Tagaktak ang pawis sa aking noo at sa aking buong katawan. Mababakas ang pagod sa aking mukha habang umiindayog ang aking katawan habang sumasabay sa saliw ng musika. Napatigil kami sa pagsasayaw nang biglang huminto ang tugtog.
"Napakalamya ninyo!paano kayo mananalo kung ganyan ang mga galaw ninyo? " napatalon ako sa gulat ng biglang sumigaw ang aming baklang choreographer na tinatawag naming teacher GG (Pronounce as JiJi).
"dalawang linggo na lang ang practice ninyo at tutungo na tayo sa Manila. Madami kayong makakalaban at siguradong magagaling din sila. Huwag kayong makampante hindi pa kayo magaling!" Pagalit niyang sabi sa amin at tsaka pinatugtog ulit ang remix music na sinabayan na namin ng sayaw.
Bata pa lamang ako ay hilig ko na talaga ang pagsasayaw . Hindi naman sa pagmamalaki ngunit lagi akong ipinapanlaban ng aking paaralan sa mga dance competition mapaballroom , danceport, contemporary o hiphop man. At ngayon nga ay nagiinsayo kami para sa competition na sasalihan ng aming school sa Manila. Sobrang pili ang mga kasali dito at sinigurado na magagaling talaga . 15 kami sa grupo , 10 lalaki at lima kaming babae. 3 category ang contest. Una ay hiphop , sunod ay danceport at pangatlo ang contemporary. Hiphop ang sinasayaw naming ngayon. Sa pagtatapos ng sayaw ay pumalakpak na si teacher GG.
"magaling! Kailangan pa pala kayong pagalitan para umayos kayo , oh siya! Sige na . Magligpit na kayo at tapos na ang practice .bukas na ulit"
Hindi ko talaga lubos na maintindihan kung bakit sya ang choreographer namin. Kasi naman diba? Bakla sya tapos hiphop yung tinuturo niya. Well, hindi lang naman sa hiphop, siya rin kasi ang nagtuturo sa danceport. Noong umpisa pa lang nagdududa na kami kung bakit sya ang kinuha ng school na magturo sa amin pero lahat kami ay nagulat at namangha dahil napakagaling nya magturo at napaka unique ng mga steps nya. Hindi ko talaga inexpect na ganun ang mangyayari kasi pagsinabing bakla ay halos puro malalambot na steps ang naiisip at pakending kending ang itinuturo pero sya ay hindi dahil halos lahat ng uri ng sayaw ay marunong sya. Isa syang master kung maituturing . Pauwi na ang lahat at akmang lalabas na rin ako sa pinto ay bigla akong hinila ni teacher GG.
"hoy Shaira Mesly Sy Quinto ! Sinong nagsabi sayong pwede ka nang umalis ? Halika na at magiinsayo ka pa para sa danceport" sabay kaladkad nya sakin. Ouch! Oo! Kaladkad talaga ang tamang term sa ginawa niya sakin.
Napasimangot ako sa sinabi nya at tinawag pa talaga ako sa buong pangalan ko. Oo nga pala at ako rin ang ilalaban sa danceport category . Hindi ko naman talaga gusto ito ngunit pinilit lang ako ng baklang to dahil wala na daw mas magaling kaysa sakin dito sa school.
"kuya pagod na pagod na ko , bukas na lang yang danceport. Maawa ka naman sa maganda mong pinsan" pagmamakaawa ko sa kanya.
"yuck Shaira , wag mo nga ako matawag tawag na kuya kung ayaw mong palayasin kita sa pamamahay ko" naiinis nyang sabi sakin. Bahay niya? eh bahay ko kaya yun!
"hoy! Gielson Gray Sy . Bahay ko yun at sakin nakapangalan yun noh?"Umismid lang sya at inayos ang speaker .
Oo, pinsan ko tong baklang to . Hindi naman talaga kami noong mga bata kami dahil di kami magkasamang lumaki. At dahil nga sa isang pangyayari ay doon na siya tumira sa bahay namin . Ngayong grade 12 na ako at 4 na buwan na lang magka college na sinabi nyang kailangan kong salihan ang danceport dahil isa sa mga premyo ay scholarship sa college. Hindi naman kami mahirap pero hindi rin mayaman sapat lang na makasurvive sa pang araw araw na gastusin kaya pumayag na rin ako. Grab the opportunity nga diba? Dumiretso nalang ako sa cr para magpalit ng damit bago pa umusok ang ilong ng baklitang yun. .
"Shaira nandito na ang partner mo . Bilisan mo na , at baka gabihin tayo sa pag uwi"
"opo , kuya! Hahaha" natatawa kong sabi. Naiimagine ko na umuusok ang ilong nya dahil sa inis. Ayaw na ayaw nya na tinatawag syang kuya. Sayang ang gwapo nya pa naman . Sayang ang lahi nya. Hindi na ko magkakaroon ng pamangkin dahil since birth ay sirena na talaga sya.
YOU ARE READING
I Love you TWO! (Boystown Series #1)
RomanceAng buhay ni Shamie ay parang isang sayaw. Isang sayaw na sa simula ay Ganado ka pero makakaramdam ka rin ng kaba dahil hindi mo alam ang susunod na mangyayari. Sa pagpapatuloy ng sayaw ay maaari kang madapa, matisod, matapilok at magkamali. Hindi m...
