Kabanata 12

197 9 0
                                    

Kabanata 12

"For all the wonderful young women who will represent each team, we encourage you to take a step towards the middle."

Agad akong kinabahan nang maalala na may question and answer pa nga pala.

Wala akong balak pumunta sa unahan dahil hindi ko naman talaga ginusto ito. 'Tsaka isa pa iba ang pagtatanong sa ganito kesa sa tanong na nakasulat sa exams.

"Ay Tisay, Ito oh mag-apply ka muna ng lipstick sa lips dahil medyo nawawala na 'yung kanina na nilagay mo. Alam kong dyosa ka pero parang mas dyosa ako sa'yo ngayon. " saad ni Zoey sa akin at ipinakita sa akin ang red lipstick "At hawak ko ang solusyon. " ngumiti pa ito ng pagkalaki-laki.

Akmang lalagyan niya ang labi ko marahan kong tinabig iyon. "Ayoko na'n, okay na ako sa ganito lang. Saglit lang naman ito e. " pagtanggi ko.

Kinurot niya ako sa may gilid 'saka may ibinulong "Nakikita mo ba 'yung Alice? Mas maawra siya ngayon kesa sa'yo, talong-talo ka Tisay. " nanliit ang mata ko sa kaniya "For sure naman na hindi ka magpapatalo sa kaniya, diba? Papayag ka ba naman na mapunta lahat sa kaniya ang atensyon pati ni Oliver... lalo na kapag siya ang nana---"  pinutol ko ang sasabihin niya.

Ako na mismo ang naglagay ng lipstick sa labi ko at hinablot ang maliit na salamin sa kamay niya. Tinulungan niya rin akong suklayin ang mahaba at maganda kong buhok.

"Happy? " sarkastiko kong sambit.

"You're pretty. " puri niya sa akin.

"And at this point everyone will be able to see who will take home the award and win as the best muse" muli kong narinig ang sunod na announced.

"Go na. Kaya mo 'yan. Basic lang 'yan para sa'yo, we believe in you, Tisay. "

Napatingin ako sa likuran niya ngayon. Kinabahan ako ng makita ang mga titig ni Drey sa akin pero tinanguhan niya parin  ako bilang suporta at pagpumilit na rin siguro.

"Go, girlfriend! "

Bahagya akong natawa sa pagbibiro ni Clent. Nakita ko rin ang bahagyang pagsiko ni Drey sa kaniya kaya napalingon  siya dito. Nakuha naman agad ni Clent ang punto ni Drey.

"I know my limits, but Escozar doesn't own her, right? For now, I'll just enjoy it. " rinig kong sambit ni Clent sa kaibigan.

"Whatever, Dude! " pasupladong sagot naman ni Drey.
 
Muling bumalik ang atensyon nila sa akin. Ngiting-ngiti si Zoey gano'n din naman si Clent, pero si Drey? Sobrang tipid magbigay ng ngiti. Naiilang tuloy ako kapag ganiyan siya.

"We have lost, please win it. If not for you but for the last time, atleast for me."

Parang may kung anong bagay ang kumurot sa puso ko. Nagpapaalam ba siya? Dito na nga lang kami mas napalapit sa isa't-isa pero dito din pala magtatapos...'yung friendship. Friends ba talaga kami? Whatever! Basta I will do this for myself, for him, for the team and for those second-year.

"I will. " tipid kong sagot bago tumalikod at naglakad tungo sa gitna.

Four of us girls stand in the middle to represent each team, from lowest to highest year level. In short, magkatabi kami ni Alice pero hindi ko siya pinansin. Panay lang ang ngiti niya at pagpapansin sa lahat at hinding-hindi ako magpapatalo sa kaniya.

Dyosa yata ang kinakalaban niya!

Maya-maya pa habang nagsisimula ng tanungin ang representative ng freshmen ng maramdaman ko ang siko ni Alice sa akin. Nagpigil ako kahit gustong-gusto ko siyang sikuhin ng malakas.

"Opss, sorry. Akala ko kasi may hanep na dumampi sa akin, tao pala? " pang-aasar niya nang may kasamang nakakaasar na tawa.

Hindi ko na sana papatulan pero nayamot ako ng sabihin niyang hanep ang dumampi sa kaniya? E siya kaya itong dumampi sa balat ng dyosa.

Ang Dyosang Ayaw Magboyfriend (On Going)Where stories live. Discover now