawa ng tawa sa sinabi ni Bettie. Kahit kailan talaga mahilig magpatawa ang bakla.

Kaya sandali niyang nakalimutan ang tampo para kay Mark. Hindi kasi ito nag text or tumawag man lang matapos nilang mag-usap. Napabuntong hininga na lang siya. Kaya minsan maganda rin na may mga kaibigan siya. At salamat na rin ang nakilala niya sila Sam. Totoo kasing mga kaibigan ito kahit mahirap ang buhay.

"Hmm.. Change topic na. Saan OJT mo Samantha?" Sabi ni Lynixie. Nakwento kasi nito na mag OJT na ito. Siya kasi ilang tao ba ang bubunuin niya para sa Law course niya.

"Hmm.. Sabi kasi ni Prof sa Muller General Hospital " sabi ni Samantha.

"Oh.. Doon nakatuka ang Cousin ko baka magkita kayo doon " sabi ni Lynixie at ngumiti.

Baka magkita pa ito ng pinsan niya. Hindi niya alam, pero gusto niya na magkakilala ang pinsan niya at si Samantha, para kasing perfect combination.

"Siguro, ang magiging tuka ko daw doon is Assistant nurse"sabi ni Samantha.

"Ate Girl, baka nextweek magpapaalam ako sa mga prof kasi pinapauwi ako ni Papa" si Bettie.

"Oh! Hindi ba pwedeng sa sembreak na lang" si Samantha na halata ang lungkot.

"Sinabi ko na iyan kaso sabi niya urgent daw, dahil hmm.. Paano ko ba sasabihin ito.."sabi ni Bettie.

"Ano yon?" sabay na sabi nila ni Sam.

"Dumating na kasi iyung babae na ipapakasal sa akin" sabi ni Bettie at kumagat sa labi.

"WHAT??" sabi nila ni Samantha. Nakakagulat naman talaga kasi. Marahas na tumango si Bettie.

"Ano gagawin ko?" Sabi ni Bettie while bitting his nails. "Ayaw ko makasal sa kaniya "inis sabi ni Bettie.

Hindi niya maimagine na ikakasal si Bettie sa babae. Parang ang sagwa.

"Ito ba yong kinukwento mo sa akin dati. Kaya ka lumipat dito sa Manila dahil sa babae na iyon" si Samantha.

"Gosh! Bakla, I can't imagine you are wearing a barong or suit, Kadiri" si Samantha na nakangiwi.

"Duh! Ako din no! Mas gusto ko, ako magsusuot ng gown" nandidiri na sabi ni Bettie.

"Hmm.. Kailangan natin magplano" si Lynixie at inayos ang salamin. Gusto niyang tumulong kay Bettie. Kahit sino naman kasi ayaw makasal sa taong hindi nila gusto.

"Hmmm.. Let's make a operation. 'Tigil kasal ni Bictorio' " si Samantha. Nagkatinginan sila.

"Paano?" Si Bettie na parang hindi matae ang itsura..

"Lapit kayo guys!!" sabi ni Samantha. Lumapit naman silang dalawa ni Bettie.

"Oh!! Sige" si Lynixie at nakangiti.

"Effective ba?" Si Bettie.

"Ayaw mo ba? kasi kung ayaw mo ang huling option mo ay umamin sa Papa mo " sabi Samantha na parang inaasar si Bettie.

"Sige na payag na ako" sabi ni Bettie. Nag appear silang tatlo.

Excited siya sa "Tigil Kasal ni Bictorio" operation.

......

A/N: Hello hehehehe..

Sino nakakaalala dito?

TATTOO ARTIST : MARK OCAMPOWhere stories live. Discover now