Hindi niya alam kung paano natitiis ni Jimmy na ilapat ang ulo at mukha nito sa ganoong karuruming unan.

Mabilis siyang tumihaya nang marinig ang malakas na pagsara ng pinto. Nakatayo si Jimmy sa paanan niya habang may pagnanasang nakatingin sa kaniya.

“Jimmy Boy! Pakawalan mo ako dito! Ang bigat nitong nasa leeg ko!” Mula sa basement ay sigaw ni Martha.

“Sandali lang, mama. May gagawin lang ako dito kay Krystal…” Kinilabutan siya sa makahulugang sinabi nito. Tila alam na niya kung ano ang binabalak nito sa kaniya.

“Okay, Jimmy Boy! Galingan mo. Ang gusto ko ay punuin ninyo ng maraming bata ang bahay natin!” Humagikhik pa si Martha.

Unti-unting lumapit si Jimmy hanggang sa nasa ibabaw na rin ito ng kama. Titig na titig sa kaniya habang siya ay takot na takot.

“M-maawa ka. Huwag mong gawin sa akin ito, Jimmy. A-alam kong may kabutihan pa sa puso mo. Nakikiusap ako sa iyo—”

Hindi na niya nagawang tapusin ang sasabihin nang biglang sunggaban ni Jimmy ang kanang kamay niya. Hinila nito iyon hanggang sa may bakal na headboard. May nakahandang lubid doon at ginamit iyon ni Jimmy para maitali ang kamay niya. Isinunod nito ang isa niyang kamay.

“Pakawalan mo ako dito! Hayop ka!!!” Umiiyak na sigaw ni Krystal. “Tulungan ninyo ako! Tulooong!!!” Umaasa pa rin siya na may makakarinig sa kaniyang ibang tao kahit na alam niyang walang malapit na bahay sa bahay nina Jimmy.

Lumabas si Jimmy ng kwarto. Mas lalong nagwala si Krystal para makawala sa pagkakatali pero hindi siya nagtagumpay. Matibay ang lubid at mahigpit masyado ang pagkakatali sa kaniya.

Maya maya ay pumailanlang ang isang pamilyar na awitin mula sa salas…

I know… I know… You belong to somebody new
But tonight… you belong to me

Nilakasan pa ni Jimmy ang sounds. Mas lalong nakadagdag sa takot niya ang pakikinig sa kantang iyon. Hindi niya alam pero may kakaibang hatid na kilabot ang awiting iyon sa kaniya. Mga bata ang kumakanta at parang sobrang luma pa.

Pumalahaw ng iyak si Krystal nang bumalik si Jimmy sa kwarto. Wala na itong pang-itaas. Ang saplot na lang nito sa katawan ay ang kulay puting brief. Hindi na maayos ang garter. May kulay dilaw pang mantsa sa may harapan.

Although… Although… We’re apart
You are a part of my heart
And tonight… you belong to me

Walang emosyon na naglakad ito palapit sa kaniya. Umupo ito sa gilid ng kama at hinaplos ang kaniyang pisngi. Panay ang iwas at sigaw niya. Nandidiri kasi siya sa tuwing lalapat ang kamay ni Jimmy sa kaniya. Lalo na at alam niyang may gagawin na naman ito sa kaniya na hindi maganda.

“Go, Jimmy Boy! Galingan mo!” Akala mo ay cheerleader si Martha. Hindi man lang ba nito pipigilan ang anak? Hahayaan lang nito si Jimmy na gumawa ng isang krimen?

“Akin ka lang, Krystal. Hayaan mong iparamdam ko sa iyo ang wagas na pagmamahal ko—”

Dinuraan niya sa mukha si Jimmy. “Demonyo ka!” Hindi na niya alam ang emosyon na nararamdaman niya. Basta nagpapalit-palit ang takot at galit sa kaniya. Patuloy pa rin siya sa pagwawala. Kahit anong mangyari ay hindi siya papayag na magtagumpay si Jimmy.

Way down by the stream
How sweet it will seem
Once more just to dream in the moonlight…

Hinawakan ni Jimmy ang laway niya na tumama malapit sa ilong nito. Dinala nito ang laway sa bibig at sarap na sarap ito na napapapikit. “Laway mo pa lang, ang sarap na. Hindi na ako makapaghintay, Krystal!” Natatarantang hinubad ni Jimmy ang brief. Ganoon na lang ang takot niya nang makita ang maitim, matigas at malaking pagkalalaki ni Jimmy.

CHAINS II: The Kidnapping Of Krystal CuevasWhere stories live. Discover now