Kabanata 3

219 16 0
                                    

Kabanata 3

Nagmamadali ako sa paglalakad at ang direksyon ko ay sa library dahil gusto kong mag-advance reading para sa next lesson namin, medyo nawawala kasi ang focus ko sa klase tuwing maaalala ko ang pangungulit ni Oliver sa akin.

Habang sinusuyod ko ang daan ay bigla nalang bumagal ang mga hakbang ko nang matanaw ko ang crush ko para sa araw ng Miyerkules.

Gosh! Another fairytale happening and another Prince charming.

List of crushes every different days:

Johnson Silveste - Monday

Clent Axell Mendo - Tuesday

Marione Onil Lacuesta - Wednesday

Bryan Jencee Mumford  - Thursday

Drey Garizel Mejero - Friday

See? Paano nila nasasabing boring ang life ko dahil wala akong love life? Oh well, mali sila dahil ako na yata ang "Pambansang Maharot ng Taon"  or should I say "Pambansang Maharot Taon-taon".

Ako lang naman ang babaeng loyal sa mga crush ko kahit medyo madami sila...parang kulang pa nga e, dagdagan ko pa kaya?

Kapag araw ng lunes, nakatutok ako kay Johnson Silveste dahil sa kaniya ang araw na iyon at ganon din ang iba kapag araw naman nila with the exemption of Saturday and Sunday dahil ayoko namang araw-arawin na lamang ang paglalandi... ang weekend ay pahinga ko naman and time para kay Mama at Fabio na bunso kong kapatid. Para lang sa kanilang dalawa and no more else.

"Hi Frixie. "

Naibalik ako sa katinuan nang marinig ko ang boses ng crush ko ngayon araw at walang iba kundi si Marione Onil Lacuesta. Kapwa kami natigil sa paglalakad nang magkalapit na kami. Nakangiti lang siya sa akin kaya naman namangha na naman ako sa good look niya.

Parang ang yummy.

"H-hi. "  halos mautal kong bati pabalik sa kaniya.

"Saan ang punta mo? " tanong niya naman.

"School library. "

Tumango-tango lang siya

"Eh ikaw? "dugtong ko pa.

"Sa gym, pinatawag kami ni coach for the preparation of upcoming basketball league. " cool niyang sambit.

"Goodluck nga pala sa team mo. " nakangiti kong saad.

"Thank you. Siguradong mananalo na kami nito. " halos hindi ko na marinig ang huling binaggit niya dahil sa sobrang hina.

"Huh? A-ano yun? "

Ngumiti lang siya "Wala.... Ang ganda mo talaga. " saad niya na nagpakilig sa akin.

Nakaramdam ako ng hiya lalo pa at alam kong namumula na naman ang mga pisngi ko ngayon.

"Ah sige, mauna na ako. " nag-aalinlangan pa ako pero ngumiti lang siya.

Nilampasan ko na siya ngunit may pahabol pa siyang tanong kaya napaharap ulit ako sa kaniya.

"Kayo na ba ni Oliver? "

Hindi ko alam kung ano ba dapat ang isasagot ko dahil di ko din naman alam kung bakit kailangan niyang itanong sa akin yun.

Wait! May gusto kaya siya sa akin?

Umiling lang ako dahil parang tinahi ang bibig ko kaya di ako maimik.

Nakita ko ang malapad niyang ngiti "Good. " aniya bago tumalikod sa akin at naglakad papalayo.

Tulala niya akong iniwanan dahil sa huling salitang binanggit niya.

Ang Dyosang Ayaw Magboyfriend (On Going)Where stories live. Discover now