Chapter 20

7.1K 233 78
                                    

"May med student sa banda nila." he shrugged. 

"Talaga? Ka-block mo?" Tanong ko sakaniya. Umiling siya. 

"Pareho kaming nagduduty sa SLU hospital and we also attend several parties together." Pagpapaliwanag niya. Napatango ako. 

"Buti ka pa nakuhanan mo ako ng video greet sakanila. Yung pinsan ko, epal iyon!" Parang batang sumbong ko sakaniya. Natawa lang siya sa sinabi ko. 

Nagkuwentuhan pa kami pagkatapos kumain. Binilisan na nga namin dahil fifteen minutes nalang at babalik na ako sa duty. Sabay kaming naglakad ni Jonas, pabalik. Mabuti nalang at at iisang daan lang ang dadaanan namin. 

Mabuti nalang may five minutes pa bago ang duty kaya, iiwan ko na ang gamit ko sa headquarters. Bahagya akong napalundag ng makita kong nakaupo sa upuan si Iverson. Seryosong nakatingin sa akin. 

"Saan ka galing?" Seryosong tanong niya pero biglang lumambot ang ekspresyon niya "I was worried." Dagdag pa niya.

"Kumain lang ako riyan sa may session," sagot ko sakaniya tiyaka binitawan ang bag ko. "No need to worry. Hindi ka pa mag duty?" I ask. 

"Sinong kasama mo? You didn't answer my calls that's why I was worried." Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa. Naka ten missed calls nga siya. Kaagad akong ginapangan ng guilt dahil nakalimutan ko siyang i-message. 

"Sorry, I didn't notice," which is true, maybe we're busy talking that time. Naka silent din ang phone ko. "I was with Jonas." I honestly said. Bahagya siyang tumango tiyaka tumayo. 

"Tara na?" Anyaya niya sa akin. Ngumiti ako at kinilingkis ang braso ko sakaniya. Sabay kaming lumabas sa headquarter. 

Alas siyete na kaming natapos sa duty namin. Minemessage pa rin ako ni Gail, in-update kung nasaan sila at ilang mga rants niya sa tita niya na laging katalo niya. 

Nag-aayos kaming gamit ni Iverson ng umilaw ang cellphone ko. May nag notification, akala ko si Gail pero hindi pala. 

@jonastan: hey, your book? 

Namilog ang mata ko nang maalala ko ang libro ko! Oo nga pala! Hays! Inuna pa kasi ang harot!

@daisheen: hala uu nga :( kailan ko pwede kunin? 

@jonastan: i'll drive you home? 

@daisheen: is it okay with u? 

@jonastan: no worries. 

@jonastan: gonna pick you at the cross road? 

Yung cross road na sinasabi niya ay yung road na deretso sa General Luna, pababa sa Genneral Luna na tapos sa kanan yung assumption at left side ang papunta SLU hospital of the sacred heart. 

"Hatid na kita?" Iveson asked nang matapos ma siyang mag-ayos ng gamit niya. 

"Ah," hindi ko alam kung paano sasabihin sakaniya "Ahm. Ano kasi. Nakalimutan ko yung libro ko sa kotse ni Jonas. Hahatid na niya raw ako." Medyo nahihiyang wika ko. Napataas ang kilay niya at dahan-dahang tumango. 

"I just want to remind you that he is courting Gail." Bahagya akong sinampal ng katotohanan gamit ang mga salitang binitawan ni Iverson. 

Napanguso ako at napatingin sa cellphone ko kung saan nakabukas ang conversation namin sa twitter. Pinaglalaruan ko iyon dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Scroll up and scroll down.

Naramdaman ko ang paglapit sa akin ni Iverson tiyaka hinawakan ang dalawang pisngi ko. Bahagya niya pa itong pinisil kaya tinampal ko ang braso niya. 

"Asar!" Sabi ko sabay hawak ko sa pisngi ko "Masakit ah!" Dagdag ko pa. He chuckled. 

