Simula

547 34 13
                                    

Simula

Narinig mo na ba ang katagang "NBSB"?

Its either "No Boyfriend Since Birth" or "No Boyfriend Since Break".

Alin kaya ang mas masakit at pangit pakinggan? Yung malaman ng lahat na kaya ka walang jowa dahil mula pagkapanganak mo palang hanggang sa tumanda ka na ay wala naman talaga o yung tipo na kaya ka walang jowa dahil nawala na, naghiwalay na kayo?

Nakakalito na nakakaiinis diba? Sige mamili ka nalang sa dalawa kung saan ka komportable. Hindi naman importante ang bagay na iyan e, dahil kahit wala naman tayong jowa pwede pa rin tayong magmahal.

"Kahit wala akong jowa na magmamahal sa akin atleast may mga tao parin na kaya akong mahalin."

Ang mga katagang ito ang paulit-ulit kong dinadahilan tuwing kukulitin nila ako tungkol sa pag-ayaw ko sa paghahanap ng nobyo. Tama naman ako, diba? Hindi lamang umiikot ang pag-ibig sa mga magjowa dahil meron din namang tinatawag na pag-ibig sa kaibigan, pag-ibig sa kapamilya, pag-ibig sa magulang. Napakaraming klase ng pag-ibig kung tutuusin bonus nalang siguro ang pagkakaroon ng kasintahan.

"Hay naku! Ewan ko nalang sa'yo Tisay, tatanda kang dalaga. "

Napailing na lang ako sa pananakot sa akin ng kaibigan kong si Zoey. Makailang ulit na niya akong tinatatakot sa mga salita niya kaya nasasanay nalang din siguro ako. Palibhasa kasi siya ay napakaraming naging boyfriends, ni hindi ko na nga mabilang at sigurado ako na gan'on din siya.

"Zoey, hindi porket ayokong magboyfriend ay boring na ang buhay ko. I have a lot of crushes out there... sa ngayon sila ang nagpapakilig sa akin." simple kong tugon sa kaniya.

"That's my point! You have a lot of crushes at alam ko na alam mong ang iba sa kanila ay gusto ka rin, bakit hindi mo pa patusin? " aniya.

Bahagya kong naibuga ang iniinom kong tubig sa mga narinig ko. "Eww! Tumigil ka na nga diyan! Hindi gan'on kadali iyang mga iniisip mo... " napairap ako sa kaniya "...'tsaka ayokong paspasan ang lahat dahil sabi nila na kung gaano kabilis naging kayo ay ganoon din kabilis ang paghihiwalay niyo. " dagdag ko pa.

"At naniwala ka naman? " tinaasan niya ako ng kilay.

"O-Oo! Diba gan'on ang nangyayari lagi sa'yo? Padalos-dalos ka, walang nagtatagal kaya lagi kang nasasaktan. " ibinalik ko sa kaniya ang usapan.

"Awwtts! A-ang sakit naman no'n. Grabe din talaga minsan iyang bunganga mo noh? " sarkastiko niyang sambit.

"I'm sorry. Ayoko lang talagang matulad sa'yo, ayokong masaktan. "

Boyfriend?

-No, thanks.

Manliligaw?

-No, thanks.

Crushes?

-Owh, Yes!

I'm 17 years old already pero wala sa bokabularyo ko ang maghanap o tumanggap ng boyfriend. Masaya naman ang buhay ko sa mga crushes ko, dahil napakarami nilang nakakapagpakilig sa akin and that's enough for me. Sa katunayan nga meron akong 56 crushes sa aming school, 120 celebrity crushes, 3 babae na crush ko, 5 naman sa teachers at kahit nakakahiya mang sabihin pero.... may crush akong pari pero isa lang naman. Oh ngayon, paano nila nasasabing boring ang buhay ko? Mas higit na malandi pa nga ako sa ibang babae diyan e, pero yung kalandian kong ito ay pansarili lamang. Hindi ako yung tipong maghahabol at mangungulit sa mga crushes ko.

Ang Dyosang Ayaw Magboyfriend (On Going)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum