CHAPTER 07

3K 124 26
                                    

“MGA baliw kayong lahat!” nanlilisik ang mga mata na sigaw ni Krystal sa tumatawang si Martha matapos niyang isuka ang lahat ng laman ng kaniyang sikmura. Umasim tuloy ang amoy ng silid na iyon dahil sa kaniyang suka.

Tumigil ito bigla sa pagtawa. “Sinong baliw? Sino?!” Sinabunutan siya nito. “Hindi ako baliw! Nakita ko lang kasi iyang daliri mo sa tinola ko. Alangan ako lang ang makakakain niyan?”

“Pagbabayaran ninyong mag-ina ito! Mabubulok kayo sa kulungan!”

“Talaga ba? Iyon ay kung makakaalis ka pa dito. Ikaw ang mabubulok dito, Krystal. Sa tingin mo ba ay papakawalan ka pa ng anak ko? Libog na libog kaya sa iyo si Jimmy Boy ko!” Muli itong tumawa ng malakas.

Tumiim ang bagang ni Krystal. Hindi na tao ang tingin niya kay Martha kundi isang demonyo. Anong klase itong ina? Talagang kinukunsinte nito ang maling ginagawa ng anak.

Pasimple niyang kinuha ang kadena na kanina ay nakapulupot sa kaniyang paa. Mabilis siyang tumayo at pilit na binuhat ang bigat ng bolang bakal. Habang tumatawa si Martha ay ipinulupot niya iyon sa leeg nito at sinakal gamit iyon. Tiniis na lang niya ang sakit ng sugat niya sa kaniyang daliri.

“H-hayop k-ka—” Hirapang sabi ni Martha habang nanlalaki ang mata na nakatingin sa kaniya habang sinasakal niya ito ng kadena.

Mas lalo niyang diniinan ang pagkakasakal sa leeg ng babae pero makalipas ang ilang segundo ay natakot siya na baka tuluyan niya itong mapatay. Hindi naman niya iyon gagawin dahil hindi siya mamamatay-tao. Kaya ang ginawa niya ay ini-lock niya ulit ang kandado at itinapon sa kung saan ang susi. Sa pagbitaw niya sa kadena ay napayuko si Martha dahil sa bigat ng bolang bakal sa dulo niyon.

“'Tang ina ka, Krystal! Papatayin kitang babae ka!” galit na sigaw ni Martha.

Sinamantala na ni Krystal ang pagkakataon na iyon. Mabilis siyang tumakbo at umakyat sa hagdan paitaas. Nang makalabas siya ng basement ay napunta siya sa kwarto ni Jimmy na puno ng litrato niya ang dingding at kisame. Pagkakita niya sa pinto ay tumakbo agad siya palabas. Sumagap siya ng hangin na para bang matagal siyang nakalubog sa tubig.

Huminto siya sandali upang hanapin ang pinto palabas ng bahay. Dahil sa pagkakakulong niya sa basement ay tila hindi pa masyadong gumagana ng maayos ang pag-iisip niya. Hanggang sa nakita niya ang nakabukas na pinto sa salas. Iyon ang pinto sa kalayaan niya sa kamay ng baliw na sina Jimmy at Martha kaya walang pagdadalawang-isip na tinakbo niya ang pinto.

Ngunit nang nasa may pinto na siya ay bigla siyang nadapa. Iyon pala ay merong lubid na nakatali sa may ibaba ng pinto na ang taas ay halos isang dangkal. Doon siya napatid kaya siya nadapa. Sumubsob ang buong mukha niya sa lupa na may bato. Napuruhan ng husto ang labi niya dahil natamaan iyon ng matalim na bato kaya nahiwa iyon ng malalim.

Ilang segundo din siyang nakadapa habang dumudugo ang labi. Hindi pa man siya nakakatayo ay may sumaklit na sa braso niya at marahas siyang itinayo. Sumalubong sa kaniya ang mukha ni Jimmy.

“Sinabi ko na nga ba, may balak kang tumakas, Krystal!” anito sabay hila sa kaniya pabalik sa loob ng bahay. “Hindi mo ba ako gustong makasama? Kasi ako, oo! Gustong-gusto! Sinubukan ka lang namin ni mama kung tatakas ka. At tumakas ka nga! Ngayon, dapat sa iyo ay maparusahan para magtanda ka!”

“J-jimmy, tama na. Pakawalan mo na ako…” Hindi na niya maigalaw ang kaniyang bibig dahil sa sobrang sakit. Pakiramdam niya ay may nakalaylay na balat o laman sa kaniyang labi. Madaming dugo ang tumutulo sa damit niya kaya sigurado siyang malaki ang sugat niya doon.

“Ikaw ang maawa sa akin! Matagal akong nagtiis na makasama ka. Tapos ngayong nandito ka na, ayaw mo naman? Tatakas ka pa!”

Nakarating na sila ni Jimmy sa kwarto nito. Akala mo ay isang magaang papel na itinulak siya nito sa ibabaw ng kama. Napasubsob ang mukha niya sa isang unan. Pag-angat niya ng mukha ay nagmantsa ang dugo niya sa punda niyon. Nakakadiri ang hitsura ng unan. Marami iyong manilaw-nilaw na mantsa at amoy kulob pa.

CHAINS II: The Kidnapping Of Krystal CuevasWhere stories live. Discover now