Kabanata 7

169 12 0
                                    

Kabanata 7

South Adamson's Basketball League is happening.

Linis na naman ang buong campus dahil sa loob ng gym nagsiksikan lahat ng mga estudyante kung saan nagaganap ang unang laro para sa unang araw.

Sila masaya pero ako nawawalan ng ganda, este gana pala.

Hindi ko alam kung bakit mag-isa akong palakad-lakad sa hallway na parang batang naagawan ng kendi ang pagmumukha. Ang nasa isip ko lang ay ayokong manood ng laro dahil paniguradong mayayamot lang ako sa makikita ko.

Sige lang ako sa paghakbang ng may biglang bumuhat sa akin hindi lang basta buhat dahil nasa balikat lang naman niya ako.

"Ano ba! Ibaba mo ako! "

"Bitawan mo ako!

"Sino ka ba! "

"Ibaba mo sabi ako e! "

Hindi ko manukhaan ang lalaki dahil nakabaliktad ako, nahihilo na nga ako e. Pinaghahampas ko na lang siya sa kaniyang likod pero wala akong natanggap na reklamo mula sa kaniya.

"Nahihilo na ako! Ano ba! "

Nang maibaba niya ako ay medyo gegewang-gewang pa ako at medyo nanlalabo ang paningin. Ramdam kong inalalayan pa niya ako sa bewang para hindi matumba pero tinabig ko ang kamay niya.

"H'wag mo akong hawakan! "

Nang bumalik ako sa katinuan ay muli kong pinaghahampas sa dibdib ang lalaki.

Teka! Si ---

Tumigil ako sa paghampas "C-Clent? "

Gosh! Lunes pa lang diba? Bakit parang masyadong napaaga naman yata nang dating si Clent? Sa Tuesday ko pa kasi dapat siya magiging crush.

Pero di bale na.

Sabi nga nila, bawal tanggihan ang biyaya.

"Frixie, we need your help. " seryoso ang kaniyang pagkakasabi.

"H-huh? Para saan? "

Tila problemadong-problemado siya "Hindi namin makita si Cassandra. Wala kaming muse. "

Laglag ang panga ko sa kaniya.

"Pero diba, g-game niyo na? "

Umiling siya "3rd and 4th year muna ang naglalaban ngayon. "

Nakatitig lang ako sa kaniya. Ang cute niya pala lalo na pagmalapitan. Sayang lang dahil hindi kami magkaklase.

"A-anong gusto mong mangyari? "

"Ikaw muna ang pumalit kay Cassandra. Para din naman sa atin to, diba second-year ka lang din naman? "

Nang hawakan niya ang magkabila kong braso ay tila nabuhayan na naman ang mga kakirihan ng sistema ko.

"P-pero hindi ako nakahanda. "

Sandaling nagtama ang aming paningin nang may biglang magsalita.

"Don't worry. We've got you. "

Kapwa kami napalingon sa boses na pinagmumulan. Tila nag-heart-shaped ang mga mata ko ng makita si Drey. Mas mukhang napaaga ang dating niya dahil pang-Friday pa siya e.

I'd got too much blessing. I'm so lucky.

Naramdaman ko ang pagtanggal ng mga kamay ni Clent na nakahawak sa braso ko.

"Please, wear this. We don't have enough time. "

Kahit kailan talaga ang suplado ng isang 'to parang hindi tinatablahan ng karisma ko e.

Ang Dyosang Ayaw Magboyfriend (On Going)Where stories live. Discover now