He did it again, hinawakan ang pisngi ko at pinisil "Say ihh.. ihhsmile," nagmake face ako sa kakornihan niya. Bahagya niyang ginulo ang buhok ko ng tinampal ko ulit siya "Call me whenever you need me, okay?" He seriously said. 

"Okay po, daddy!" Natatawang wika ko sakaniya. 

Sabay kaming lumabas at hinatid pa niya ako kung saan ko hihintayin si Jonas, diniem ko na siya na naghihintay na ako. 

"You can go." ngiti ko kay Iver. 

"I'll wait with you." Wika niya habang nakasabit ang bag niya sa isang balikat niya kaya hawak niya ang strap nito. 

Tatlong minuto lang at nandoon na ang sasakyan ni Jonas. Pinagbuksan ako ni Iverson ng pintuan. Ngumiti ako sakaniya para magpasalamat. 

"Thank you." 

"Ingatan mo siya." Saad niya bago sinara ang pintuan. Napatingin ako kay Jonas tiyaka ko siya binati. 

"Did he likes you?" Kumunot ang noo ko sa bati sa akin ni Jonas. 

"Huh? What are you talking about?" Natatawang sabi ko sakaniya. 

"Iverson. He likes you?" Ulit pa niya. Tiningnan ko siya nang hindi makapaniwala dahil sa tanong niya. 

"He didn't!" Depensa ko nang natatawa "Iverson is like that, he's always protective and a caring best friend to us," dagdag ko pa. "Yung libro ko pala? Baka makalimutan ko ulit," nahihiyang wika ko. 

Ginalaw niya ang ulo niya para ituro ang nasa back seat. Malaking paper bag na ito, kumunot ang noo ko dahil maliit lang naman iyon noon na sakto lang sa libro. 

"Dinala ko rin yung mga ginamit kong pang review noon sa NMAT at iyong ginawa kong reviewer baka makatulong." Namilog ang mata ko sa sinabi niya. 

"Talaga?!" Hindi makapaniwalang tanong ko tiyaka inabot ang paper bag sa likuran. I heard his chuckle because of my reaction. 

Binuksan ko ito, may dalawang libro plus yung binili ko at mga hand outs. Meron ding yellow paper roon, mukhang iyon ang ginawa niyang reviewer. 

"Naitago mo pa pala ito?" Hindi pa rin ako makapaniwala na naitago niya pa ang reviewer niya. 

"Yup, magagamit kasi in the near future. Like now." Sabi niya. 

Ang saya ko naman ngayon! May babasahin ako sa Christmas break, sa January kasi mag-aayos kami ng requirements, pagkatapos sa March twenty ang schedule ng test sa NMAT, mabuti nalang din at may testing center dito sa Baguio. 

Sa sobrang saya ko ay nag scan lang ako ng notes niya. Wow! Ang clear ng notes niya, maintindihan ko kahit na binabasa ko lang! Alam mo iyong pinadali niya ang mahihirap na parts! Wow! Kaya pala batch valedictorian siya ngayon sa mga ga-graduate. Syempre chinika sa akin ni kuya Nathan iyon.

Gumagawi ang tingin niya sa akin paminsan-minsan habang nagdadrive siya habang ngumingiti dahil sa reaksiyon ko. Alam ko na sasabihin ng iba na ang babaw ng kaligayahan ko pero hello? Reviewer ito para makapasok ako sa med school. 

Hanggang sa hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng bahay namin. Bumaling ako sakaniya tiyaka ngumiti. 

"Salamat ulit dito! Babalik ko rin pagkatapos!" Natawa siya sa reaksiyon ko. 

"No worries. Promise me, you'll pass NMAT," ngumiti ako. Tinaas ko pa ang kanang kamay ko. 

"Promise! And for sure papasa ako sa reviewer mo pa lang!" Sabi ko. Natawa siya, lagi nalang siya natatawa sa akin ah?

Masaya ka naman pala sa akin, bakit hindi nalang ako?

Cry In A Cold City [Baguio Series #1]Where stories live. Discover now