chapter thirty four

Start from the beginning
                                    

"Kadiri ka, 'di kami talo nun."

Agad iniwan ni Phoenix si Lavender nang pagtawanan lang ito. Sa pamumutla ng mukha nito, halatang lasing na lasing na nga ito. Nahagip pa ng mga mata nito ang pagbalik ng babae sa dancefloor, at may kasayaw na ngang ibang lalaki.

Dali-dali siyang umakyat, at hinanap ang lalaki. Itinaboy pa nito ang iilang mga bisitang naghahalikan na.

"P*nyeta, celebratory party 'to, hindi night club." bulong pa ng babae sa sarili.

Bawat pintong nadadaanan nito ay pilit na kakatukin at tatawagin ang pangalan ni Dexter. Nakailan na siya sa mga ito, ang iba pa'y nairita sa presenya nito, anya nila'y naiistorbo sila sa kanya. Wala namang pakealam ang babae at patuloy sa paghahanap.

Hanggang sa mamataan na nga nito ang pagewang-gewang na katawan nito, tumatawa habang kausap si Allan, na kasama si Danielle. Sila'y nasa mismong harapan ng kwarto na bukas ang pinto.

Hindi ito nag-atubiling bigyan ito ng mahinang sampal sa braso, tama lang para makuha niya ang atensyon nito. Agad yumakap ang lalaki nang makita si Phoenix.

"Nix! Miss na kita!"

Agad umalis sa yakap si Phoenix nang maamoy ang alak mula sa damit ng lalaki. "Parang hindi tayo nagkikita sa school. 'Wag kang masyadong uminom, uy!"

"Chill, Phoenix..." tawag ni Allan sa kanya, at isinampay ang braso nito sa balikat niya. "Loosen up! Masyado kang stressed!"

"How can I? Ako ang magda-drive sa inyo pauwi! Tapos mukhang titirik na ang mga mata niyo sa sobrang kalasingan!"

"Hindi 'yan!" sagot ni Allan na ikinatawa ng dalawa. Kumunot ang noo ni Phoenix at pilit initindi kung anong nakakatawa doon sa sinabi ng kaibigan. Lasing na nga talaga ang magkakaibigan.

Saglit na namasyal ang mga mata nito sa kwarto, hanggang mamataan ang malaking kama, kung saan ay may nakahigang babae. Babalewalain sana niya ito, nang biglang magtaka sa sarili kung bakit mukhang pamilyar ang mukha nito.

"Inom na lang tayo sa baba, Nix. Samahan na'ten doon si Lav. Diyos ko, baka mamaya landiin na nun si Evan." suhestyon nito, at ibinulong pa ang huling sinabi nito.

Napangisi siya. Mukha kasing imposible 'yon dahil bato pa sa bato ang lalaki pagdating sa ibang babae.

Maliban na lang kung ikaw si Allison Marcian Carpio.

Nangiti agad ito nang maalala ang naturang babae. Sumagi agad sa isipan nito na hanapin siya at sa kanya na lang makipag-usap, pero hindi nito alam kung paano kakausapin. Agad siyang pinangunahan ng hiya, kaya napilitan na lang itong sumama kay Danielle.

Panandalian siyang lumingon sa kwarto kung nasaan sila kanina, at naabutang pumasok ang dalawa doon, at isinara iyon.

Magsasalita sana siya ngunit naunahan siya ng hila ng babae papunta sa dancefloor. Nagreklamo ito ngunit nalunod lang ang boses nito sa lakas ng musika sa loob ng bahay. Wala itong nagawa kung hindi makisayaw.

Mga ilang minuto ang lumipas nang sumama rin sa dancefloor ang mga nagwaging swimming team. Iilan sa kanila ay kilala ni Phoenix, lalo na't bilang ng babae kung ilan sa kanila ang nagtangkang ligawan siya.

"Uy! Nix!" bati ni Randy, isa sa kanila na lumapit sa kanya.

"Congrats pala!" pabati naman ni Phoenix na bahagyang naisigaw dahil sa lakas ng musika.

"Salamat! Buti pumunta ka?!"

"Napilitan lang ako, no!"

Napangiti naman ang lalaki. "Nakita mo ba Evan?! 'Di man lang pumunta ng dancefloor! Ang KJ!"

Royals: MisfitsWhere stories live. Discover now