Wala lang ito. 

Ang hirap naman kasi. Pinigilan ko naman ang sarili ko, pero bakit parang lalo akong nahulog? Bakit ba ako umaasa sa simpleng salita at kilos niya? 

Ang tanga-tanga naman, Daisheen! Hindi ka na high school para hindi mo malaman na kaya lang siya mabait sa'yo dahil kaibigan mo nga yung taong gusto niya! Paulit-ulit nalang tayo rito eh! Bahagya ko pang sinabunutan ang buhok ko. 

"May problema ka?" Napatalon ako sa gulat nang marinig ang pamilyar na boses sa likuran ko. 

Kakatapos ko lang maligo at magpalit ng damit. Ngayon ay nasa sala ako habang naiinis kahit na wala maman nakakainis sa pinapanood ko. Tiningnan ko kung saan nagmula ang boses tiyaka ako napairap. 

"Buti wala ka sa SAMCIS?" pang-aasar ko sakaniya. Nagmake face lang si kuya Nathan. 

"Daisheen!" Nagulat ako sa pamilyar na boses ang lumabas sa kusina. Kaagad akong napangiti at tumakbo para mayakap siya. 

"Ate Nathalie! Bakit hindi mo sinabi na ngayon ang uwi mo?" Masayang tanong ko sakaniya. Halos anim na buwan kaming hindi nagkita, naging busy siya sa pamamahala sa kumpanya nila. 

"Hanggang New Year na ako rito no!" Tiyaka kami umupo sa sofa. Nakasimangot lang naman sa amin si kuya Nathan "I miss the cold breeze of Baguio!" Niyakap pa ni ate Nathalie ang sarili niya. 

Marami kaming napagkuwentuhan ni ate Nathalie, syempre nakikisingit din si kuya Nathan nasabi na nga niya ang christmas lighting sa SLU, pati si Jonas ay nasabi niya rin. 

Sa amin natulog si ate Nathalie, mabuti na lang at kasya kami sa kama ko. Nagtanong-tanong siya tungkol kay Jonas kaya wala akong magawa kung hindi magkuwento, pati ang pagkagusto ni Jonas kay Gail. Hindi ko naman pwedeng sabihin kay Gail dahil baka masira pa ang porma ni Jonas dahil sa akin. Tho, alam ni Iver kaso ayokong nalulungkot siya kapag nakikita niya akong nasasaktan. 

"You know what, you should expect less. Lalo na simula palang pala sinabi na niya sa'yo na may iba siyang gusto," ate Nathalie said habang kumakain kami ng chips. "This is not a level wherein, sinabi niya lang na may gusto siya sa kaibigan mo para maging close kayo." Dagdag pa niya. 

Napanguso ako sa sinabi niya dahil alam ko, ramdam ko sa kailaliman ng puso ko; I'm imagining that thing.

"Pero gusto ko siya e." Pagpilit ko pa. Umiling si ate Nathalie sa akin tiyaka hinawakan ang baba ko para matingnan niya ako. 

"Girl, hindi lang siya ang lalaki rito. Marami kang kilala, marami ka pang makikilala," sabi niya sa akin "Don't lose your worth for a man, kung ayaw niya sa'yo, NEXT!" May pa snap pa siya ng daliri kaya natawa ako. 

"Anyway, hindi ka ba gusto ni Iverson?" Tuluyan akong natawa dahil sa sinabi niya. 

"Huh? Bakit ako magugustuhan non?" Tawa-tawang sabi ko pa "May gusto iyon, ka-course namin kaso hindi namin alam kung anong batch." Sagot ko kay ate. 

Ni hindi man nga sumagi sa isipan ko na may gusto sa akin si Iverson dahil magkakaibigan kami since first year. 

Kaibigan lang talaga ang turing namin sa isa't-isa. 

"Oh. You look good on your story and his story kasi e." Tiyaka niya sinubo ang chips niya. 

Nagmamadali akong lumabas ng hospital. Nakapagpalit na rin ako ng pants at jacket. Naghihintay kasi si Jonas sa labas ng hospital, sabi ko naman sakaniya na kaya kong pumunta mag-isa. Magkita nalang kami roon pero nagpumilit siya. 

"Hi," nakangiting bati niya sa akin. Ngumiti ako tiyaka naghabol ng hininga. "You sure you don't have a class?" Tanong niya.

Hindi ko alam kung swerte ba ako ngayong araw dahil walang prof. Free cut. 

Cry In A Cold City [Baguio Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon