Chapter 29

10.9K 187 0
                                    

Marissa's P.O.V.

Tatlong araw na ang nakalipas at tahimik pa rin si Sean. Nakakausap ko naman s'ya at nakakasabay ko rin s'yang kumain. Pero pakiramdam ko ay sobrang layo n'ya. Lagi s'yang seryoso at nagsasalita lang kung meron akong tanong. Ang lahat ng atensyon n'ya ay nakatuon lang sa pag-aaral namin. Doon lang at walang iba.

Hindi ko na rin s'ya nakakasabay sa pag-uwi dahil meron daw s'yang pupuntahan. Matatagalan daw s'ya at gagabihin. Hindi na rin ako namimilit na sumama sa kanya, kung saan man s'ya pupunta, dahil masyado s'yang seryoso. Baka magalit na naman s'ya kapag nagpumilit pa ako.

Tanghalian na at kasalukuyan kaming kumakain. Heto na naman s'ya at tahimik lang sa tapat ko. Hindi rin kami nagkasabay kaninang umaga. Minsan nakakasabay na n'ya ang professor namin na pumasok. Mabuti na lang at hindi s'ya nahuhuli.

Habang ngumunguya ay napalingon ako sa mga tao dito sa canteen. Napadpad ang tingin ko kay Jenny. Nakatingin na naman ito kay Sean. Bakit pakiramdam ko ay meron itong kinalaman kung bakit ganito umasta si Sean ngayon.

"Mauna na muna ako Marissa."

Nilipat ko ang tingin ko kay Sean na tapos na kumain. "Sige." Tinanguan ko s'ya.

Tumayo s'ya at dinala ang bag n'ya. Naglakad s'ya hanggang sa makalabas na s'ya ng canteen. Muli akong napatingin kay Jenny na ngayon ay sinusundan ng tingin si Sean. Tumayo ako at kinuha ang bag ko. Lumipat ako ng upuan at umupo sa tapat ni Jenny. Napalingon naman s'ya kaagad sa'kin.

"Ikaw pala." Aniya na halatang nagulat.

"Pwede ba kitang makausap?" Tanong ko kaagad sa kanya.

Tumango naman s'ya.

"Ang weird kasi ni Sean nitong nakaraan." Panimula ko. "Kinausap mo ba s'ya o ano?" Hindi naman siguro ako mukhang imbestigador ngayon.

Napakunot ang noo n'ya, halatang naguluhan sa tanong ko. "Ano ulit?"

"I mean, kailan kayo huling nag-usap?" Tanong ko.

Sandali s'yang napaisip. "Dito sa canteen, noong kasabay mo s'yang kumain." Sagot n'ya.

Naalala ko pa ang araw na 'yun. Noong hindi man lang s'ya pinansin ni Sean. "Pero hindi mo na s'ya nakausap ulit? Kahit sa chat?" Dagdag na tanong ko.

Muli s'yang umiling. "Hindi na. Mukhang ayaw n'ya na nga akong pansinin."

Tumango-tango ako. "Pero bakit lagi kang nakatingin sa kanya?" Tanong ko pa.

Hindi ko alam kung bakit pati 'yun at tinanong ko pa. Ano naman ngayon kung lagi s'yang nakatingin kay Sean?

Napayuko s'ya at umiwas ng tingin. Hindi n'ya rin ako sinagot.

"Buntis ka ba?" Hindi ko alam kung saan galing ang tanong kong 'yun. Basta na lang itong lumabas sa bibig ko.

Muling napaangat ang tingin n'ya sa'kin. "Hoy hindi ah!" Medyo napalakas ang boses n'ya.

"Ay sorry." Kaagad na sabi ko.

"Ayoko pang mabuntis."

Pinanliitan ko s'ya ng mga mata. "Pero bakit ka laging nakatingin sa kanya?" Tanong ko ulit. Pakiramdam ko kasi ay meron s'yang gustong sabihin kay Sean.

Ngumiti s'ya ng kaunti. "Wala lang. Crush ko kasi s'ya."

Crush lang at 'yun na 'yun? Wala s'yang kinalaman kung bakit hindi ko naiintindihan ang best friend ko ngayon. At kaya s'ya pumapayag sa no strings attached sex dahil crush n'ya ito?

Tumango-tango ako. "Ganoon ba?"

"Bakit mo pala natanong?" Tanong n'ya.

Umiling ako. "Wala lang, natanong ko lang. Lagi ka kasing nakatingin sa kanya sa tuwing nakikita kita."

Ngumiti s'ya ng pilit at umiwas ng tingin.

"Mauna na ako. Pasensya ka na sa abala." Sabi ko. Tinanguan n'ya ako at saka hinayaang makaalis.

Pumunta na ako sa next subject namin at wala pa si Sean. Saan ba s'ya pumunta at bakit wala pa s'ya dito. Samantalang nauna s'yang umalis kanina sa canteen. Pero sabagay, hindi n'ya naman sinabi kung saan s'ya pupunta.

Nakita kong pumasok ang classmate ko na si Kevin. Napatingin s'ya sa'kin at lumapit saka umupo sa tabi ko.

"Uy Marissa."

Nilingon ko s'ya. "Ano?"

"Ang sungit mo naman." Aniya at napanguso.

"Ano ba kasi 'yun?" Tanong ko pero mahinahon.

"Punta kayo ni Sean sa birthday ni Isaac ngayong sabado."

Si Isaac ay classmate namin at kaibigan n'ya. Naging classmate ko rin ito noon. Madalas rin kami nitong iniimbita ni Sean tuwing birthday nito.

"Paano naman ako magtitiwala sa taong katulad mo?" Tinaasan ko s'ya ng isang kilay. Baka nakakalimutan n'ya ang araw na muntik n'ya na akong hipuan.

Itinaas n'ya ang dalawa n'yang kamay. "Easy, hindi ko na uulitin 'yun, pangako. At kung mauulit man 'yun, suntukin mo ako ng malakas."

Magsasalita na sana ako pero muli s'yang nagsalita.

"Pero hindi ko na 'yun uulitin." Ngumiti s'ya. "Pangako."

Tumango-tango ako. "Okay." Sagot ko. "Pero sana hindi tayo busy. Dahil kapag nagkataon, hindi ako pupunta."

"Ano pa nga ba?" Aniya at umiling-iling. "Sana lang hindi tayo busy. Pero sigurado naman ako na merong pupunta."

Ngumiti lang ako at hindi na umimik pa. Napalingon ako sa pinto nang bumukas ito at pumasok naman si Sean. Napatingin s'ya kaagad sa katabi ko na si Kevin.

"Kailangan ko na lumipat." Saad ni Kevin at tumayo. Lumipat na rin s'ya sa pwesto n'ya.

Naglakad naman si Sean papunta sa tabi ko at umupo.

Nilingon ko s'ya. "Sean." Tawag ko kaagad sa kanya.

Nilingon n'ya rin ako. "Hmm?"

"Pupunta ka ba sa birthday ni Isaac?" Tanong ko sa kanya. "Nag-aya kasi si Kevin."

Sandali s'yang nag-isip ng isasagot. "Baka hindi."

Nadismaya naman ako sa sagot n'ya. Bakit hindi s'ya pupunta?

"Bakit?" Tanong ko.

"Baka may pupuntahan ako sa sabado." Sagot n'ya.

Tumango-tango naman ako at hindi na umimik pa. Ayaw ko naman s'yang kulitin. Kung ayaw n'yang pumunta, baka ako na lang ang pupunta.

"Ikaw pupunta ka ba?" Tanong n'ya.

"Kapag hindi busy." Sagot ko at ngumiti ng kaunti.

Tumango lang s'ya ng isang beses at hindi na nagsalita pa. Hindi na rin ako nagsalita at hinintay na magsimula ang klase. Palihim akong napabuntong hininga sa kinauupuan ko. Ang totoo niyan, miss ko na ang dating Sean.

Friends With Benefits (R18) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon