Kabanata 2

255 24 0
                                    

Kabanata 2

Kanina pa ako nagmamadaling lumakad-lakad para lang makaiwas sa lalaking ito. Ito na ba ang sinasabi niyang pangungulit? Hindi nakakatuwa! Nakakainis! Bakit sa akin pa siya lumalapit-lapit?

"Frixie, sige na naman oh. Pumayag ka na maging muse ng team ko. " ani Oliver habang nakasunod sa akin.

"Bakit ba kasi ako? Diba tumanggi na ako? " sagot ko habang patuloy pa rin sa paglakad.

Ramdam ko pa din ang pagsunod niya sa akin "Pero tinanggap ko ba ang pagtanggi mo? " bato niyang tanong pabalik sa akin.

Pilosopo!

Napairap na lang ako sa kawalan "Ewan ko sa'yo!" saad ko dahil sa inis.

"Sige ka, maghapon akong bubuntot-buntot sa'yo nito kapag hindi ka pa pumapayag." pagmamatigas niya pa.

Napahinto ako at hinarap siya, tinaasan ko siya ng kilay. "Ano ba, hindi mo ba talaga ako titigilan? " mataray kong sambit sa kaniya.

"Bakit naman kita titigilan kung gusto kitang makuha? 'Tsaka sinabi ko na sayo na kahit anong mangyari, mangungulit pa rin ako hanggang sa maging akin ka. " bahagyang lumawak ang ngiti niya sa akin.

"Ayoko! "

Tinalikuran ko siya at nagdire-diretso pa ring naglakad habang siya ay nakasunod pa rin. Hindi ko na alam kung saan ang direksyon ko dahil ang gusto ko lang ay layuan na niya ako. Napadpad kami sa isang abandonadong silid at napagtanto kong nasa pinakadulo na pala kami. Mariin akong napapikit dahil alam kong wala na akong takas lalo pa at alam kong nasa likod ko na siya.

"Don't you dare try to escape with me, sweetheart. "

Laglag ang panga ko sa sinabi niya. Muli akong napapikit hindi dahil sa nainis ako kundi dahil kinikilig ako.

Oo na! Kinikilig nga ako!

Napangiti ako sa kawalan bago muling pumasok sa utak ko na kailangan ko siyang iwasan. Kinalma ko ang sarili ko at dahan-dahang hinarap siya, umarteng walang epekto sa akin ang sinabi niya.

Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga.

"Oliver, tigilan mo na ako. " kalmado kong sabi.

"What if I don't?" pilosopo niyang sagot.

"Ano bang kailangan mo? Ano bang gusto mo? " medyo napataas ang tono ng pananalita ko.

"Ikaw, para sa unang mong katanungan.... " kaniya habang nakangiti.

"At ikaw pa rin para naman sa pangalawa mong tanong. " dagdag niya pa sabay kindat.

Kahit kailan talaga ang kulit ng lalaking ito. Ang hilig magpacute sa harap ko na akala mo naman tatalab sa akin... pero talagang tumalab naman talaga. Shit! Ano bang pinagsasabi ko? Binalingan ko siya ng tingin pero sadyang nilalaro lang ako ng kaniyang mga titig parang kinukuryente ako ng mga titig niya.

"Kilala mo ako at kapag sinabi kong ayaw ko, ayaw ko talaga. Tinanggihan na kita kaya, tama na. " pilit kong ipinaintindi sa kaniya.

"Kilala mo rin ako Frixie. Kapag gustong-gusto ko ang isang bagay gagawin ko ang lahat para makuha lang ito. But at this point... Ikaw lang ang gusto ko kaya ikaw lang ang gusto kong makuha. " seryoso na ngayon ang ekpresyon ng kaniyang mukha.

Kumunot ang noo ko sa kaniya " T-teka, may kinalaman pa ba ito sa upcoming basketball league? " nagtataka kong tanong.

Para kasing iba na ang tinutukoy niya dahil sa pagkakaalam ko ay nangungulit lang siya sa akin para maging muse ng team nila hindi sa kung ano pa mang bagay.

Ang Dyosang Ayaw Magboyfriend (On Going)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin