PROLOGUE

7.5K 232 33
                                    

NOTE: Hindi po ito kadugtong ng naunang CHAINS. Wala po itong connection doon pero parehas sila ng theme na tungkol sa kidnapping. Ito po ay pure fiction lamang at wala akong pinagbasehan na kwento sa totoong buhay... Ang pagkakatulad po ng pangalan ng mga karakter sa totoong buhay ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.



 Ang pagkakatulad po ng pangalan ng mga karakter sa totoong buhay ay hindi sinasadya at nagkataon lamang

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.




“HANGGANG dito na lang muna ang video ko for now. Don’t forget to like, share and subscribe to my channel! Thanks, guys! Love lots! Bye!”

Mabilis na pi-nause ni Grace ang vlog na pinapanood nila ng mga kaklase niya habang hindi pa nagsisimula ang first subject nila para sa araw na iyon. Wala silang pakialam sa ingay ng iba nilang kaklase sa kanilang room dahil ang atensiyon nila ay nasa video na kanilang pinapanood.

Nakakumpol sa kaniya ang lima pa niyang kaklase na puro babae gaya niya. Siya ang may hawak na cellphone na pagmamay-ari niya. Siya lang ang nakaupo habang ang lima ay tila mga miron na nakatutok ang mata sa cellphone. Pi-nause niya ang video kung saan ikinaway ng babae sa vlog ang kaliwa nitong kamay para magpaalam. Malaki ang ngiti ng babae. Sa hula nila ay nasa kwarto ang babae dahil sa kama na nasa likod nito.

“Look! Tingnan ninyo 'yong wrist niya!” itinuro pa ni Grace ang nakataas na kamay ng babae sa video. “May bruise siya. 'Kita niyo ba? Parang bakas ng malaking kadena iyong nasa wrist niya, e. Siguro ay kakatanggal lang ng kadena sa kamay niya kaya may bakas pa siya diyan.”

“Ha? Wala naman, e!” Kinuha ng isa ang cellphone at tiningnan ng mabuti ang tinutukoy niya. “Ang OA mo, Grace. Parang hindi naman pasa. Siguro dahil kanina pa nakapatong iyong pulso niya sa gilid ng table kaya namumula. OA sa malaking kadena!”

Pinagpasa-pasahan ng mga nakapalibot sa kaniya ang cellphone at lahat ay hindi kumbinsido sa theory niya. Kagabi kasi ay hindi siya makatulog kaya naisipan niyang manood ng vlogs sa Youtube. Dahil sa gusto niyang matutong mag-make up ay puro make up tutorial ang pinanood niya. Grade 10 na kasi siya at karamihan sa mga kaklase niyang babae ay nagme-make up na. Ayaw naman niyang mapag-iwanan kaya naisipan niyang dapat ay marunong na rin siyang mag-apply ng make up.

Noong una ay puro videos ni Michelle Dy ang pinapanood niya hanggang sa nakita ang isang make up tutorial video ng isang vlogger na nagngangalang Krystal Cuevas. Make up for student ang nakalagay kaya agad niyang pinanood. Malinaw magbigay ng instuctions si Krystal sa tutorial nito. Dagdag pa na maganda talaga ito kaya nawili siya sa panonood ng videos nito. Nang tingnan niya ang mismong channel nito ay nakita niyang nasa ten thousands pa lang ang subscribers nito.

Matagal nang vlogger si Krystal ngunit nakakapagtaka na kakaunti pa lang ang subscribers nito. Ang dami na rin nitong videos. Umabot na iyon sa one hundred. Hindi lang make up tutorial ang meron ito. Meron ding pranks, daily vlogs, challenger at kung anu-ano pa. Ang pinaka latest na upload nito ay three days ago. Napansin niya na parang kahit nakangiti si Krystal sa videos nito ay para bang iba ang nakikita niya sa mata nito.

Takot. Iyon ang nakikita niya sa mata ni Krystal. Sa mga lumang videos nito ay genuine ang mga tawa at ngiti nito. Ngunit mula sa mga videos na in-upload nito one month ago ay doon na niya napansin ang kakaiba dito. May isang video pa nga ito na meron itong parang pasa sa kaliwang pisngi at maliit na sugat sa gilid ng labi. Meron din na nagsabi ito ng “help” ng pabiro pero para sa kaniya ay isa iyong pahiwatig na kailangan nito ng tulong. At sa latest nga nitong upload ay namumula naman ang wrist nito at may bakas pa ng kadena.

Doon na kinutuban si Grace. Hula niya ay may masamang nangyayari kay Krystal. Ang sapantaha niya ay may isa o higit pang tao ang may hawak kay Krystal Cuevas. Kinidnap siguro ito at upang hindi maghinala ang mga tao na nakidnap ito ay patuloy itong pinapagawa ng vlogs.

“Akin na nga iyan!” May halong inis na kinuha ni Grace ang cellphone at ibinalik iyon sa kaniyang bag. “Kung ayaw ninyong maniwala sa akin, edi, huwag. Basta, malakas ang feeling ko na pinipilit si Krystal Cuevas na gumawa ng vlogs ng kidnaper niya. She’s kidnapped!”

Muling nagtawanan ang mga nakapalibot sa kaniya.

“Nasobrahan ka na sa kakapanood ng true crime docu sa Netflix, 'no?” Pang-aalaska ng isa pa niyang kaibigan.

“Ano ba kayo? Dapat sabihin natin ito sa mga pulis. Baka kung ano pa ang gawin ng kidnapper na iyon kay Krsytal!”

Hindi na nagawa pang sumagot ng mga kaibigan ni Grace dahil dumating na ang guro nila para sa kanilang first subject na si Teacher Amor. Akala mo ay grupo ng mga isda na nabulabog na nagkagulo ang mga kaklase niya sa pagbalik sa kaniya-kaniyang upuan.

“Ano ba iyan?! Ang iingay ninyo! Naglalakad pa lang ako papunta dito ay dinig ko na ang mga bunganga ninyo! Dahil diyan, get one sheet of pad paper at may quiz tayo!” gigil na turan ng kanilang guro.

“Ma’am!!!” sabay-sabay na ungot ng mga kaklase ni Grace habang siya ay tahimik lang at walang pakialam kahit may surprise quiz dahil okupado ni Krystal Cuevas ang utak.

Tama nga kaya ang kutob niya na kinidnap si Krystal Cuevas at nanganganib ang buhay nito?







Tama nga kaya ang kutob niya na kinidnap si Krystal Cuevas at nanganganib ang buhay nito?

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
CHAINS II: The Kidnapping Of Krystal CuevasWhere stories live. Discover now