Chapter 2

78 8 0
                                    

Zailla POV

Pinalibot ko yung paningin ko sa buong lugar para hanapin kung san nang gagaling yung ingay at tumapat Ito sa bandang likod ko.

Maraming estudyante, puro lalaki at base kung tititigan mo sila para silang mga tambay sa kanto! Kinabahan ako kase mayroon silang mga tattoo! Baka Ito na yung grupo nung Rizzo na sinasabi ni Conlee?

"Shit!" Mura ko habang nag lalakad ng dahan dahan paalis sa lugar nayon na nasa likod parin yung paningin.

Binilisan ko yung pag lalakad ko habang nakatingin parin dun sa grupo nung Rizzo habang hinahagilap Naman ng kamay ko yung cellphone ko sa bag para tawagan si mommy.

"Nasan naba kasing cellphone yan! Kung kailan kailangan tsaka naman di makuha tsk." Sabi ko habang busy parin sa pag lalakad ng mabilis at tagilid yung katawan para makita yung grupo nung Rizzo.

Habang busy sa pag hagilap nung cellphone ko bigla namang tumingin saken yung isang lalaki na parang adik kase ang raming hikaw sa tenga!

Biglang nanlaki yung mata ko. "Hala!" Ang nasabi ko habang binibilisan na yung paglalakad kase nakita kong bumaling siya sa mga kasamahan niya. yung lalaking naka kita sakin at lahat sila nagsipag tinginan na saken.

Bakit parang wala ng estudyante dito?Tanong ko sa isip ko habang pinapalibot yung paningin. Pero Wala na talaga kong makita kahit isang estudyante.

"Mag aalas sais palang naman ah? Nasan naba si mommy?" Bulong ko pa kase papalapit na ng papalapit yung grupo nung Rizzo saken.

Mas binilisan ko pa yung pag lalakad pero dead end na. "Hala! Bakit wala ng daanan dito?" Bulong ko.

Habang nag hahanap ng pwedeng matakbuhan biglang may nag salita sa likod ko.

"Hi miss" bigla pakong napalundag sa boses niya. Ang laki nung boses niya!Pero nakatalikod parin ako kase ayokong makita nila yung itsura ko.

"Nag iisa ka yata miss?" Sabi nito ulit pero  ibang boses na. Di parin ako humaharap sa kanila.

"Naliligaw yata Brad." Bulong naman nung isa pero narinig ko parin.

"Miss humarap ka naman samin, di naman kami nangangain ng tao eh, hahahaha" Sabi pa nung isa at nag tawanan sila.

Dahan dahan akong humarap sa kanila pero tinanggal ko muna lahat ng emosyon sa mukha ko.

Di nila kailangang makita yung takot ko kase pwede nila yung gamitin para gawan ako ng masama.

Pinag masdan ko silang lahat.  walo sila at kung pagmamasdan mo para silang mga hindi estudyante sa itsura nila.

May mga gusot yung uniform at yung iba marami pang hikaw sa tenga. Tiningnan ko sa mata yung nasa unahan nila. Yung kaninang mga tumatawang itsura nila ngayon lahat  seryoso na.

Bigla naman akong ngumiti.

"Pwede niyo bang ituro saken kung saan yung daan paalis dito?" Peke ang ngiti na sabi ko.

"Oo naman miss. halika sumama ka samen" naka ngising sagot nung isa saken. Ngumiwi ako sa itsura niya pero diko yun pinahalata.

Humakbang ako kaya bigla silang nahati sa tag apat. Tumingin muna ko sakanila bago pinag patuloy yung pag lalakad ko.

Habang nag lalakad nararamdaman ko sila sa likod ko na nakasunod saken. Mga wala silang imik pasimpli ko naman na tiningnan yung relo ko 6:30 tsk.

Pinag masdan ko yung paligid naka lampas na pala ko ng gate. nandito kami sa parang iskinita. "Pano ko napunta dito?" Bulong ko sa sarili ko.

Me And My Troublemaker BoyfriendWhere stories live. Discover now