Magkasing tangos ang ilong nila at magkasing haba at kapal ang pilik mata at kilay nila. Pero pagdating sa labi ay mas mapula ang labi ni Dereck pero si Jackson naman ay may dimple.

"Jack, this is my Brie. She'll be the mother of my future child. We're still working on it." Tumawa si Dereck. Napansin kong ang 100% na saya ni Jackson kanina ay naging 55% na lang. "Brie, he's Jackson, my favorite cousin." Pasimple akong huminga ng malalim.

"Nice to meet you." Nagtangis ang ngipin ko nang iabot niya sakin ang kamay niya.

"Nice to meet you din." Inabot ko ang kamay ko sakanya at nang magdikit ang mga palad namin ay doon ko lang nalaman na ang dating kuryenteng dumadaloy sa buong katawan ko sa tuwing nagdidikit ang kahit anong parte ng katawan namin ay wala na.

Si Dereck na lang ang nakakagawa no'n.

Nang magsi-upo na kami ay agad silang umorder. Puro sila tsismis pero minsan ay napapatingin sakin si Jackson.

Biglang kumalma ang sistema ko nang umakbay sakin si Dereck. Kusa akong napangiti at tumingin sakanya.

"You okay?" Tanong niya. Tumango lang ako sakanya.

Balak kong sabihin sakanya mamaya ang tungkol sa nakaraan namin ni Jackson. Pero pinanghihinaan ako ng loob. Parang may nagsasabi na 'wag ko na lang sabihin dahil mukhang wala ring plano si Jackson na sabihin 'yon kay Dereck.

"So, gaano na kayo katagal?" Biglang tanong ni Jackson habang nakasandal sa upuan.

"Almost a month." Sagot ni Dereck.

"Almost a month lang? Pero may nangyari na agad sainyo?" Medyo nag-iba ang tono niya. Alam kong napansin 'yon ni Dereck pero hindi na lang niya pinakielaman. "Well, that's how you handle girls."

"But Brie is different. Hindi siya katulad nila Kylie." Sumubo siya ng broccoli. "I owned her." Nagbaba ako ng tingin.

Awkward.

"That's good, then." Nilingon ko si Dereck kaya napalingon din ito sakin at kumindat. Landi nito.

Madaming pagkain ang nakahain kaya todo kain din talaga ako. May malaking crab pa na tingin ko ay favorite nila dahil sabay nilang nilantakan 'yon.

"Restroom muna ako." Paalam ko nang matapos akong kumain nagtaka naman ako nang bigla itong ngumisi.

"Gusto mo samahan kita?" Agad ko siyang inirapan. Siraulong 'to. Balak pa ata akong manyakin sa restroom.

Siguro siraulo na din ako dahil nagawa ko pong tumawa sa sinabi niya.

"Bilisan mo. Baka ma-miss kita." Pucha! Halos madapa pa ako makarating lang sa restroom.

Nakalimutan na ata ni Dereck na nando'n ang pinsan niya dahil sa kalandian na ginagawa niya sakin.

Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. Pulang pula ang pagmumukha ko dahil sa kalandian ni Dereck. Napaka! Sobrang napaka!

Nang matapos na ako sa pagbabanyo ay naabutan kong pinaghahatian na nila ang bill ng kinain namin.

Seryoso? Sa dami ng pera nila paghahatian pa nila 'yan?

"Saan ka tumutuloy ngayon?" Dinig kong tanong ni Dereck. Tahimik akong umupo ulit sa tabi niya pero nalipat pa rin ang tingin nila sakin.

Nilagay ni Dereck ang kamay niya sa gitna ng hita ko—I mean, malapit sa tuhod pero hindi sa iniisip niyo!

"Sa condo ko sa Makati. Ayoko munang bumili ng bahay, you know. I don't have yet my girl." Pasimple itong tumingin sakin. Matalim ko siyang tinignan bago umiwas ng tingin.

A Deal with Mr. Billionaire [ Billionaire Series #1 ]Where stories live. Discover now